"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko." Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Nangarap at nagsikap. Sa tulong ng ibang lalake, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ng dati niyang asawa, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang kapana-panabik na mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon sila ng kambal na anak ng dati niyang asawa?
View MoreSA HALIP NA linisin ang pangalan ng matanda ay hindi ito umimik dahil ang buong isipan niya ay nasa pagwa-walk out ng pamilyang dinala doon ni Geoff. Batid niyang gulat at galit ang mga ito sa kanya, lalo na ang apo niyang sobrang iginagalang siya. Mali naman niya eh, aminado naman siya doon. Ang ma
PUNO NG KURYUSIDAD na nagpalinga-linga ang mga mata ni Loraine pagkaparada ng kanilang sasakyan. Pilit niyang iniintindi kung bakit ang daming sasakyan sa mansion gayong wala naman siyang matandaang okasyon ng araw na iyon doon. Hustong pagpasok nila ng pintuan ay paalis na ang karamiha sa mga kamag
“A-Alam niyo Lolo, hindi na ako magtataka kung malalaman ko ngayon na ikaw din ang dahilan kung bakit hindi ko si Alyson mahanap sa loob ng apat na taon! Hindi ko siya makita kahit na anong hanap ang gawin ko sa kanya. Kagagawan mo ba Lolo? Kagagawan mo ba ha?” patuloy na paglalabas ng sama ng loob
NAIKUYOM NA NI Geoff ang dalawang kamao habang tinatanaw si Alyson na binabagtas ang daan papunta ng banyo. Hindi na makatingin sa kanya ng deretso ang mga tiyahin na hindi inaasahang ganun ang magiging reaction ni Alyson na dati naman ay nakakaya lang nila. Malaki ang ipinagbago ng ugali nito. Tuma
WALANG HUMOR NANG natawa si Alyson sa naging komento ng angkan ni Geoff na sobrang entitled. Umiling na doon ang babae at sinapo ang noo. Ayaw niyang maging bastos at ipakita sa kanila kung anong ugali na siya mayroon ngayon pero pilit nilang pinapalabas ang ugali niyang ‘yun. Gusto nilang subukan k
ANG ILAN SA mga kaharap ni Alyson ay napatayo na. Hindi na nila gusto ang pinupuntahan ng usapan sa harap ng babae. Iyong iba naman ay nanatiling nakaupo, tameme lang na makahulugan pang nagkatinginan sa ginawa niyang pama-mrangka sa kanila na hindi niya noon magawa dahil mababa ang tingin sa kanya.
SA PAG-USAD PA ng bawat minuto sa okasyong iyon ay panay tango lang ang naging reaction ni Geoff sa mga sinasabi ng kanilang kamag-anak. Panaka-naka ang makahulugang tingin niya sa kanyang Lolo Gonzalo na nakaupo hindi kalayuan upang kunin ang atensyon nito. Kung siya ang masusunod ay kukunin niya n
“Kamukhang-kamukha mo sila hijo noong nasa ganyan kang edad sa kanila. Natatandaan ko, kung alam ko lang hinanap ko ang old photo mo.” anang Lola ni Geoff sa maamong tinig habang salit-salitan ng tiningnan ang mga bata at si Geoff na proud na proud ang ngiti sa triplets niyang anak, hindi maitatangg
KINABUKASAN, PAGKATAPOS KUMAIN ng agahan ay bumiyahe na agad ang buong mag-anak lulan ng sasakyan ni Geoff. Ang lalake rin ang driver ng sasakyang iyon. Isinama pa rin nila paalis ang mga Yaya ng mga bata para kung sakali na magkaroon ng aberya ay mayroong makakaagapay kay Geoff at Alyson. Ang gusto
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.