LALONG nanlamig ang pakiramdam ko nang magsimula ang masuyong haplos ni Jass sa mga braso ko. Mainit ang mga kamay niya, yet parang nagyeyelo naman ang loob ko. Nalilito ako sa gagawin ko."H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Jass..." Sinubukan kong umalis sa ibabaw niya, hinayaan niya naman ako at pinaunan ang kanang braso niya sa akin. Pilit niyang pinipilig ang ulo ko para manatili akong nakatingin sa kaniya. "Gusto mo ipaalala ko sa 'yo?" nakangisi pang tanong niya."N-Nagugutom na ako, bababa na ako, Jass!" Sinubukan ko ring ibahin ang usapan. Ngunit nang akmang babangon ako ay pinigilan niya ang tiyan ko."Not yet.""K-Kung ano mang ginawa ko no'ng nakaraan, w-wala ako no'n sa katinuan, Jass. N-Ni hindi ko nga matandaan. Kaya don't expect me to-"Bigla niyang kinuha ang kamay ko. Natigilan ako nang walang ano-ano ay isinubo niya ang hintuturo ko. He licked it as if it was an ice cream. And sipped it like a straw. Nakatingin siya sa akin nang parang nang-aakit ang mga mata habang g
IPINASOK ako ni Jass sa loob. Sabay sara ng pinto."I-Inihatid ko lang ang mga gamit mo. Aakyat na ako!" sabi ko habang nagpupumiglas. Iniiwas ko talagang tumingin sa mga mata niya, hirap na, baka ma-hypnotize na naman ako."Wala naman akong sinabing gawin mo 'to. Nagpapansin ka siguro, ano?" Kinuha ni Jass ang dalawang kamay ko at inilagay sa ulo ko. Hindi ko rin maigalaw ang mga hita ko dahil naiipit ng mga hita niya."A-Ano'ng papansin? Ano ako? Bata? At bakit ko naman gagawin 'yon? Sino ka ba sa tingin mo?" litong balik tanong ko.Ngumisi siya. "So ba't nandirito ka?"Umikot ang mga mata ko. "Bingi ka ba? Sabing dinala ko nga lang ang mga gamit mo para hindi ka na paakyat-akyat sa kuwarto at naiistorbo ako-""Talaga ba?""Oo. Ayan nga, 'di ba? Dala ko-""Bakit triggered ka? Inaano ba kita?"Napapalatak ako. "A-Ano'ng triggered? Triggered saan? I-Ikaw yata ang nagpapapansin eh. K-Kung bitawan mo kaya ako nang makaalis na ako? At saka-" Ngunit hindi na ako nakapagpatuloy dahil bigl
JASSFINALLY, after a four-hour straight kidney transplant operation, I was able to get some fresh air. Successful ang operasyon. Mino-monitor na lang ang pasyente at hinihintay magising.It's been seven years since I started participating in this kind of major surgery and until now, hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-stress thinking if it was really successful or not. It had always been my priority to do the best that I could to save lives. Tumambay muna ako sa balcony na nasa ika-ninth floor ng building. Walang masyadong tao roon at medyo maganda ang tanawin. Napapangiti ko pang dinampot mula sa bulsa ang phone at nagmamadaling tinawagan ang number ni Mina. I badly wanted to know what the pregnancy test result was. Kahit positibo ang isip ko na may nabuo na nga kami ni Jen. "Sir, negative daw po eh.""What?" dismayado at hindi makapaniwala kong tanong. "Iyon po ang sabi ni Ma'am Jen, Sir Jass."Napabuntong-hininga ako. How come it would be negative? I always made sure na buong-bu
NAPAHAPIT ang mga kamay ko sa batok ni Jass. His kiss was terribly torrid. Parang ayaw na niya akong pahingahin. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin na akala mo magpu-fuse na ang mga katawan namin."Oops! Sorry!" Sa sobrang diin ng pagkakatulak niya sa katawan ko padikit sa mesa ay biglang napunit sa bandang kili-kili ang suot kong dress. Natigilan kami parehas nang marinig ang ingay na likha niyon."Ano ba 'yan?" kunwari ay naiinis na sabi ko. Tiningnan ko ang napilas na tela. Hindi naman masyadong malaki. "Sorry na nga." Hinapit ni Jass ang beywang ko at muli akong ginawaran ng halik. "Galit ka pa rin ba? Sorry na ulit." Pagkuwa'y binuhat niya ako at pinaupo sa mesa. Ewan kung bakit automatic na bumuka ang mga hita ko at hinayaan ko siyang makasingit sa gitna niyon. We're now closer to each other. Nasa beywang ko pa rin ang mga kamay niya.Agad nagsalubong ang mga kilay ko. "Oo. Galit pa rin!" Pero kabaligtaran iyon ng totoong nararamdaman ko. I'm happy now. Pero aaminin ko na t
KUMATOK ako sa pinto ng guessroom kung saan ilang araw tumuloy si Jass. Kararating lang namin ng bahay pero atat na siyang maibalik sa kuwarto namin sa taas ang mga gamit niya.Pinagbuksan niya naman ako agad. "Tapos na akong mag-ayos. Iaakyat ko na-" Ngunit kusa siyang natigilan nang makita ang hawak ng isang kamay ko. "O bakit...? A-Ano 'yan?" Ngunit hindi ako sumagot. Bagkus ay inabot ko lang sa kaniya ang bagay na 'yon."T-Two lines means..."Parang nag-pause ng mga dalawang segundo ang mundo naming dalawa. Walang namutawi ni isang salita mula sa bibig ni Jass. Hinapit niya lang bigla ang beywang ko at walang sabi-sabi akong niyakap. Mahigpit. Sa sobrang higpit pa nga niyon ay ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya."A-Akala ko ba negative? Sabi ni Mina negative daw?" hindi makapaniwalang wika niya. Hinawakan niya ang pisngi ko pagkuwan at tinitigan akong maigi.Napasinghap ako. "H-Hundi naman ako nag-PT no'n talaga. No'ng una ayaw ko. Pero naisip ko, siguro dapat
WALA na yatang mas gaganda pa sa gising ko nang umagang iyon. I woke up in the arms of the man I loved. Naalimpungatan ako habang kinikintalan niya ng mga mumunting halik sa mukha. Sa pisngi, sa labi, in my shoulders, even in my neck. Kay sarap ng tulog ko kagabi. Paulit-ulit niya akong inangkin. Paulit-ulit niyang pinadama sa akin ang pagmamahal niya. At siguro, tulad ni Jass... baka nga natutunan ko na rin siyang mahalin.FLASHBACK:"B-Baka sinasabi mo lang 'yan dahil buntis ako," nagdududang sabi ko. Ayokong maniwala agad sa mga katagang nagmula sa kaniyang bibig. Baka naman nabibigla lang si Jass. At umasa naman ako. Ayokong masaktan bandang huli."Hindi ka mahirap mahalin, Jennifer. Don't you trust me? Patutunayan ko sa 'yo na bukal sa loob ang sinabi ko. Even if you're pregnant or not, I will love you. Always. Don't you feel it the way I make love to you?"Pinigilan ko ang labi niyang aangkin sanang muli sa mga labi ko. "Y-You're a man, Jass. N-Natural lang-""I'm jealous of your
JASS"DOC, are you okay?" Ilang ulit nagpikit-sara ang mga mata ko. Malapit nang matapos ang operasyon at tinatahi ko na ang sugat ng pasyente. Patigil-tigil ako sa ginagawa. Nanginginig pa dahil sa pagmamadali ang aking kamay. Marahil kanina pa napapansin ni Yngrid na tila wala ako sa sarili. Hindi ako kumibo at pilit na lang nag-focus. Siya ang tagagupit ng sinulid."It's done." Noon lang ako nagsalita.Matapos ng ilang minutong pagche-check at monitor sa lagay ng pasyente ay dali-dali na akong lumabas ng operating room. Ilang minuto rin akong nakipag-usap sa pamilya ng pasyente para magbigay ng update sa nangyari. At pagkatapos na pagkatapos kong ayusin ang sarili ay dinampot ko agad ang cellphone na nasa bulsa ko lang. It had been vibrating the whole time. Ngunit hindi ko naman masagot-sagot ang tawag dahil nasa kalagitnaan ng surgery. Hindi ito tulad no'ng una na nasagot ko ang tawag mula kay Mina. Hindi pa kasi noon nagsisimula ang surgery dahil tinuturukan pa lang ng anesthes
JASSKAPAPARADA ko lang ng sasakyan. Bumaba ako agad at halos liparin ang patungong main door papasok ng bahay. Hindi ko alam kung dahil sa sidhi ng damdamin o sa kagustuhan ko lang talaga siyang makita. Pero isa lang ang alam ko. Masama ang loob ko.Kanina pa raw nakauwi ng bahay si Jennifer sabi ni Mina. Habang binabagtas ang daan patungong kuwarto, pilit ko pa ring pinakakalma ang sarili ko. Hangga't maaari, ayaw kong makapagbitaw ng mga salitang ikatatampo niya. I still consider her condition. May mali rin naman ako. Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Jennifer na bino-blower pa sa harap ng tokador ang basang buhok. Nagkatinginan kami ngunit saglit lang dahil binawi niya agad nang pairap ang mga mata. Isinabit ko sa stand na nasa gilid ng cabinet ang dala kong bag. "Ano'ng oras ka nakauwi?" kasuwal at seryosong tanong ko. Ang totoo, hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Pero panatag ang loob ko na mukha naman siyang okay. I wanted to stay calm at para magawa iyon ay i