“Uncle Lauron, meron po ba kayo ng hidden room o, di kaya’y safe basement?” nagmamadaling tanong ni Clarence ng makarating na siya sa kubo. Abala ang lahat sa paghahain ng kanilang dapat sana ay pagsasaluhan ngunit tila hindi matutuloy dahil sa panganib na sasalubong sa kanila. Nagtataka ang lahat at sa kanya lamang naka focus ang mga mata.“Hon, Bakit? May problema ba?” nagtataka na tanong ni Ciara. Kinuha niya si Baby Adler mula sa kandungan ng Daddy Willam niya at kinarga ito.“Sweetheart, parating ang mga kalaban. Dalhin mo ang mga bata sa ligtas na lugar.”“Huh?” Nakaramdam ng takot si Ciara para sa mga anak niya. Mabuti sana kung sila lang dalawa ni Clarence ang magkasama ngayon dahil matapang siyang harapin ang mga kalaban. Ngunit sa puntong ito natatakot siya para sa kanyang buong pamilya.Inikot ni Clarence ang kanyang mga mata. “Listen everyone. We have to leave this place now, may paparating na kalaban!”Nasindak ang lahat dahil sa narinig. Ang mga tauhan nila ay nagsihanda
“Master, saan diyan si Jano sa mga nakamaskara?” nalilitong tanong ni Brando habang nakatingin sa mga nakamaskara na lalaki na papunta sa kanilang direksyon. Kasalukuyan silang nasa likuran ng malaking Drum. Binuhat nila kanina ang wheelchair ni William ng mag-paulan ng bala ang kanilang kasamahan at ginantihan rin ng kanilang mga kalaban. “Hindi ko alam; pero malaman natin kapag nahuli natin sila,” sagot ni Clarence habang naghahanda upang dakmain ang limang lalaki na dadaan sa kanilang kinaroroonan. Sinadya niyang hindi barilin ang mga ito, upang mahuli nila ng buhay ang kanyang kuya Jano. Binalingan niya si William, nanatili lang itong nakaupo sa Wheelchair habang tulalang nakatingin sa kawalan. Tila unti-unti ng nawawalan ng buhay ang mukha nito. Muli niyang itinuon ang pansin sa dalawang lalaki na papalapit sa kanila. “Urgh,” “Urgh..” “What a fuck..urgh!” Nasindak ang mga lalaki ng sabay-sabay silang pinag-untog ni Clarence. Tumulong na rin si Brando upang patumbahin ang mga
“Crystal, ano, nakuha mo na ba lahat ng pera?” Malapad ang mga ngiti ni Crystal na binuksan ang dalawang attache case. Ang isa nito ay puno ng mga ginto at dyamante samantalang ang isang case naman ay puno ng milyones na pera.“Nakita mo ba lahat ng ito, Norkis? Mayaman na tayo!” “Talagang hindi ako nagkamali sa pagpili sa’yo, Crystal. Talagang maasahan kita.” nakangising wika ni Norkis sabay halik ng mapusok sa labi ni Crystal. “Nasaan na si Leticia?” maya’y tanong niya.“Hayun, hinayaan ko na silang dalawa ni Monica na makatakas. Kunyari concern ako, naniwala naman ang dalawa.”Napuno ng demonyong tawa ang loob ng chopper na sinakyan ng dalawa Crystal at Norkis. “Teka, paano mo sila napaniwala?” muling tanong ni Norkis.“Syempre, sinabi ko sa kanila ang lahat ng nalalaman ko ayon sa sinabi mo.” Pagyayabang ni Crystal.“Kinuwento mo lahat? Pati yung tungkol sa anak ni Leticia?”“Oo, para lalo silang magkakagulo roon. Pinahatid ko pa nga sila ng Chopper eh. Sinabi kong pinapunta si
“Mas Gago ka!” pasinghal na wika ni Clarence habang dinuduro ng daliri nito ang direksyon ni Ryke. “Mas Gago ka, alam mo ba kung bakit? Dahil nagawa mong saktan ang sarili mong pamilya, sa anong dahilan, huh? Sa pagmamahal mo kay Ciara na sarili mong kapatid, o, dahil sa kagustuhan ng iyong ama?” Alin doon sa dalawa na binanggit ko ang pinaka-dahilan mo!?” “Hah, pareho! Minahal ko si Ciara kaya pumayag ako sa tang ina mo na patayin ang binhi mo. Ngunit umeksena itong matandang ‘to,” sabay tingin ng masakit sa putol na mga paa ni William at saka idinagdag. “Alam mo bang gustong-gusto kitang patayin noon? Ngunit hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit pinili ko pa na buhayin ka. Ngunit salamat sa mga paa mo, dahil napaniwala ko si Daddy na patay ka na. Masisisi mo ba ako kung wala akong ibang ginawa kundi patunayan sa Daddy ko na karapat-dapat akong maging anak niya? Simula ng magkaisip ako, siya na ang kinagisnan kong ama. Napaniwala niya ako na patay na ang aking ina at ako lang
“Clarence!” Napatigil si Clarence sa kanyang paglalakad ng marinig ang tawag sa kanya ni Monica. Ngayon pa lang niya naaala na kasama pala nila ang babaeng ito. Itinuring ni Ciara na tunay na kapatid ngunit kasabwat rin pala ni Jano at Lorenz sa pagtangkang pag gahasa noon sa asawa niya. Nakuyom niya ang kamao. Umigting ang mga panga niya at pilit kinokontrol sa sarili ang galit. Hindi siya lumingon, bagkus hinintay niya ang gusto nitong sabihin sa kanya. “Clarence alam kong malaki ang kasalanan na ginawa ko kay Ciara dati. Alam kong hindi sapat ang pagbayaran ko sa kulungan ang labat ng ginawa ko, pero siguro mas nanaisin kong doon na lang din mamatay upang maging gumaan man lang ang bigat na nararamdaman ninyo.” Nagpahid ng luha si Monica. Nakita niyang hindi pa rin lumilingon si Clarence sa kanya, ngunit alam niyang hindi siya karapat-dapat na pag-aksayahan ng oras. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Maraming salamat Clarence. Pakisabi kay Ciara, humihingi ako ng tawad sa
“Daddy, maraming salamat, dahil sayo kung bakit kasama pa rin namin ngayon si Clyde. Maraming salamat sa buhay na binuwis ninyo para sa amin. Aaminin ko, gusto kong magtampo dahil isang araw lang tayo nagkita, ngunit yun din ang araw na iniwan mo ako. Lumaki na rin ako na sabik sa pagmamahal ng isang ama Dad, ngunit naiintindihan ko kayo kung mas pinili mong samahan si Kuya Jano kaysa sa amin ni Mommy. Alam kong kahit nandyan ka, patuloy mo pa rin kaming ginagabayan ng pamilya ko.” Tinuon niya ang mga mata sa tombstone ni Jano. “Kuya, inaamin kong hanggang ngayon, galit pa rin ako sa’yo, ngunit unti-unti ko ng tinuturuan ang sarili ko na patawarin ka. Masakit lang kasi dahil ikaw, pinaglaruan ng tadhana sapagkat napunta ka sa maling tao, ngunit ako, pinaglaruan mo ang kapalaran ko, kuya. Lahat ng masakit na nangyari sa akin ikaw ang naging dahilan. Ngunit hindi kita masisisi, dahil tulad ko, naniwala ka lang din sa taong itinuturing mong pamilya. Kung meron man akong ala-ala na magaga
“Sir, may mga pulis po naghahanap sa inyo.”Umangat ng mukha si Lorenz, at tiningnan ang sekretarya sa may labas ng pintuan.“Papasukin mo,” sagot din ni Lorenz na tila bang kanina pa nito hinihintay ang mga pulis na pupunta sa kanya. Sa totoo lang isang linggo na niyang hinihintay na puntahan siya ng mga pulis at arestuhin. Naiinip na siya. Tumayo siya mula sa inuupuan na swivel chair at sinalubong ang mga pulis.Mr. Lorenz Dillion, my warrant of arrest—”“I’m guilty.” agaw niya sa sinabi ng pulis at binigay ang dalawang kamay upang lagyan ng posas.Sandali pang natigilan ang pulis ngunit agad din itong nakabawi. First time niyang maka encounter ng hinuhuli na excited hulihin. Nilagyan niya ng posas ang mga kamay ni Lorenz at sinama palabas ng building.“Sandali.. Pwede ko bang makahingi ng isang minuto para makausap ang mga empleyado ko?” pakiusap ni Lorenz sa mga pulis. Pinayagan naman siya ng mga ito.Tamang-tama at nagtipon na ang mga ito sa lobby. Halata ang pagtataka sa mata n
"Master, napapaligiran na ng mga tauhan natin ang buong paligid." Pagbibigay alam ni Brando mula sa suot nitong earpiece."Good job. Papasok tayo sa loob." Wika niya sa mga pinili niyang tauhan. Agad naman na tumalima ang mga ito. Una nilang pinuntahan ang ikaapat na boardlord ng Planetarium na pinamumunuan ni Lohan Madrid. Isa sa mga pangalan na binanggit ng kanyang ina. Sa lahat ng mga natirang boardlord ito ang may pinakamalakas na pwersa sa Planetarium kaya naman ito ang inuna niya.Agad silang sinalubong ni Lohan kasama ng mga tauhan nito.“What brings you here, Mr. Del Castrillo?” Buong tapang nitong tanong sa kanya. Mukhang Kilala na pala siya, at amoy na amoy niya ang kawalang respeto nito sa kanya. “Alam mo kung ano ang pinunta ko rito Mr. Madrid.” Malamig niyang sagot.“Sa naalala ko, you have no business here, Mr. Del Castrillo.” Nakapamewang nitong sagot sa kanya.Binalingan ni Clarence si Brando sa tabi niya at senenyasan ito. Agad na binigay ni Brando ang maliit na putin