Share

Chapter Twenty-Two

“Mommy!"

Hustong kabababa lang ni Rose ng sasakyan nang marinig ang maliit at matinis na boses na nagmumula sa isang batang babae.

It's Alexa, her five-year-old adorable daughter.

Tumakbo ang bata palapit sa kanya upang salubungin siya. Cute na cute sa suot nitong maong jumpsuit na may character pa ni Dora. May kabilugan ang pangangatawan ng anak na nagpapakitang malusog itong bata.

Awtomatikong lumabas ang cute dimples nito sa mabilog at mamula-mulang pisngi. Naka-pigtail ang may kahabaan nitong buhok na may mga maliliit pang ipit na ibat-iba ang mga kulay.

Sa likod ni Alexa ay nakasunod ang tagapag-alaga nito na si Carol.

Tumatagaktak ang pawis sa noo ng yaya habang hawak sa kamay ang kulay rosas na tuwalya. Paliliguan na siguro nito ang anak subalit mukhang nangulit na naman ang alaga.

Napapailing na sinalubong ni Rose ang bata.

"How's my lil girl?" Aniya.

Inabot niya ang dalang bag kay Carol at lumuhod upang mayakap si Alexa.

"I'm super-duper mabait po today.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status