Share

Chapter Forty-Nine

“Drop your gun or you're dead." Pagbabanta ni Lucas. Ngunit walang paggalaw mula kay Dmitri. Nanatili itong nakatayo at nakikiramdam sa lalaking nasa likuran.

Lucas gritted his teeth. Gustong mawalan ng pasensya. Kung hindi siya nagkakamali ang lalaking nakatalikod ang kanilang subject. Mula pa kanina sa engkuwentro ay nababaghan na siya sa lalaki. Kapwa bandido nito ang inaasinta at kinikitlan ng buhay.

Kita ang mga pinsala nito sa katawan.

Na nagpapatunay lamang na dumaan ito sa mabigat na laban. Ngunit pangitang-pangita ang pagiging bihasa nito. Ni hindi alintana ang mga tama sa katawan.

"I said drop it," he ordered.

Marahan namang binitiwan ni Dmitri ang hawak na baril sa lupa.

Sinubukan ni Lucas na lapitan ang lalaki para sinuhin. Subalit mabilis si Dmitri. Ang lapit niyang iyon ay mabilis nitong nasangga ang kamay niya at sinubukang baliin. Nagulat man ay mabilis rin siyang nakabawi.

Nagsukatan sila ng lakas. Isang suntok sa mukha ang nagpatulig sa kanya mul
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status