Share

Chapter 87 - Eight White Balds

Kaya naman pala ganito nalang kadali para sa Night Bandos na malaman ang bawat hakbang nila.

Dahil sa meron silang espiya.

Nabasag ang saglit nilang katahimikan dahil sa mahinang pagtawa ni Luke.

Bakit nga ba hindi niya naisip na maaaring may espiya ang Night Bandos sa kanyang mga kasama? Iyon lang ang pinakamalinaw na paliwanag sa kung paano napaghandaan ng mga ito ang pagpunta nila rito. Dahil sa alam na ng mga ito ang gagawin nila kahapon palang.

Masyado ba siyang nagtiwala? Sino nga ba ang espiyang tinutukoy ni Razid?

"Anong pangalan ng espiya niyo?" nakatawang tanong ni Luke.

Kahit na alam niya namang hindi iyon sasagutin ni Razid ay sinubukan niya pa rin. Natawa naman si Razid dahil sa naging tanong niyang iyon.

"Dahil sa mabait naman ako, bibigyan kita ng ideya." wika nito kay Luke pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Malcov. Bahagya pa nitong inilapit ang kanyang bibig sa tainga ni Malcov. "Isa sa mga opisyales mo ang espiya namin."

Mas lalong natigagal si Malcov dahil sa ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Judith Cabelto Palabrica
update update update plsssssss
goodnovel comment avatar
Zaligma
Update ko mamaya isa pang chap, idlip lang ako XD
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status