Napalunok na lamang siya at pinigil niya ang sarili na mapatingin rito dahil baka hindi niya kayaning pigilin ang kaniyang sarili at bigla na lamang niya ito masunggaban. Sa hindi inaasahan pagkamataon ay hindi sinasadyang matumba siya kung saan ay nahila niya ito at pareho silang natumba sa kama at nakapatong ito sa kaniya.Nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya habang nakahawak ito ng mahigpit sa kaniyang dibdib. Ang hininga nito ay naaamoy na na niya at tiyak niyang ganun din ito. Ang kanilang mga labi ay halos ilang pulgada na lamang ang layo sa isat-isa at kaunting galaw lang nila ay natitiyak niyang magdidikit na iyon ng tuluyan.Marahil ay pareho silang nagulat dahil sa nangyari ay hindi sila nakagalaw kaagad pareho at nakatitig lamang sa mata ng bawat isa. Samantala, dahil rito ay agad namang namula ang mukha ni Annie. Sa totoo lang ay masasabi niyang mahal niya pa rin ito magpahanggang sa mga oras na iyon.Lalo na at napakatahimik ng paligid at sobrang lapit nila s
Hindi naman na masyado pang inisip ni Annie ang tungkol sa bagay na iyon at pagkatapos ay nagkwentuhan na lamang sila ni Olivia tungkol sa mga bagay-bagay. Ikwinento niya rito ang tungkol sa pagkawala ng mga baby niya.Samantala ay naging maingat naman si Olivia sa mga komento niya tungkol sa pagkawala ng mga baby ni Annie. Natatakot na baka mas malungkot pa ito lalo kaya pilit na lamang niyang pinasigla ang kanyang boses habang nakikipag-usap rito. Ikwinento rin ni Annie sa kaniya ang tungkol sa pagpunta nila sa lumang bahay ng lolo at lola ni Lucas na sila lang dalawa at maging ang lovestory ng mga ito ay sinabi rin nito sa kaniya. Agad naman na napabuntung-hininga si Olivia pagkatapos niyang marinig ang kwento ng lovestory ng mga ito at pagkatapos ay sumagot. “O diba, napakaganda naman pala ng lovestory nila pero bakit hindi man lang minana ni Lucas yung ganung klaseng pag-uugali at pagiging tapat magmahal.” sabi niya bigla rito. Samantala nang marinig naman ni Annie ang sinabi
Nang pumasok si Lucas sa loob ng silid ay gabi na dahil nagpahangin pa siya at nag-isip isip. Pagkapasok niya doon ay nakita na na tulog na si Annie kaya nagdahan-dahan siya sa kanyang paghakbang upang hindi siya makagawa ng anumang ingay. Dahan-dahan siyang nahiga sa kama at sinubukan niyang matulog, ngunit nagpaikot-ikot lamang siya doon at halos hindi siya nakatulog. Kinabukasan, maaga pa lang ay nag-impake na sila ng mga gamit nila para umuwi na. Bago umalis sila Annie ay muli niyang pinagmasdan ang lumang bahay ng lolo at lola ni Lucas. Kahit na napaka-simple lamang ng bahay ay napakahalaga naman nito sa pag-iibigan ng dalawa. Ito ang dating tirahan ng kanyang mga lolo't lola at alam niya na pagkatapos nilang maghiwalay ni Lucas ay hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataong dumalaw doon muli. Natitiyak niyang iyon na ang una at huli niyang pagpunta doon.Pagdating ng araw ay pwedeng magdala doon si Lucas ng ibang babae na mahahalin nito o mas tamang sabihin na ang susunod nit
Sa mga oras na iyon ay maayos silang nagkasundong dalawa ni Lucas na maghihiwalay na sila at maayos silang nagkasundo.Hindi niya miwasang hindi mapabuntung-hininga dahil bigla niyang naisip na mukha naman silang okay pero bakit kailangan pa nilang maghiwalay. Kung meron lang sana itong pag-ibig sa kaniya ay baka may pag-asa pa na maging maayos ang relasyon nila pero alam niya na napaka-imposible na ng bagay na iyon.Pag-ibig? Paano nama ito magkakaroon ng pag-ibig sa kaniya kung sakali? Isang malaking kalokohan iyon. Sa kanilang dalawa ay siya lang ay may nararamdaman at sampung taon na ang nakalilipas simula nang umipsahan niya itong mahallin pero wala pa rin siyang napapala sa pagmamahal niya rito at pagod na pagod na siya.Ayaw na niyang humabol pa rito at ayaw na niyang magmukhang kaawa-awa rito. Gusto na niyang magpahinga mula sa sakit na nararamdaman niya sa totoo lang. Agad silang naglakad patungo sa silid ng kanilang lolo. Nauuna siyang naglalakad at nakasunod naman si Lucas
Agad naman na tumigil sa kanyang paglalakad si Lian at pagkatapos ay mabilis na nilingon siya. Pahakbang na sila ng mga oras na iyon ngunit dahil nga lumingin ito ay wala siyang nagawa kundi ang mapatigil sa kanyang paglalakad. Salubong ang kilay nito at pagkatapos ay bahagyang tumaas pagkatapos habang nakatingin sa kaniya."Gaano naman kaimportante masyado ang gagawin niyo ngayon? Hindi ba pwede mamayang gabi niyo na lang gawin iyan?” tanong nito sa kaniya.Hindi nakapagsalita si Annie at bahagyang napatigil sa kanyang plaong pag-alis doon at nakatingin lamang rito. Wala siyang alam na isasagot rito dahil sa katunayan ay hindi naman siya magaling sa pagsisinungaling talaga kaya mabilis siyang lumunok at pagkatapos ay tumitig rito. Pilit niyang pinagtakpan ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon at nagpaskil ng isang ngiti sa kanyang mga labi bago siya sumagot rito."Uhm ano kasi Mommy… magsasarado kasi sa gabi iyong pupuntahan namin kaya kailangan na naming puntahan ngayon.”
“Walang ibang pwedeng sumuyo kay Annie kundi siya lang din.” dagdag pang sabi ni Lian rito.Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napabuntung-hininga at pagkatapos ay nawalan siya ng gana at mabilis na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmartsa paakyat ng kanyang silid.SA katunayan ay wala na talaga silang magagawa pa tungkol sa paghihiwalay ng mga iyon dahil si Annie na mismo ang ang handang makipaghiwalay kay Lucas. Isa pa ay hindi na nila kailangan pang banggitin ang tungkol sa kanilang Papa dahil bago man ito mawala ay naroon ang mga ito at hawak-hawak ang kamay nito ay nangako sila na hindi na sila maghihiwalay pa.Sa katunayan ay malungkot talaga siya sa balitang iyon tungkol sa paghihiwalay ng mga ito bilang ina dahil alam niya na napakabait ni Annie kaya napaka-swerte ni Lucas rito. Ngunit ganun pa man ay hindi siya makasarili upang salungatin ang desisyon ni Annie lalong-lalo na at talagang nakita niya sa mga mata ni Annie ang determinasyon. Kahit pa
Dahil nga wala nan nagawa pa si Lucas ay isinama nga niya si Annie sa kanyang pagpunta sa kumpanya.Sa totoo lang pagkatapos ng dalawang taon nila bilang mag-asawa ni Lucas ay iyon pa lamang ang unang beses na tatapak siya kumpanya nito. Hindi naman kasi siya nagka-interes na pumunta doon. Napatingala siya sa napataas na building kung saan tumigil ang kotse. Halos malula na siya sa kanyang pagtingala at halos hidni niya makita ang tuktok nito sa sobrang tayog.Ilang sandali pa nga ay kaagad niyang nilingon si Lucas na sa mga oras na iyon ay nakababa na rin ng kotse. “Pumunta ka na sa opisina mo at asikasuhin mo na ang mga dapat mong asikasuhin.” sbai niya rito. “Hihintayin na lamang kita sa lobby.” dagdag pa niyangs abi rito.Dahil rito ay agad naman na napakunot ng noo si Lucas at napatingin sa kaniya. “Bakit naman sa lobby ka pa maghihintay? Pwede ka namang pumunta sa office ko.” sagot naman nito sa kaniya.Agad siyang umiling rito. “Hindi na kailangan pa. Isa pa ay hindi naman ako
Nang malapag nito ang mga dala nito ay agad siya nitong nilingon. “Ah, ma’am Annie ibinilin po sa akin ni sir na dalhan kayo ng mga ito. May gatas milk tea po rito ang sabi sa akin ni sir ay mahilig daw po kayo sa ganito.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na napatingin si Annie sa milk tea na nasa ibabaw nga ng lamesa at salubong ang kilay na nagtanong rito. “Pinabili ka niya ng milktea?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.“Yes po ma’am. Si sir po ang nag-utos sa akin pata bumili niyan at sinabi niya na yang flavor po na yan ang paborito ninyo.” mabilis na sagot nito sa kaniya.“Paano naman niya na laman?” nagtatakang tanong ni Annie rito ngunti sa halip na sumagot sa kaniya si Kian ay nagkibit balikat almang ito.“Hindi ko po alam ma’am.” sagot nito sa kaniya. “Inumin niyo na po at kainin niyo na rin ang mga binili kong meryenda.” sabi nito sa kaniya. “Kung may kailangan po kayo ay tawagin niyo lang ako at darating ako rto kaagad.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Mabilis naman s