SINUNDAN NG MGA mata ni Alyson ang nagmamadaling mga hakbang ni Geoff kasabay si Manang Zenny na pababa na ng hagdanan. Umahon pa ang galit sa kanyang dibdib nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Loraine sa labas ng bahay na parang nagwawala at paulit-ulit sila nitong tinatawag sa pangalan, hin
SA SEKRETONG ISINIWALAT ni Geoff ay napaawang na ang bibig ng mga maid na kasama ni Loraine sa sobrang pagkagulat dahil wala sila doong kaalam-alam. Ang ilan pa ay napatakip ng mga kamay nila sa bibig dahil sa bagsak ng mga salitang masasakit na ang buong akala nila ay life partner na ito ng kanilan
GALAITI AT NAGNGANGALIT ang ngiping walang pag-aalinlangan na inihampas ng ilang beses ni Loraine ang kanyang ulo sa gate na bakal ng bahay habang patuloy na parang baliw na sumisigaw at bumabalong ang masaganang mga luha. Ikinatili na iyon ng mga maid na natataranta ng nilapitan ang amo upang awati
BILANG ISANG INA ay hindi na natiis ni Alyson ang sarili na hindi lumingon dahil sa nakakaawang tunog ng iyak ng batang unang beses niya pa lang makikita sa personal. Ang batang naging dahilan at hadlang kung bakit apat na taong hindi nagkaroon ng tumayong ama ang kanyang mga anak. Doon bumulaga sa
TUTOL MAN SA kalooban ay wala ng nagawa doon si Geoff kundi ang pagbigyan sa gusto niya si Alyson para matapos na sila at makabalik na rin sa loob ng bahay. Tinulungan niyang buhatin ang wala pa ‘ring malay na katawan ni Loraine na bukod sa may mga halatadong namumulang mga bukol sa kanyang noo at u
NAPATILI NA ANG mga naroroon na maid sa posturang ipinapakita ni Geoff. Yumukod ito, pahablot na hinila sa buhok ang walang malay pa ‘ring si Loraine na akmang uundayan na niya ng suntok. Halos madapa naman papasok ng bahay si Alyson na mabilis kinuha ang braso ni Geoff upang pigilan ito sa gagawin.
"Misis, narinig niyo po ba ang sinabi ko?" untag ng doctor sa kanina pa tulala at wala sa sariling si Alyson. "Kailangan po natin dito ang pirma ng asawa mo upang mai-set na kung kailan natin isasagawa ang pagra-raspa."Kanina pa tumatakbo sa isipan ni Alyson ang katagang hindi na raw kayang isalba
HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lan