Share

Chapter II

Neil P.O.V.

Tulala ako pagbalik sa condo ko...

Hindi maalis sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni eli.

She's sacrificing their relationship for andrei's life.

Ang swerte ni andrei sa kaniya,sana lamang wag magloko si andrei kapag nalaman niya na wala si eli.

"Babe kanina ka pa tulala" Napapitlag ako sa nang kurutin ako ni ria

"Ha?" Kinurot niya muli ako nang pagkalakas lakas,napadaing ako

"Ano bang nangyari saiyo?"

Sasabihin ko ba sa kaniya?

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya "B-babe" Kita sa mata niya ang kaba "M-may anak ako sa iba"

Bigla niyang binitawan ang kamay ko at sinampal ako ng pagkalakas lakas.

"K-kailan mo pa ako nilokoko?" Hindi ako nakasagot at hawak hawak pa rin ang pisngi ko "Pisti ka!" humagulgol siya saka lumayo sa akin

"B-biro lang naman babe" nanlaki ang mga mata niya saka ako sinapak sapak

"Bwisit ka talaga" sinanga ko ang kamay ko para di niya na ako masapak.

"Tumigil ka na nga kakasapak sa akin,may mahalaga akong sasabihin" inis kong sabi

"Tatakasan mo lang ako" saka patuloy na sinapak ako

"Hindi kita tatakasan at importante ito tungkol kay eli ito" natigil siya sa pagsapak ng bangitin ko si eli

"B-bakit?Anong nangyari sa kaniya?" utal nitong tanong, napabuntong hininga ako bago mapagpasyahang sabihin na ang nalalaman ko.

"Umalis na siya,Hindi alam iyon ni andrei pero ginawa niya ito para kay andrei" ipinaliwanag ko lahat ng sinabi ni eli sa akin at umiyak siya dahil sa nalaman niya

"Hindi natin ito pwede sabihin kay andrei at makakatunog ang nagbanta kay eli nito" tumango siya at pinagpatuloy ang pag-iyak.

"P-paano kapag ayaw na sa kaniya ni andrei?"

Natigilan ako sa tinanong ni ria.

Paano nga ba?Paano kung ayawan na siya ni andrei?Oh sht!Wag naman sana.

"H-hindi ko alam babe"

Andrei P.O.V.

"Eli" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay namin,hindi siya pumasok sa opisina at laking gulat ko nang madilim ang bahay pagdating ko.

"Eli" hay nako!saan naman kayo iyon nagsuot.

Pumunta ako ng kwarto at binuksan iyon nagbabakasali na andun siya pero wala.

Napaupo ako sa kama,dumako ang paningin ko sa side table namin

Isang papel?

Lumapit ako rito at kinuha ang papel na iyon at binuksan.

Dear hubby.

Hindi kita kailan man minahal, pasensya ka na. Ginamit lamang kita because of your money. Salamat sa lahat. I finally found the man of my life, Sana mahanap mo rin ang saiyo. I know this is so hard to you pero sana tanggapin mo. By the way He is Jasper, Babalik ako pero ilang buwan pa bago kita makatagpo uli, Okay lang kung kamuhian mo ako pero sana ibigay mo sa akin ang hihingin kong annulment sa oras na iyon.

Patawad sa aking malaking nagawa.

Sincerely,

Your wifey, Eliana Buenaventura... <3

Nalukot ko ang hawak kong papel.

How dare you to this to me,eli?

A-akala ko mahal mo ako!

D-mn!

Napaluha ako sa naramdaman ko.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagtipa roon nang numero.

"Puntahan niyo naman ako rito oh!" Baka magpakamatay ako sa nalaman ko

"Please" bakit mo ito nagawa sa akin eli?

Akala ko mahal mo ako.

You are nothing but a liar, niloko mo ako.

"Andrei?" nagising ako nang may magtapik tapik sa akin

"Neil,Si eli" naluha ako nang maalala ko uli ang babaeng minamahal ko

"B-bakit anong nangyari kay eli?"

"W-wala na siya" bakit mo ako iniwan eli?

"She left me" bumuhos ang mga luha kong hindi matigil tigil "Babalik raw siya para sa annulment" dagdag ko 

Nagkatinginan sila at puno ng pagaalala ang kanilang mga mata.

"B-bakit ka daw niya iniwan?" tanong ni ria

"Sumama na siya sa totoong mahal niya" napamura si neil at ria sa sinabi ko

"Kung hindi niya ako minahal,at babalik siya rito para sa annulment pwes papahirapan ko siya" sinuntok suntok ko ang sahig "It will be a living hell with me" saka kumuha uli ng alak.

I guess hanggang dito lamang tayo,or should I say na wala talagang tayo.

Pinipilit nilang pigilan ako na magpakalunod sa alak pero hindi nila ako mapigilan.

"Bro tama na" pag-awat sa akin ni neil

"Andrei" napatingin ako kay ria na tawagin niya ang pangalan ko

"Wag mo sanang kamuhian ang best friend ko,I know may reason siya dito" at hinawakan ako sa kamay

Kaya ko bang wag siyang kamuhian?

Dahil sa ginagawa niya ngayon nagsisimula na akong magalit sa kaniya.

"Hindi ko kaya,ria" napasinghap siya sa sinagot ko "Masyado niya akong sinaktan ibabalik ko lamang ang sakit na ipinaramdam niya sa akin" nagkatinginan na lamang sila at hindi na umimik.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi na sila nagsalita pa hanggang sa may tumawag kay ria.

"I'll just take this call" tumango kaming pareho ni neil,lumabas siya ng bahay 

Ilang minuto lang ang nakaraan ay bumalik na siya rito sa loob

"Neil kailangan natin umuwi, Nasa bahay ang parents mo" napatingin sa akin si neil nang sabihin ito ni ria.

Tumawa ako ng peke "Dude I'm okay don't worry about me" saka tinapik tapik ang balikat niya "Wala akong gagawing masama sa sarili ko" at tumawa pa "Papahirapan ko pa si eli diba?" bumuntong hininga na lamang siya at nagpaalam na aalis.

Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng alak.

Sa kalasingan ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Third P.O.V.

Maaga dumating ang mga magulang ni andrei sa kanilang bahay upang bumisita rito, pero laking gulat nila nang makita ang bote sa harapan ng kanilang unico hijo.

"Amanda Gisingin mo ang anak mo!" galit na sabi ng ama nito

Dali daling ginising ng ina ang kaniyang anak "Anak wake up" nakailang Sabi pa siya nito bago tuluyang magising si andrei.

"M-mom?" bagong gising na sabi ni andrei

"Yes Anak,Anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong nito "Bakit uminom ka ng sobrang daming alak?" 

"Si e-eli" napatingin sa kaniya ang kaniyang ama ng banggitin niya ang pangalan ng kaniyang asawa "She left me" napanganga ang magasawa sa ibinalita ng kanilang anak "She left me for her true love" Hindi na napigilan ni andrei na umiyak sa harap ng kaniyang mga magulang

Awa. Galit. Ang nararamdaman ng magulang ni andrei.

'Bakit mo ito ginawa sa anak namin eliana?' tanong sa isipan ni amanda

"Anong gagawin mo anak pag Bumalik siya?" tanong ng Kaniyang ina

"I.WILL.MAKE.HER.SUFFER" natulala ng tuluyan ang magasawa sa sinagot ng kanilang anak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status