"Are you okay?" hinihingal na tanong ni Kevin, bakas na ang pag-aalala. Namumutlang tumango si Alyson. Naumid na ang dila sa loob ng bibig. Ang dami niyang gustong sabihin kay Kevin. Dumistansya na siya sa lalake."Sorry, Kevin..."Nag-iwas na siya ng tingin sa lalake. "It's okay, Aly." Napapiksi
Walang imik na pinagtutulungang pulutin ng dalawa ang mga pinamili upang ibalik sa plastic. Habang ginagawa iyon ay makailang beses na sumagi sa isipan ni Alyson ang reaction ni Geoff. Palaisipan sa kanya kung bakit galit ito at mukhang papatay ng tao. Ngunit bakit? Wala naman siyang masamang ginaga
Magkasabay na pumasok ng building ng Evangelio Designs sina Alyson at Kevin. Nakaabang na sa lobby pa lang ang secretary ni Kevin na may nakapintang matingkad na ngiti sa labi. Saglit na sinulyapan lang nito si Alyson at nag-focus muli sa amo."Naghihintay na po sila sa loob ng office mo, Mr. Evange
Inihatid pa ni Kevin si Geoff at ang secretary nito hanggang labas ng office niya. Matapos iyon ay agad din siyang bumalik sa loob ng opisina. "Narinig mo ang sabi kanina ni Geoff? Hinahanap ka ngayon ng asawa mo," puno ng himig mapang-aasar habang nakatingin si Kevin kay Alyson. "Dapat pala itinur
Puno ng kahulugang nagkatinginan sina Alyson at Kevin sa sinabi nito. Hindi napigilan ni Kevin na mapatayo sa sobrang saya. Sino ba naman ang tatanggi sa panibagong investors? Kahit na medyo may hindi sila ni Geoff mapagkasunduan, willing siya na tanggapin ang investment offer."Talaga?" "Yes, Sir.
Paglabas ni Alyson ng office ni Kevin upang umuwi na ay nakita niya sa notification bar ng cellphone ang email mula sa company email ng mga Carreon. Tumigil siya sa paghakbang. Saglit na gumilid upang pahapyaw niyang basahin ito. Normal invitation lang naman iyon. Nagsimula siyang magtipa ng reply.
Nang hindi na matagalan ni Alyson ang nanunuot sa buto na mga titig ni Geoff ay walang lingon-likod na siyang lumabas ng conference room. Animo kumakawala na ang puso niya sa bilis ng bawat pintig nito. Sabayan pa iyon ng nanunuyong lalamunan. Lakad at takbo na ang ginawa niya matapos na makalabas n
"Mr. Carreon, I am giving you a warning too. Bitawan mo ako or else—" "Or else what? Ano ang kaya mong gawin, Alyson? May magagawa ka?" Unti-unting bumangon ang galit ni Alyson sa dibdib na matagal niyang kinimkim. He cheated on her first. Bakit parang pinapalabas nitong sa kanilang dalawa ay siya