Share

Chapter 122.2

Sa mga oras na iyon ay maayos silang nagkasundong dalawa ni Lucas na maghihiwalay na sila at maayos silang nagkasundo.

Hindi niya miwasang hindi mapabuntung-hininga dahil bigla niyang naisip na mukha naman silang okay pero bakit kailangan pa nilang maghiwalay. Kung meron lang sana itong pag-ibig sa kaniya ay baka may pag-asa pa na maging maayos ang relasyon nila pero alam niya na napaka-imposible na ng bagay na iyon.

Pag-ibig? Paano nama ito magkakaroon ng pag-ibig sa kaniya kung sakali? Isang malaking kalokohan iyon. Sa kanilang dalawa ay siya lang ay may nararamdaman at sampung taon na ang nakalilipas simula nang umipsahan niya itong mahallin pero wala pa rin siyang napapala sa pagmamahal niya rito at pagod na pagod na siya.

Ayaw na niyang humabol pa rito at ayaw na niyang magmukhang kaawa-awa rito. Gusto na niyang magpahinga mula sa sakit na nararamdaman niya sa totoo lang. Agad silang naglakad patungo sa silid ng kanilang lolo. Nauuna siyang naglalakad at nakasunod naman si Lucas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status