"MA'AM, pinapatawag na kayo ni Sir Jass sa baba," sabi ng katulong matapos ng ilang ulit na katok. Kalalabas ko lang no'n sa banyo after maligo. Sa haba ng tulog ko, hindi ko namalayang madilim na pala."Opo, susunod na ako," sabi ko.Binilisan ko na ang pag-aayos. Wala naman akong koloreteng inilagay sa mukha. Tinuyo ko lang ang aking buhok saka bumaba na ng hagdan. Dumeretso ako sa kusina kung saan daw naghihintay si Jass.Medyo ilang pa ako habang naglalakad palapit sa kaniyang gawi. He was looking straight at me. At sa mga titig niyang iyon, pakiramdam ko, tinitingnan niya ang n*******d kong katawan. Nai-intimidate akong masyado.Hindi siya nagsalita nang makalapit na ako. Pinaghila niya lang ako ng upuan malapit sa tabi niya."You may all leave now," wika niya sa mga katulong. At iniwan nga nila kaming dalawa roon. Gusto ko sanang magtanong kung bakit pero ewan kung bakit pinanghihinaan ako ng loob."What do you want to eat?" tanong niya agad sa akin.Maraming nakalapag na iba't
AT para na naman akong tinangay sa alapaap ng kaniyang nakalalasing na halik. I wanted to push him pero wala akong lakas ng loob. I used to hate this man, pero heto ako ngayo't tumutugon sa halik niya. Maybe because his lips were so sweet? At napakasuwabe kumilos. Sadyang nakakadala lang. And maybe because I really longed for the one I really loved kaya sa kaniya ko nababaling ang pakiramdam na dapat ay kay Dino ko lang nararamdaman."Jass..."That kiss went wild makalipas lang ng ilang sandali. Lalo na nang magsimulang magsugpungan ang aming mga dila. Mas dumiin ang halik niya. Mas naging mapaghanap. Napakapit na lang ako nang mahigpit sa balikat niya nang maramdaman kong parang nauubusan na ako ng hangin. I wanted to push him away. But my lips couldn't stop from answering the kiss. Hanggang sa mas lalong nadagdagan ang kakaibang sensasyong nararamdaman ko nang simula niyang gapangin ang aking mga dibdib."Sa karatig isla ang punta natin bukas.""H-Huh?" maang ko. I wasn't expecting t
"A-ATE..." Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Isang batang paslit na sa palagay ko ay tatlo hangaang apat na taong gulang ang nakita ko na umiiyak palapit sa gawi ko. Napakarumi ng suot nito at wala man lang saping pampaa. Sunog ang kulay sa araw at halatang malnourished dahil sa payat na pangangatawan. "Nagugutom na ako, ate."Base sa dereksyon ng mga mata nito ay halatang may iba itong tinatawag. Ngunit hindi ko ito inalisan ng tingin."O, bakit sumunod ka pa rito? 'Di ba sabi ko sa bahay ka lang?" pasikmat namang sabi ng tinatawag nitong ate. Hinanap ng mga mata ko kung nasaan ang nagsalitang iyon. Hindi nga nagtagal ay lumapit nga ito sa kapatid. Tulad ng nakababatang kapatid ay maiitim din ang balat nito. Luma na rin ang suot na damit at may kapayatan."Nagugutom na kasi ako. Ang sakit-sakit na ng tiyan ko," daing pa ng musmos na nakahawak pa sa may tiyan nito."Wala ngang pagkain dito. Umuwi ka na ro'n. Kung hindi papaluin kita." Dahil sa tagpong nasaksihan ay hindi ko nap
HABANG naglalakad pabalik doon ay nag-uumapaw pa rin ang kabog sa aking dibdib. Galit na galit daw si Jass? Hindi ko ma-imagine kung paanong galit na galit ito. Sisigawan niya ba ako? Sasaktan? Hindi naman niya siguro magagawa 'yon. Kilala siya sa islang iyon na mabait na tao, 'pag ginawa niya 'yon, sisirain niya lang ang sarili niyang imahe.Dumoble ang nerbiyos at takot ko nang matanaw ko na nga ang asawa ko. Nakatayo ito sa tapat ng kubo kung saan niya ako iniwan kanina. Nakatingin sa dereksyon ko. Nakatiim ang bagang. Sa kanang kamay ay may hawak siyang bottled water. Iniwan ko iyon doon kanina. Uminom pa siya ng tubig at kahit lumalagok ay nanatiling nakapangko ang tingin sa akin."Jass..." Uunahan ko na bali siya ng paliwanag pero nakakatakot ang uri ng paninitig niya. Para na naman siyang tigre."Where have you been?" seryoso niyang tanong matapos niyang senyasan si Mang Delfin na iwanan na kami. Lumunok muna ako at huminga ng malalim. "D-Diyan lang. K-Kasi may batang-""Sabi
HAPON na nang magising ako at ewan kung bakit ang unang hinanap ng mga mata ko ay si Jass. Kapag nagigising kasi ako ay palagi kong ine-expect na narito siya sa aking tabi. Ngunit nang kumapa ang kamay ko sa kama ay wala akong nakapa maliban sa unan na nakatulugan kong yapusin.Dismayadong bumangon na ako at awtomatikong naglakad pa-veranda upang magbakasakaling matatanaw ko roon ang bangka kung saan siya nakasakay. Ngunit lalo lang bumigat ang pakiramdam ko nang hindi makita ni anino ng bangka. It was 20 after four in the afternoon. Ano'ng oras niya balak umuwi?Pagkatapos magbanyo ay bumaba na ako pa-kusina. Nagtimpla ako ng kape at naghanap ng mamemeryenda. I should not be thinking of him like this. Wala naman akong pakialam sa kaniya. Pero bakit ganito? Hinahanap ko talaga siya. Sa sala ko naisipang magmeryenda. Because that was the first place na makikita pagbukas pa lang ng maindoor. Gusto kong abangan ang pagdating niya. Ngunit hindi pa ako nakararating doon nang magbukas na
MAAGANG umalis si Jass kinabukasan, alam ko, dahil nakita ko siya nang bumangon at nagsimulang mag-asikaso ng sarili. Sinadya kong hindi ipakitang naalimpungatan ako sa ingay na likha ng pagbubukas sara ng closet niya. Wala pang alas-sais ng umaga ay lumabas na siya ng kuwarto at mayamaya nga ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan niyang papaalis. Ipinagpatuloy ko ang tulog ko hanggang sa nagising nga ako ng bandang alas-otso."Good morning, Ma'am Jen! Kumusta?" salubong na tanong sa akin ni Mina pagkababa ko sa kusina. Naabutan ko siyang nakaupo sa mesa habang nagre-review ng kaniyang mga notes.I pouted my lips at kaswal na humarap sa kaniya. "Okay lang naman," pasimpleng sagot ko. Dumampot agad ako ng baso at uminom ng tubig."I mean, Ma'am, 'yong bakasyon n'yo po ang tinatanong ko. Panigurado nag-enjoy kayo." There was something about her smile. Bagay na hindi ko nagustuhan. Bakit parang may iba siyang pakahulugan doon?"Pa'no mo naman nasabing nag-enjoy ako? I didn't enjoy it, M
HABANG nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi ng bahay ay tagaktakan na ang pawis ko. Paulit-ulit na rumerehistro sa isip ko ang mukha ni Jass. Ang nakatiim niyang tingin sa akin no'ng una at ang nakakalokong ngiting nanulas sa mga labi niya pagkuwan. Alam kong hindi talaga siya natuwa sa nasaksihan at alam ko ring hindi ako namamalikmata, alam kong siya 'yon at wala nang iba.Gusto ko na lang maglaho. Parang ayoko nang umuwi sa bahay niya. Nakakatakot. Kung dumeretso na lang kaya ako ng uwi sa bahay namin? Sa Cavite. Sabihin ko na lang kay tatay na nag-away kami. Pero hindi. Pa'no kung puntahan niya ako ro'n? Pa'no kung ibuking niya kung ano'ng pinaggagawa ko? Lalo akong malilintikan nito.'Lord, alam kong mali ang ginawa ko, sa mata Niyo at mata ng ibang tao. Dahil kasal kami, pero alam Niyo naman in the first place kung sino talaga ang mahal ko, 'di ba? At sapilitan lang ang pagpapakasal namin. Ayaw naman namin talaga sa isa't isa.'Pa'no kung saktan niya ako? Kapag talaga pinagbuhat
DUMERETSO ako ng banyo para magpalit ng damit. Hinubad ko agad ang suot kong blouse. Nalalagkitan na ako dahil sa pawis ko kanina. Pero nang makita ko ang shower ay parang nahalina ulit akong maligo.Medyo humupa na ang kaba ko. Wala naman palang gagawin si Jass. Siguro naisip niya, may point din naman ako. Na kung hindi nangyari itong kasal namin, malamang hindi ko kabit si Dino. Dahil totoong nagmamahalan kami. Siguro na-realize niya na rin, na pampagulo lang siya sa amin. Na isa siyang malaking hadlang sa aming relasyon."Hmmp! Sana pabayaan niya na lang ako sa mga gusto kong gawin."'No. This will not be the last time...' na makikipagkita ako sa 'boyfriend' ko. Wala naman akong pakialam sa kung ano mang iisipin ng ibang tao. Wala naman silang alam sa kuwento ng buhay ko. Mahalaga masaya ako. Nagsimula na ako ulit maligo. Masarap ang tubig sa shower na 'yon dahil maligamgam. Ilang minuto ko munang binasa ang sarili ko sa lagaslas ng tubig bago inabot ang bote ng shampoo na naroon.