“Walang ibang pwedeng sumuyo kay Annie kundi siya lang din.” dagdag pang sabi ni Lian rito.Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napabuntung-hininga at pagkatapos ay nawalan siya ng gana at mabilis na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay nagmartsa paakyat ng kanyang silid.SA katunayan ay wala na talaga silang magagawa pa tungkol sa paghihiwalay ng mga iyon dahil si Annie na mismo ang ang handang makipaghiwalay kay Lucas. Isa pa ay hindi na nila kailangan pang banggitin ang tungkol sa kanilang Papa dahil bago man ito mawala ay naroon ang mga ito at hawak-hawak ang kamay nito ay nangako sila na hindi na sila maghihiwalay pa.Sa katunayan ay malungkot talaga siya sa balitang iyon tungkol sa paghihiwalay ng mga ito bilang ina dahil alam niya na napakabait ni Annie kaya napaka-swerte ni Lucas rito. Ngunit ganun pa man ay hindi siya makasarili upang salungatin ang desisyon ni Annie lalong-lalo na at talagang nakita niya sa mga mata ni Annie ang determinasyon. Kahit pa
Dahil nga wala nan nagawa pa si Lucas ay isinama nga niya si Annie sa kanyang pagpunta sa kumpanya.Sa totoo lang pagkatapos ng dalawang taon nila bilang mag-asawa ni Lucas ay iyon pa lamang ang unang beses na tatapak siya kumpanya nito. Hindi naman kasi siya nagka-interes na pumunta doon. Napatingala siya sa napataas na building kung saan tumigil ang kotse. Halos malula na siya sa kanyang pagtingala at halos hidni niya makita ang tuktok nito sa sobrang tayog.Ilang sandali pa nga ay kaagad niyang nilingon si Lucas na sa mga oras na iyon ay nakababa na rin ng kotse. “Pumunta ka na sa opisina mo at asikasuhin mo na ang mga dapat mong asikasuhin.” sbai niya rito. “Hihintayin na lamang kita sa lobby.” dagdag pa niyangs abi rito.Dahil rito ay agad naman na napakunot ng noo si Lucas at napatingin sa kaniya. “Bakit naman sa lobby ka pa maghihintay? Pwede ka namang pumunta sa office ko.” sagot naman nito sa kaniya.Agad siyang umiling rito. “Hindi na kailangan pa. Isa pa ay hindi naman ako
Nang malapag nito ang mga dala nito ay agad siya nitong nilingon. “Ah, ma’am Annie ibinilin po sa akin ni sir na dalhan kayo ng mga ito. May gatas milk tea po rito ang sabi sa akin ni sir ay mahilig daw po kayo sa ganito.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na napatingin si Annie sa milk tea na nasa ibabaw nga ng lamesa at salubong ang kilay na nagtanong rito. “Pinabili ka niya ng milktea?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.“Yes po ma’am. Si sir po ang nag-utos sa akin pata bumili niyan at sinabi niya na yang flavor po na yan ang paborito ninyo.” mabilis na sagot nito sa kaniya.“Paano naman niya na laman?” nagtatakang tanong ni Annie rito ngunti sa halip na sumagot sa kaniya si Kian ay nagkibit balikat almang ito.“Hindi ko po alam ma’am.” sagot nito sa kaniya. “Inumin niyo na po at kainin niyo na rin ang mga binili kong meryenda.” sabi nito sa kaniya. “Kung may kailangan po kayo ay tawagin niyo lang ako at darating ako rto kaagad.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Mabilis naman s
Sa loob ng kotse ay tahimik silang dalawa na para bang may sari-sarili silang mundo. Ilang sandali pa nga ay binuksan ni Annie nag bintana at mabilis na pumasok doon ang hangiin at inilipad ang kanyang buhok.Iniunat niya ang kamay at marahang hinaplos ang kanyang buhok habang kalmado siyang nakatingin sa labas ng bintana ngunit bigla na lamang bu,ilis ang tibok ng puso niya.Nagsindi si Lucas ng sigarilyo at pagkatapos ay napalingon si Lucas kay Annie at napansin niya na tulala itong nakatitig sa labas ng bintana kaya dali-dali niyang inabot ang kamay nito at marahang pinisli. Kaagad naman itong lumingon sa kaniiya. “Okay ka lang ba?” tanong niya rito.Agad naman na umiling si Annie at pagkatapos ay mabilis na napatakip sa kanyang ilong nang makita niya ang sigarilyo nito. “Kanina ka pa naninigarilyo ah.” puna niya rito. SA totoo lang ay ang naninigarilyo ang pinakaayaw niya sa lalaki. Dahil iyon ang isang bisyo ng magaling niyang ama bukod sa pag=inom ng alak at pagsusugal.Napakala
Pinilit niyang pigialn ang pagtulo ng akniyang mga luha hanggang sa tuluyan na nga siyang makarating ng banyo. Nang makapasok siya ay mabilis niyang ini-lock ang pinto at agad na naghilamos ng kanyang mukha. Hindi na niya kinaya pang pigilanang kanyang mga luha ng mga oras na iyon. Magkahalong tubig at luha ang dumadaloy na sa kanyang mga pisngi. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na yon.Akala pa naman niya a napakagaan na lang para sa kaniya kapahgnghiwa;ay na sila ng tuluyan at hindi na makakaramdam pa ng sakit ngunit sobrang laking pagkakamali niya. Handa na ba talaga siya? Handa na ba talaga siyang kalimutan ito?Pagkatapos ng sampung taon na pagmamahal niya rito ay iyon na nga ba talaga ang tamang oras para kalimutan niya ito? alam niya na pagkatapos ng araw na iyon ay magkakaniya-kaniya na sila ng kanilang mga landas.Paulit-ulit siyang naghilamos at hindi siya tumigil hanggang sa may luha pang tumutulo sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay itinaas niya ang kanya
Napalingon siya sa pinto ng banyo nang marinig niya ang tunog ng lagaslas ng tubig na nagmumula roon at alam niyang si Lucas ay naliligo. Tumayo si Annie mula sa kama habang hawak- hawak niya ang kumot at bahagyang namula pa ang kaniyang mukha ng maalala niya ang mga nangyari kagabi sa pagitan nila ng kaniyang asawa. Bagamat dalawang taon na silang kasal ay hindi pa rin niya maiwasan ang hindi makaramdam ng hiya tuwing nagniniig sila. Napatayo siya ng tuwid at binitawan ang kumot na hawak niya nang bigla na lamang tumigil ang tunog ng gripo sa banyo. Ilang sandali pa nga ay mabilis na lumabas mula sa banyo si Lucas na nakatapis lamang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi niya maiwasan ang hindi pamulahan ng mukha nang mapatitig sa hubad na katawan nito lalong- lalo na sa mga abs nito. Iniiwas niya ang kaniyang tingin mula rito. Nang makita siya nito na nakatayo sa tabi ng kama ay biglang napatanong ito sa kaniya. “May kailangan ka ba?” tanong nito sa kaniya habang nagp
Tatlong taon ang ipinangako nito ngunit ngayon ay bumalik na ang pinakamamahal nitong babae na sa loob ng dalawang taon nila bilang mag- asawa ay nananatili pa rin pala ito sa puso nito at iyon na ang tamang oras para bumitaw siya sa pagsasama nilang dalawa.Yumuko siya at pagkatapos ay inabot ang divorce agreement na inilapag niya sa lamesa ng ilang sandali. Hindi pa niya natatapos ang kaniyang kinakain ngunit nawalan na siya ng gana dahil sa mga sinabi nito sa kaniya at plano na sana niyang bumalik sa kaniyang silid nang bigla na lamang hilahin ni Lucas ang kamay niya upang pigilan siya sa kaniyang pag- alis.Bahagyang may tono ng pagkainis ang boses nito nang pahintuin siya nito.“Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko.” galit na sabi nito sa kaniya. “Kapag nagsabi ka kay Lolo na gusto mo ng makipaghiwalay ay tatanungin niya talaga ang dahilan sigurado ako. Nung nagpakasal ka sakin, di ba sabi mo ay may napupusuan ka sa loob ng maraming taon? Ngayong pinalaya na kita ay hanapin mo na la
Bigla siyang napatitig sa gwapong mukha nito at pagkatapos ay napabulong sa kaniyang isip. ‘Walang iba kundi ikaw iyon Lucas. Sampung taon na kitang minamahal.’ Matinding kirot ang naramdaman ni Annie sa kaniyang puso ng mga oras na iyon. Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at sumagot ng mahinahon. “Hindi na mahalagang malaman mo pa kung sino siya dahil mayroon na siyang ibang mahal at balak na magpakasal muli.” …BAHAGYANG kumunot ang noo ni Lucas nang marinig niya ang sagot ni Annie. “Magpakasal muli? Nag- asawa na siya?” gulat na tanong niya sa naging sagot nito. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya mapapantayan ang lalaking iyon na may asawa na sa puso nito.Bahagya itong tumango. “Napilitan siya sa pagpapakasal sa babaeng pinakasalan niya dahil sa pamilya niya na pakasalan ang isang taong hindi naman niya mahal. Ngayon ay bumalik na ang babaeng totoong minahal nito at malapit na silang ikasal.” sagot nito.Nang marinig niya ang sinabi nito ay hindi niya maiw