Hi everyone 🙂 Sana nagustuhan ninyo ang bago nating update... Maraming pang kaabang abang sa ating kwento kaya manatili sa ating pagbabasa. Sa mga nagbasa at nagsubscribed na po... Maraming salamat! Sana I-vote, likes, comments at follow n'yo rin ako kasi need din po ntin yan! Thank you po ulit, hanggang sa susunod na kabanata! GOD BLESS PO SA ATING LAHAT 🙏❤️ MG(11-04-22)
CHAPTER 26: Don't Look Back_Maaga pa kaya paikot-ikot lang si Angela sa loob ng Hotel. Hindi pa naman oras ng shift niya, may 15 minutes pa siya para magtanong.Maaari pa siyang mag-ikot at makibalita sa nangyari kahapon. Sinimulan na niyang magtanong sa mga guards kung dumating na ba si Mr. Dawson.Ngunit iisa lang ang sagot ng mga ito, hindi pa bumabalik ang binata at may isang nagsabi na nasa Ospital pa ito.Subalit walang nakakaalam kung ano na nangyari dito. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga head opisyals.Ngayon niya na-realized na napaka-pribado ng buhay nito.Tila ba ingat na ingat ang lahat na pag-usapan ang lalaki. Kahit pa marahil may alam ang mga ito.Ngayon lang din niya naisip na wala pa talaga siyang gaanong alam tungkol sa lalaki. Maliban lang sa pangalan nito na Jeremy Dawson at isa daw ito sa Founder ng Hotel.Hindi pa niya ito kilala ng husto at hindi rin naman siya nagkaroon ng pagkakataon na tanungin ang lalaki.Hanggang sa naisip niyang.."Ano kaya kung mag
CHAPTER 27: JOSEPH SECRET MESSAGES _ San Luis, Batangas. "Pa, bakit hindi pa rin tumatawag si Angela? Hindi pa rin kaya tapos 'yun competition nila sa Hotel?" Wika ni Joseph, kakikitaan ito ng pagkabagot. "Hindi pa nga anak, ikalawang araw pa lang naman na hindi siya nakatawag. Baka busy lang talaga, hintayin na lang natin." Sagot ng kanyang Papa. "Pero Pa, kilala ko si Angela. Napapaisip tuloy ako, noong nandito lang siya kahit anong busy niya, hindi niya nakakalimutan ang pagtawag o kahit ang magparamdam man lang lalo na kay VJ." Aniya, sabay tanaw sa bata na kasama ni Maru sa playground, habang naglalaro ng basketball malapit sa Garden waiting shed kung saan sila nag-uusap na mag-ama. Madalas dito sila tumatambay tuwing umaga para magkape. Ito rin ang paboritong tambayan ni Angela. Pinasadya ito ng kanyang Papa 3 years ago para kay VJ at Angela. Hindi ito pangkaraniwan, sadyang pinalakihan ito na tila balkonahe sa gitna ng Garden upang maging pahingahan na rin kung nais nil
CHAPTER 28: Who is really you?_Hatid pa rin niya ng tanaw ang papalayong si Angela, hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Ang sarap ng kanyang pakiramdam, parang napawi ang sakit ng kanyang katawan at kirot ng tinamo niyang sugat kagabi. Dahil sa paghabol niyang mailigtas ito sa kapahamakan. Kapag pala mahal mo ang isang tao, makakagawa ka ng imposible. Kaya mo nga palang daigin kahit pa nga si Superman, dahil ang pakiramdam niya lumipad siya kagabi maabot lang niya ang dalaga. Ngayon alam niyang magagawa niya ang lahat mahalin lang siya ni Angela. Hindi niya ito nagawa kay Liscel noon at hindi rin niya naramdaman ang ganitong uri ng pakiramdam. Kaya mas naging bukas na ngayon, ang puso at isip niya sa pagpapatawad. Ngayon lang din niya naisip at natanggap ang naging pagkukulang niya noon kay Liscel. Kaya marahil nagawa siya nitong pagtaksilan noon. Ang buong akala niya, sapat nang gusto mo ang isang tao. Dahil siya ang pangarap mong makasama, dahil siya ang
CHAPTER 29: I LOVE YOU, MY LOVE_"Boss, kawawa naman nitong mga karne, kailan mo ba sila titigilan?" Nanlulumong tanong ni Russel, kasalukuyang kasi siyang nakikipaglaban sa lutuan. "Hangga't hindi sila nakikisama sa akin." Aniya, pinangatawanan na talaga niya ang pagluluto gaya ng sabi niya kanina. "Patay tayo d'yan Boss, ang alam ko sa steak pinalalambot hindi pinatitigas pero tinusta mo na ito" Hinawakan pa nito ang isang piraso ng karne. "Order na lang kaya tayo ng steak sa ibaba o kaya baligtarin na lang natin ang sitwasyon? Tayo na lang ang magrequest kay Miss Angela, na ipagluto tayo mamaya para sumarap naman ang hapunan natin, ano sa tingin mo Boss?" Tanong nito. "Overtime ba? Kaya ko nga siya gustong ipagluto para ma-relax siya at ma-feel niya na siya naman ang ipinagluluto ko. Tapos may request ka pang nalalaman." Aniya. "Eh, Boss hindi ka naman marunong magluto. Nakikita mo ba ang itsura mo ngayon? Baka wala ng chicks na magkagusto sa'yo n'yan, malamang ako na ang l
CHAPTER 30: Because Of You_Tigagal at gulat na gulat si Joaquin sa tinamong sampal. Hindi dahil nasaktan siya, kun'di dahil hindi niya inaasahan na magagawa ni Angela na sampalin siya. Bakit ba siya nito sinampal, ano bang nagawa niyang mali, mali ba na mahal niya ito kaya niya ito nagawang halikan?Galit ba ito dahil sobrang naging mabilis siya? Sinunod lang naman niya kung ano ang kanyang nararamdaman.Hawak pa niya ang pisngi ng muli siyang magsalita. Dahil kung hindi siya magtatanong wala siyang makukuhang sagot."B-bakit mo naman ako sinampal?" Pautal na tanong ni Joaquin, subalit sa klase ng tingin ni Angela sa kanya. Tila walang pagsisi siyang nakikita. Ano ba ang problema nito sa kanya? Sigurado naman siyang nasarapan din ito sa halik na iyon!Subalit may mas titindi pa pala sa sampal na tinamo niya."Dahil sinungaling ka, Mr. Joaquin Jeremy Alquiza!" Sana paulit-ulit na lang siya nitong sinampal kaysa ang makita ang mga mata nito na puno ng galit.___Hindi pala niya ka
CHAPTER 31: It's My Heart Says_Bakit nga ba kailangan pang pahirapan nila ang kanilang mga sarili? Hindi ba talaga namang mahal niya ito at gusto rin niyang maniwala na mahal siya nito.Ayaw na niyang tanungin ang kanyang sarili. Dahil alam niyang magkakaroon lang ng contradiction sa kanyang isip.Ang muli niyang paglingon dito ay nangangahulugan lang ng muli niyang pagbibigay daan, patungo sa kanyang puso. "Ano bang ginagawa mo, bakit ka ba gan'yan?" Tanong niya."I'm sorry, patawarin mo na ako please. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para lang maniwala ka sa'kin, desperado na ako.'Okay aaminin ko nu'ng una pinagdududahan kita. Ang akala ko masama kang babae, sorry kung inisip ko 'yun. Pero maniwala ka noon lang yun! Nahusgahan kita agad, huli na ng ma-realized ko na mali pala ako." Paliwanag nito."Wala pa rin namang pinag-iba ngayon, hindi mo pa rin ako kilala. Paano mo nasabing nagkamali ka nga ng paghusga sa'kin?" Tanong niya dito."It's my heart's says, magkakamali ba n
ÇHAPTER 31: We're In Love At The Same Woman _Kasalukuyan na silang bumibiyahe papuntang Marco Polo Airport, nag-insist si Joaquin na ihatid na siya dito imbes na mag-bus o taxi.Bigla itong nalungkot at nadismaya, dahil sa pagkabalam ng sana masaya nilang sandali nang umagang iyon.Subalit wala naman itong nagawa ng mag-offer siya kay Joseph na sunduin ito sa Airport.Sabagay magkapatid naman ang dalawang lalaki, ngayon niya mas na-realized na walang kamalay-malay si Joseph na narito rin si Joaquin sa Venice.Bigla tuloy siyang nalito kung sasabihin ba niya ito kay Joseph o hindi.Ang tahimik ni Joaquin mula pa kaninang umalis sila sa Hotel. Hindi niya alam kung ano ba ang iniisip nito ngayon?Para silang nagpapakiramdaman lang, nagtaka man siya na hindi ito tumabi sa kanya sa back seat, dahil sa front seat ito naupo.Naisip niyang mas mabuti pa yata kung hindi na lang magkikita ang mga ito. Sigurado naman siyang hindi rin magtatagal dito si Joseph. Dahil may naiwan itong trabaho s
_CHAPTER 32: JEALOUSYAs I see it.. Bakit ba parang sinasadya ng pagkakataon na pahirapan siya? Hindi naman niya ginusto na malagay sa ganitong sitwasyon at lalong hindi niya gustong pagsinungalingan ang lahat. Pero nangyari na, ano ba ang dapat niyang gawin?"May problema ba sa 8th floor?""Ha! Ah wala naman.." aniya."Akala ko kung ano na? Para kasing namumutla ka, okay ka lang ba?" Tanong ni Joseph na nag-aalala."Ha? Okay lang ako, hindi pa lang siguro ako nakakabawi ng pagod? Kasi nga hindi ba sumali ako sa kompitisyon kaya lang na-disqualified din ako. Pero nakabawi naman kasi ako din 'yun napili nila na gumawa ng occasion cake." Aniya"Wow! Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan? Dapat pala magcelebrate tayo, ang galing naman hindi ba anak ng Prime Minister 'yun celebrant? Pero sandali, bakit ka naman na-disqualified? Alam ba nila Papa 'yun?" Tanong nito."Sana sasabihin ko pag-uwi ko konting problema lang naman 'yun naayos ko na rin kaya okay na. Sana rin iti-treat ko na lan