Napangisi si Dexter dahil sa tapang na ipinapakita ni Alona. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Ang nakaagaw lang ng kanyang atensyon dito ay ang pula nitong buhok."Who the fuck are you? How dare you beat my girlfriend? And how dare you call her a bitch?" galit na sigaw ni Dexter.Hindi maiwasang makaramdam ng kaba ng mga estudyanteng naroon para kay Alona. Humanga sila sa tapang nitong tulungan sina Kina. Pero sigurado silang hinding-hindi papalampasin ng pamilya Velasquez sa ginawa nito kay Tiffany. At mas lalong hindi rin papayag si Dexter na hindi ito maparusahan.Para sa kanila ay hindi ito ililigtas ng tapang nito kapag pinadampot na ito ni Mayor Derek at ipabilanggo.Hinawakan ni Kina si Alona sa braso at pinakiusapang humingi nalang ng patawad. Pero hindi ito pinansin ni Alona. Para sa kanya, ang turuan ang mga ito ng leksyon ang mas tamang gawin."Bakit, sino ka rin ba? Are you the ruler of this school?" sarkastikong tanong pabalik ni Alona. Dahil dito ay mas lalong
Pagkatapos ng mahigit isang oras pa na paglalakad ay narating din nina Luke sa wakas ang lugar kung saan nawala ang pulang tuldok sa mapa sa kanilang mga tablet. Natagpuan din nila ang durog-durog na cellphone ni Richard.Sa lugar na ito mismo nanatili ang tuldok simula kahapon. Ang ipinagtataka ni Luke ay wala namang kabahay-bahay rito o anumang uri na pwedeng masilungan. Imposible ring makatulog sila rito sa gabi dahil paniguradong pagpi-fiesta-han sila ng mga lamok."Anong balita?" tanong ni Luke kay Leon na kakarating lang. Tumulong ito sa pagsisiyasat ng buong lugar."Negative. Walang senyales na may namalagi rito nang buong magdamag." tugon ni Leon.Hindi nagbago ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Luke simula pa kanina nang dumating sila rito. Muli niyang iginala ang kanyang paningin.Kahit na masukal ang kinaroroonan nila ngayon ay patag ang lugar na iyon. Wala siyang nakitang anumang kahina-hinala sa paligid. Parang normal na kasukalan lang iyon. Sa dami ng taong pumunta rit
"May potensyal siya. Bakit hindi siya ang ipalit mo kay Douglas?" suhestiyon na tanong ni Leon."Sinubukan ko na siyang alukan ng posisyong iyon. Pero tinanggihan niya lang." tugon ni Malcov. May pagkadismaya sa tono ng boses nito.Simula nang makilala ni Malcov si Zeo ay alam niya nang may tinatago itong kakayahan. Pero hinayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin at wala siyang balak na punain iyon o ipaalam kahit na kaninuman. Ang importante ay nakumbinsi niya itong sumali sa kanilang gang pati na sa gang officials."You fool! How could you lie shamelessly to Mr. Cruise?" pasigaw na sambit ni Dylan kay Zeo. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat ng naroon.Hindi matanggap ng orgulyo nito ang pagsang-ayon ni Luke kay Zeo. Dahil sa nalamangan siya ng panghuling miyembro ng kanilang gang official lalo pa't isa siyang high ranking.Kaya naman ay nakaisip si Dylan ng paraan upang pahiyain si Zeo."Mr. Cruise, kung hindi niyo pa alam ay ang lalaking 'yan ang panghuling miyembro ng aming
Hindi man nila maunawaan ang ibig sabihin ni Larry ay natahimik nalang ang mga ito."Upang mapatunayan ko sainyong totoo ang aking mga sinabi ay papasukin namin itong kweba. I will bring few people along with me. Ichicheck namin kung nandyan nga ba talaga sila sa loob o wala." pagpapatuloy ni Dylan. Hindi pa rin nawawala ang pagkahambog sa itsura nito. "Kapag may na-spot-an kaming miyembro ng Night Bandos sa loob ay ipapaalam ko kaagad sainyo gamit ang radyo at saka na kayo sumunod upang bumack-up sa'min. Pwede natin silang dakipin at gawing hostage kapalit ng kalayaan ni Richard." ani pa nito na may malawak na ngisi sa labi.Nakumbinsi ng kanyang sinabi ang ilang mga BPG members. Maganda ang naisip na plano ni Dylan. Sa ganitong paraan, mabilis lang nila mababawi si Richard nang walang kahirap-hirap.Pero para kay Malcov at ilang WDK members ay masamang ideya iyon lalo na kung tama nga sina Luke.Nagpakawala ng mababaw na buntong hininga si Luke.
Dahil sa hindi inaasahan ni Luke ang ganitong plano ng Night Bandos ay nawalan rin ng silbi ang naging pagpupulong nila kahapon.Ang ipinagtataka ni Luke ay kung paano nalaman ng mga ito ang mga ikikilos nila? Paano nahulaan ng mga ito na matatagpuan nila ang kwebang iyon? Higit sa lahat ay bakit napakalinis ng naging plano ng mga ito?Kasalukuyan silang nakakubli hindi kalayuan sa may bunganga ng Mt. Makiling. Mamasa-masa pa rin ang lupa dahil sa naging malakas na pag-ulan kanina pero hindi nila alintana iyon habang lahat sila ay nakadapa at matiyagang naghihintay.Nasa mahigit isang daang WDK members at piling BPG officials lang ang isinama ni Luke. Ang iba ay nanatili sa may bukana ng kweba."Why are we here Mr. Cruise?" takang tanong ni Joanna na siyang katabi ni Luke sa kaliwa habang nasa kanan niya si Malcov. Nagtataka ito dahil wala naman sa kanilang plano ang pumunta rito."Just wait and see, Joanna." si malcov ang sumagot sa tanong na iyon ni Joanna. "Any moment now, the bomb
"Luke! Bakit ang tagal mong sagutin? Bilisan mo! Pumunta ka agad ngayon dito sa cafeteria! May kailangan kang makita!" Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Tony mula sa kabilang linya ng tawag. "Bakit, anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Luke habang nakakunot ang kanyang noo. Nasa kalagitnaan siya ng pagligo nang magsimulang tumunog ang kanyang cellphone. Patuloy lang ito sa pagtunog hanggang sa matapos siyang maligo. Nang makitang si Tony ang tumatawag ay agad niyang sinagot ito. Nakasuot lamang siya ng puting tuwalya at natatakpan lang nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, habang nakalantad naman ang itaas na bahagi na may magandang hubog na animo'y alagang gym. Kapansin-pansin din ang maliit nitong birthmark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tila para bang hugis ulo ng isang dragon. Kung sino man ang makakakita nito ay aakalaing tattoo ito ng ulo ng dragon. "Basta dalian mo! Pumunta ka agad dito! Si Veroni—" Hindi natapos si Tony sa kanyang sasabihin. Pagkatapos a
Bumalik si Luke sa kanilang dormitoryo. Pagkatapos niyang pumasok sa kanilang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama at naupo. May pasok dapat siya ngayon pero dahil sa nangyari sa cafeteria ay nawalan na siya ng gana.Mamasa-masa ang mga matang ibinaling niya ang kanyang tingin sa isang picture frame na nakapatong sa maliit na drawer sa gilid ng kanyang kama. Picture nila iyon ni Veronica noong unang anniversary nila. Ang kalungkutan sa kanyang puso ay mas tumindi pa nang makita niya ang nakangiting mukha ni Veronica sa larawan. Kinuha niya ito at ilang segundong pinagmasdan. Pagkatapos ay binuksan niya ito mula sa likod saka kinuha ang mismong laman nitong litrato at itinapon sa basurahan ang frame.Mapait siyang napangiti habang hinahaplos niya ang mukha ni Veronica sa litrato. Matapos ng ilang saglit, ay pinunit niya ito at itinapon din ito sa basurahan. Kasabay nito ang kanyang pangako sa sarili na sisimulan na niyang kalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit na alam niyan
"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan.Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Nakatingin ito sa direksyon nina Luke habang magkasalubong ang kilay. Matangkad ito na marahil ay nasa singkwenta pataas na ang edad dahil sa medyo mauban nitong buhok. Ang maayos na kulay-abo na suot nitong suit at makintab na itim na sapatos, kasama ang kanyang postura ng katawan, ay nagbibigay ng impresyon ng isang makapangyarihang negosyante.Siya si Bernard Bautisa, ang Presidente ng ENDX Corporation. Ang isa sa tanyag at pinakaiginagalang na negosyante sa buong mundo."Is that really Mr. Bautista?" tanong ng isa sa mga nakikiusisang empleyado."Omg! Ang gwapo niya pa rin kahit may edad na!" mahina at kinikilig na bulalas naman ng isa pang babaeng empleyado."Totoo ba ito o baka nananaginip lang ako? Siya ba talaga si Mr. Bautista?" hindi makapaniwalang saad naman ng isa pa habang kinusot-kusot pa ang kanyang mata.Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanil