Kaya naman pala ganito nalang kadali para sa Night Bandos na malaman ang bawat hakbang nila.Dahil sa meron silang espiya.Nabasag ang saglit nilang katahimikan dahil sa mahinang pagtawa ni Luke.Bakit nga ba hindi niya naisip na maaaring may espiya ang Night Bandos sa kanyang mga kasama? Iyon lang ang pinakamalinaw na paliwanag sa kung paano napaghandaan ng mga ito ang pagpunta nila rito. Dahil sa alam na ng mga ito ang gagawin nila kahapon palang.Masyado ba siyang nagtiwala? Sino nga ba ang espiyang tinutukoy ni Razid?"Anong pangalan ng espiya niyo?" nakatawang tanong ni Luke.Kahit na alam niya namang hindi iyon sasagutin ni Razid ay sinubukan niya pa rin. Natawa naman si Razid dahil sa naging tanong niyang iyon."Dahil sa mabait naman ako, bibigyan kita ng ideya." wika nito kay Luke pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Malcov. Bahagya pa nitong inilapit ang kanyang bibig sa tainga ni Malcov. "Isa sa mga opisyales mo ang espiya namin."Mas lalong natigagal si Malcov dahil sa ka
Nasa kalagitnaan pa rin ng pag-iisip si Luke sa kung anong ibig-sabihin ng pinapasabi ng misteryosong kliyente nina Razid ay naputol iyon nang biglang sugurin ni Malcov si Zeo at kwelyuhan. Nagulat pa ang iba sa kanila dahil sa ginawa nito."Ikaw ba? Ikaw ba ang espiya ng Night Bandos?" galit na tanong nito.Kilala na ni Malcov lahat ng opisyales ng kanilang gang bukod kay Zeo na bago lang. Para sa kanya ay misteryo pa rin ang pagkatao nito.Kaya ba ibang-iba si Zeo sa iba niyang opisyales? Kaya ba napakatalentado nito ay dahil sa isa rin ito sa miyembro ng Night Bandos?"I'm not." tugon lamang ni Zeo na may blangkong ekspresyon sa mukha."Of course itatanggi mo na hindi ikaw ang espiya nila." pasinghal na sambit ni Malcov pagkatapos ay umismid ito. "Sa lahat ng opisyales ko ay ikaw ang pinakamahusay at pinakatalentando sa kanila. But you chose to conceal it because you are aware that it could potentially reveal your true identity, dahil sa mahahalata ka ng lahat. And for me you are t
Samantala, halos hindi na makapagsalita si Dylan habang tulala lang na nakaupo sa kadiliman ng kweba. Kanina pa siya kinakausap ng mga kasama nito pero tila hindi sila nito naririnig. Maging ang hawak nitong radyo na kanina pa may nagsasalita upang kamustahin ang kanilang kalagayan ay hindi nito napapansin.Hindi siya makapaniwalang mayroon ngang patibong sa kwebang iyon. Higit sa lahat ay wala ni isa mang katao-tao silang nadatnan doon.Ang bagay na mas nakakapagpalalim pa ng kanyang iniisip ay ang sinabi ni Luke sa kanya kanina."Bakit ako pinapasalamatan ni Mr. Cruise? All this time ay alam na talaga niyang may mga bomba rito? But how on earth did he know that?"Napakuyom ang kanyang kamao nang maalaala ang sinabi ni Zeo. Si Zeo itong naunang nagsabing isang patibong lang ang mga bakas ng sapatos sa may bukana ng kweba.Pagkatapos ng lahat ng ito ay pupurihin nina Malcov si Zeo dahil sa tama ang naging pag-aanalisa nito samantalang kahihiyan naman ang matatanggap niya dahil sa kany
"Luke! Bakit ang tagal mong sagutin? Bilisan mo! Pumunta ka agad ngayon dito sa cafeteria! May kailangan kang makita!" Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Tony mula sa kabilang linya ng tawag. "Bakit, anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Luke habang nakakunot ang kanyang noo. Nasa kalagitnaan siya ng pagligo nang magsimulang tumunog ang kanyang cellphone. Patuloy lang ito sa pagtunog hanggang sa matapos siyang maligo. Nang makitang si Tony ang tumatawag ay agad niyang sinagot ito. Nakasuot lamang siya ng puting tuwalya at natatakpan lang nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, habang nakalantad naman ang itaas na bahagi na may magandang hubog na animo'y alagang gym. Kapansin-pansin din ang maliit nitong birthmark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tila para bang hugis ulo ng isang dragon. Kung sino man ang makakakita nito ay aakalaing tattoo ito ng ulo ng dragon. "Basta dalian mo! Pumunta ka agad dito! Si Veroni—" Hindi natapos si Tony sa kanyang sasabihin. Pagkatapos a
Bumalik si Luke sa kanilang dormitoryo. Pagkatapos niyang pumasok sa kanilang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama at naupo. May pasok dapat siya ngayon pero dahil sa nangyari sa cafeteria ay nawalan na siya ng gana.Mamasa-masa ang mga matang ibinaling niya ang kanyang tingin sa isang picture frame na nakapatong sa maliit na drawer sa gilid ng kanyang kama. Picture nila iyon ni Veronica noong unang anniversary nila. Ang kalungkutan sa kanyang puso ay mas tumindi pa nang makita niya ang nakangiting mukha ni Veronica sa larawan. Kinuha niya ito at ilang segundong pinagmasdan. Pagkatapos ay binuksan niya ito mula sa likod saka kinuha ang mismong laman nitong litrato at itinapon sa basurahan ang frame.Mapait siyang napangiti habang hinahaplos niya ang mukha ni Veronica sa litrato. Matapos ng ilang saglit, ay pinunit niya ito at itinapon din ito sa basurahan. Kasabay nito ang kanyang pangako sa sarili na sisimulan na niyang kalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit na alam niyan
"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan.Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Nakatingin ito sa direksyon nina Luke habang magkasalubong ang kilay. Matangkad ito na marahil ay nasa singkwenta pataas na ang edad dahil sa medyo mauban nitong buhok. Ang maayos na kulay-abo na suot nitong suit at makintab na itim na sapatos, kasama ang kanyang postura ng katawan, ay nagbibigay ng impresyon ng isang makapangyarihang negosyante.Siya si Bernard Bautisa, ang Presidente ng ENDX Corporation. Ang isa sa tanyag at pinakaiginagalang na negosyante sa buong mundo."Is that really Mr. Bautista?" tanong ng isa sa mga nakikiusisang empleyado."Omg! Ang gwapo niya pa rin kahit may edad na!" mahina at kinikilig na bulalas naman ng isa pang babaeng empleyado."Totoo ba ito o baka nananaginip lang ako? Siya ba talaga si Mr. Bautista?" hindi makapaniwalang saad naman ng isa pa habang kinusot-kusot pa ang kanyang mata.Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanil
"Mahigit dalawang dekada na akong nagtatrabaho para sa inyong pamilya." panimula ni Bernard. Napataas naman ang kilay ni Luke dahil sa sinabi ni Bernard.Ibig sabihin lamang nito ay hindi pa siya sinisilang sa mundo, ay naninilbihan na si Bernard sa kanilang pamilya. "Nagsimula ako bilang tagapamahala ng isang hotel. Noong mga panahong iyon ay hindi pa naitatayo ang ENDX Corp. Naitayo lamang ito noong 2013." patuloy nito.Dahil nga sa may kaunting kaalaman na si Luke patungkol sa kompanya, hindi na siya nagulat nang sabihin ni Bernard na itininayo lamang ang ENDX Corp sampung taon palang ang nakakalipas. Ang bagay na kanyang ikinamangha ay ang mabilis na pag-unlad nito at mabilis na pamamayagpag sa larangan ng negosyo sa kabila ng marami nitong kakompetensya. Ito ay dahil sa pagmamay-ari pala nila ang kompanya at malamang dahil na rin sa impluwensya ng kanyang lolo ay mabilis itong lumago.Napansin ni Luke ang bahagyang pagngiti ni Bernard sabay na naiiling na para bang may naalala ito
Pero kahit naman wala pang nobya ang kanilang bagong presidente ay napakaimposibleng magkagusto ito sa katulad niyang Executive Manager lang. Kahit na marami namang lalaki ang nanliligaw sa kanya na nagmula sa mayayamang pamilya, ay wala pa ring makakatalo sa karisma at estado sa buhay ni Luke. Bukod sa gwapo at mabait, ay siya ang presidente ng ENDX Corporation! Kung sino man ang babaeng papakasalan nito sa hinaharap ay talagang napakaswerte!"May problema ba Ms. Lee?" nagtatakang tanong ni Luke nang mapansing nakatitig lang sa kanya si Pauline. Napansin niya ang paghanga sa mga mata nito.Nanlaki ang mga mata ni Pauline at agad itong tumalikod sa kahihiyan. Hindi niya napansing nakatitig na pala siya ng husto sa mukha ni Luke dahil sa kanyang sobrang paghanga rito. Namula ang kanyang magkabilang pisngi at hiniling na sana magkaroon ng butas sa sahig na kinatatayuan niya at higupin siya nito."No Mr. Cruise. There's nothing wrong." agad na sagot nito habang nakatalikod siya kay Luke.