CHAPTER 33:Kailangan na n'yang makabalik agad ito ang nasa isip n'ya, habang sakay ng isang Transport bus pagkahatid niya kay Joseph sa Airport. Dahil alam n'yang sa mga oras na ito may naghihintay sa kanya sa Hotel at dapat na rin n'ya itong harapin. Hindi nga s'ya nagkamali dahil pagbaba pa lang n'ya sa harap ng Hotel. Hindi pa s'ya pumapasok, kusa na itong lumapit sa kanya. Nagulat pa s'ya ng hawakan s'ya nito sa braso at pilit hinila palapit sa sasakyan nito na nakapark sa harap ng Hotel. Tila ba sadya s'ya nitong hinihintay. Gusto sana n'yang hilahin ang kanyang braso, subalit lalo lang humihigpit ang paghawak nito sa kanya. Kaya wala na s'yang nagawa. Batid n'yang galit ito sa kanya, kaya nagagawa nito ang ganitong bagay. Pilit s'ya nitong pinapasok sa loob ng sasakyan at nang maisara na nito ang pinto umikot na ito sa driver seat at walang anumang pinasibat nito ang sasakyan. Hanggang sa huminto ito sa lugar na walang gaanong tao. Inihinto lang nito at itinabi ang sasakyan
CHAPTER 34: How Are You, My Love _ Halos tatlong Linggo na ang nakakalipas magmula ng bumalik sila dito sa Australia. Ang buong akala n'ya babalik ang lahat sa normal, pati na ang kanyang pakiramdam. Pero bigo s'yang gawing normal ang buhay n'ya na parang walang nangyari. Bakit ganu'n nasaktan s'ya noon sa ginawa sa kanya ni Liscel at sa panloloko nito. Pero pakiramdam n'ya mas higit ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kahit noon gumuho rin ang mundo n'ya. Kaya nga kahit ang batang sinasabi nilang anak n'ya, hindi man lang n'ya nagawang tingnan. Ang ariin pa kaya itong anak? Paano ba n'ya iyon gagawin kung palagi na lang sa isip n'ya ang kataksilang ginawa sa kanya ni Liscel noon? Ang isipin na pagkatapos n'ya itong sipingan ito at ang kalaguyo naman nito ang nagtatampisaw sa kama. Kagaya ng mahuli n'ya ito sa akto noon na kasama ang kalaguyo nito. Hindi naman s'ya tanga para hindi isipin na posible ring makabuo ang mga ito. Malinaw na niloko lang s'ya ni Liscel at ang
CHAPTER 35: _Lumipas ang mga araw na para s'yang nakatungtong sa de-numero. Kailangan pa n'yang piliin ang kanyang mga kilos at galaw.Ano ba talaga ang gustong mangyari ng lalaking ito? Bulong pa n'ya sa sarili, habang pasimple n'ya itong tiningnan. Halos magkaharap lang kasi sila ni Joaquin sa pagkakaupo habang kumakain. Kasalukuyan silang kumakain ng dinner ng sabay-sabay. Ito rin ang unang araw na nagkasabay sabay sila sa pagkain. Bukod pa sa pagkakataong s'ya ulit ang nagluto para sa pamilya n'ya. But this time, mukhang nadagdagan na ang ipinagluto n'ya. Hindi na yata maiiwasan na palagi na n'yang makakaharap ang lalaking ito na pinaka-iiwasan n'ya nitong huling dalawang araw. Kung mayroon mang natutuwa sa pagkakataong ito? Yun ay ang kanilang Papa Liandro. Naging sobrang sigla nito mula ng dumating sila. Hindi lang n'ya alam kung dahil sa kanya o sa anak nito. Isa lang ang alam niyang sigurado. Higit na sumigla ito dahil bumalik na si Joaquin. Masaya s'ya para kay Liandro
CHAPTER 36: Only a Cat's _Kanina pa palakad-lakad lang si Maru' sa loob ng kanyang kwarto. Hindi pa rin s'ya dalawin ng antok mula pa kanina ng manggaling s'ya sa veranda.Dahil hanggang ngayon hindi pa rin s'ya makapaniwala sa nakita at nasaksihan. Nakasanayan na kasi niyang tumambay muna sa veranda bago matulog. Pabalik na sana siya sa kanyang kwarto ng may marinig s'yang mga kaluskos.Nagpalinga-linga siya sa paligid upang hanapin kung saan nanggagaling ang munting ingay? Mula sa tulong ng liwanag ng ilaw sa puno ng hagdan. Bahagya niyang naaninag ang mga anino sa dilim. Unang pumasok sa isip niya na baka may nakapasok na magnanakaw. Pero base sa mga kilos at galaw ng mga ito. Sigurado siyang hindi ito mga magnanakaw. Because of her curiosity she came closer, while she holding her breath. After a minute she kept more closer. Just to be surprised for what she saw and to feel disappointed.Si Joaquin at Angela, habang naghahalikan sa dilim. "Paano nila ito nagagawa, meron ba s
CHAPTER 37: WHO I AM?_ADRIATICA HOTEL AND RESORTKasalukuyang binabaybay ni Angela, ang daan patungo sa opisina sa loob ng resort. Naglakad na lamang siya at nagpababa sa entrada nito. Nais n'yang maglakad-lakad at muling libutin ang kabuuan ng resort. Maaga pa pero marami nang mga guests na marahil na kagabi pa narito. Mamaya bago siya umuwi nais niyang maglakad sa tabing dagat. Ito ang lagi n'yang ginagawa dati pa, masaya rin n'yang pinonood ang mga nag-iiscuba diving at snorkeling, mga bagay na gusto niyang gawin sana pero hindi niya magawa. Palagi kasing naroon ang takot niya kapag nakalubog na siya sa tubig. Masaya na lang siya na panoorin ang iba na tila nag-eenjoy talaga. Nagagawa kasi nilang makita ang tunay na kagandahan ng dagat. Pero at least naman kahit paano aware s'ya kung paano ito gawin. Para mai-share din n'ya sa iba. Ito kasi ang magandang gawin at talagang dinadayo dito sa San Luis Batangas, lalo na nang mga foreigners.Tatlong buwan na rin mula ng huli s'yan
CHAPTER 38: Happy Together _Nagsimula sa pagkalabit ng gitara sa kabila ng katahimikan ng paligid. Hanggang sa isang awitin ang pumailanlang. Mula sa isang tao na bagama't biniyayaan ito ng magandang boses. Nanatiling simple at nakatago lang sa isang dampa sa gitna ng kabukiran. Habang nakaupo ito sa isang upuang yari sa kawayan at naliliman ng isang malaking puno at patuloy sa pagkalabit ng kwerdas ng luma na nitong gitara. Hanggang sa simulan na nito ang pag-awit sa napakalamyos na tinig.. "Ang bayan kong PilipinasLupain ng ginto't bulaklakPag-ibig na sa kanyang paladNag-alay ng ganda't dilag""At sa kanyang yumi at gandaDayuhan ay nahalinaBayan ko, binihag kaNasadlak sa dusa.."Isang pamilyar na kanta na sa pakiramdam n'ya dati na n'yang naririnig. Hindi lang dahil kanta ito ng isang kilalang singer, kung hindi mula sa mismong umaawit nito ngayon. Habang sinasabayan ng pagtugtog ng gitara. Napakaganda ng tinig nito tila ba tumatagos sa loob ng kanyang puso. Hanggang sa
CHAPTER 39: IN FRONT OF OTHERS-Bigla siyang natigilan at napabitaw sa pagkakayakap sa doctor at napatitig dito. Dahil sa biglang bugso ng kanyang damdamin natawag pa niya itong "Papang" tulad ng batang babae sa panaginip niya. Dahil hindi siya maaaring magkamali, narinig na niya ang sinabi nito. Ganoong ganu'n din, para pa ngang nag-eecho ito sa kanyang pandinig at katulad rin ito ng boses sa panaginip niya. Tama! Ang lalaki sa panaginip niya, parang ganu'n ang boses nito.Pero paano naman niya ito mapapatotohanan? May sounds track o recorder ba ang panaginip? P'wede ba itong pakinggan ulit upang ihalintulad ang tunog? Gayung siya lang ang nakarinig, nakakita at ito ay tanging nasa isip niya lamang... At isa lang itong panaginip. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot at muli na namang nangilid ang kanyang mga luha. Paano kung isa lang talaga itong simpleng panaginip na wala naman talaga itong kaugnayan sa kanya? Hindi kaya maipagkamali lang siyang baliw kapag ipinaalam pa niya i
CHAPTER 40: I Want To Set Her Free, But My Heart's Never Will._Kanina pa hindi mapakali si Joaquin sa loob ng kanyang kwarto. Kaya naisip niyang magpahangin muna sa Veranda. Doon natanawan niya si VJ na nasa ibaba at matiyagang naghihintay kay Angela. Tila ba wala itong ganang maglaro ngayon, nakaupo lang ito sa isang stool na nasa playground, habang katabi nito ang yayang si Didang. Kahapon siya ang sumundo dito sa school. Ayaw pa sana nitong sumama sa kanya, dahil hinahanap nito si Angela pero wala itong choice. Mabuti na lang kasama na niya noon si Russel at ito ang matiyagang nakipag-usap dito. Hanggang sa napapayag na rin nila ito.Marahil tulad din niya ito ngayon na sobrang nag-aalala at gustong-gusto nang makita si Angela. Subalit pareho lang silang walang magawa dahil pareho lang sila na hindi p'wedeng magpunta sa ospital sa magkaibang kadahilanan.Ah! Gusto niyang magwala, gusto niyang ibalibag ang lahat ng mahahawakan niya at gusto rin niyang suntukin lahat ng makita niy