Maangas na tumayo si Andy at hinarap si Cindy. Tiningnan niya ito ng masama, as in masamang-masama. Pagkatapos ay nakabukol ang dila sa pisngi niya na inilapit ang mukha niya sa tainga nito saka bumulong."If you ever hurt someone here on campus, ako ang makakalaban mo. Don't dare me, Cindy, if you don't want me to forget that you're a woman."Hindi makapaniwalang napasinghap si Cindy. "Really, Andy? Magpapakagago ka dahil lang sa pangit na iyon?"Malademonyong ngumisi na lang siya rito. Ang mga kaklase naman nila ang hinarap niya, pero wala siyang sinabi. Tiningnan niya lang din ang mga ito ng masama, lalo na si Patrick na kaibigan pa naman niya. Naiinis siya dahil pati ito ay nakikisali sa walang kuwentang bagay."Dude?" tawag sa kanya ni Patrick nang nagpasya siyang huwag na lang um-attend ng klase. Nakapamulsa siya na umalis. Walang lingon-lingon.Sa hallway ay nakasalubong niya ang prof nila pero parang wala siyang nakita. Nababanas na siya sa lahat ng tao sa school na iyon. Laha
Takang-taka si Andy pagpasok niya sa campus nang araw na iyon. Ang lahat kasi ay parang ilag sa kanya at kung makatingin ay parang mga diring-diri sa kanya.“What the hell is happening again?” sa loob-loob niya. Mailap ang mga mata niya habang naglalakad. Nakikiramdam siya.Sobrang halata kasi na ibang-iba na naman ngayon ang ikinikilos ng mga kapwa niya estudyante. Kung noon ay puros paghanga sa kanya ang nakikita niya sa mga ito, ngayon ay parang lahat pangungutya. 'Yung bang ang mga tingin sa kanya ay kay dumi niya ngayon, tapos nagbubulungan at nagtatawanan pa sila.He couldn't help but check himself. At masasabi niyang okay naman. Bagay naman sa kanya ang outfit niya ngayon; a simple white t-shirt and denim pants.Sigurado siyang bagay sa kanya ang ganoong getup dahil lagi naman ganoon kasimple ang porma niya. Simpleng rugged ika nga.Napapailing siyang tumingin sa mga nagbubulungan, pero sa tuwing titingin siya ay iniiwas naman ng mga ito ang tingin sa kanya.Takang-taka na tala
"Andy, bitawan mo ako," piksi ni Yolly sa binata nang dire-diretso siyang hilahin nito papuntang parking lot ng Sanchi College."No! You will come with me!" ngunit matigas na sabi ni Andy."Ayoko!" Pumiglas siya. Marahas niyang binawi ang kanyang kamay."What's your f*ckin' problem?!" Pero nagulat siya nang bulyawan siya ni Andy. Madilim na madilim ang mukha ng binata. Halatang pigil na pigil nito ang matinding inis.Natigilan siya. Awang ang mga labi niyang napatitig sa guwapong mukha nito. Ngayon lang niya nakita na gano'n kagalit kasi ang binata. Nakakatakot pala."Ako ang ama niyan? Talaga lang, ha?" parang nang-uuyam na sabi at mabilis na sulyap ang ginawa ni Andy sa tiyan niya.Napasinghap siya. Parang binuhusan siya ng pagkalamig-lamig na tubig. Sa sinabi at ginawa na iyon ni Andy ay parang gustong magdilim ng kanyang paningin. Nakakaliit ng pagkatao. Ano’ng akala nito? Gumagawa siya ng kuwento lamang? Kapal!"Sure ka ba? Ako talaga?" sabi pa nito.Tiningnan niya ito nang pagka
"Naka-drugs ka ba?!" singhal ni Yolly sa binata. Hindi pa rin niya kasi maintindihan. Hindi ito ang inaasahan niyang gagawin ni Andy. Ang inasahan niya ay magagalit ito sa kanya, kamumuhian siya, at pagtataguan siya. Ang kaso ay kabaliktaran lahat dahil ito pala mismo ang lalapit sa nanay niya raw. Parang gusto niyang maloka.Kung iisiping mabuti kasi ay isang kagaguhan ang nais ni Andy na mangyari. Gawain ba 'to ng matinong pag-iisip ng isang lalaki? Hindi, 'di ba? Kaya alam niya, sigurado siya, malamang nga ay naka-dr*gs ang binata ngayon. Tumira ito kanina kaya ang isip ay parang ewan."What are you talking about?" Mas naging masama ang tingin sa kanya ni Andy."Hindi kasi normal ang ikinikilos mo. Baka kako tumira ka ng bato?"Napasinghap ng hangin si Andy."Alam mo ibaba mo na lang ako riyan tapos umuwi ka na at iuntog mo ang ulo mo sa pader niyo nang matauhan ka, okay? Tapos kapag hindi ka na naka-dr*gs ay saka tayo mag-usap. Sige na ibaba mo ako diyan sa tabi! Dali!"Kaso ay pa
"Sa tingin mo babalik pa ‘yon?” tanong na naman ni Aling Yolanda kay Yolly. Kung bibilangin mula kanina pang umalis si Andy para kumuha raw ng gamit sa bahay nila ay siguro mga pang-bente na ‘yun na tanong ng ginang. Panay rin ang silip nito sa bintana at labas ng bahay para i-check kung dumating na ang binata.Tumirik lang ang mga mata ni Yolly. Kampante lang siya na nanonood ng TV. Wala siyang pakialam kung babalik pa si Andy o hindi. Sana nga ay hindi na, eh, dahil kawawa lang talaga ang taong iyon kapag papatali ito sa gaya niyang panget."Matino naman iyon na kausap, 'di ba? 'Di ba, 'Nak?""Huwag na kasi kayong umasa dahil malamang nasa airport na 'yon, ‘Nay. Tatakas na ‘yon. If I know baka kunwari lang niya na pananagutan niya ako pero ang totoo ay tactic niya lang iyon para makatakas. Kung hindi naman, siguro habang nagda-drive siya pauwi, eh, nauntog kaya natauhan na.”Biglang batok sa anak si Aling Yolanda. "Ikaw, hindi ko alam kung nag-aral ka ba sa school niyo o natulog ka
Naalimpungatan si Yolly mula sa mababaw pa niyang pagkakatulog dahil sa mga boses na naririnig niya. Boses ng kanyang ina at isang hindi niya kilalang boses ng babae. At parang nag-aaway ang dalawa."Imposible na mabuntis ng anak ko ang anak mo! Alam ko na ang mga bagay na ganyan! If I know sinasabi niyo lang na ang anak ko ang nakabuntis sa anak mo pero ang totoo ay ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya! Ang tawag 'don ay pamimikot!" malakas na boses ng babae. Pasigaw at halatang galit na galit."Ang kapal naman ng mukha mong sabihan 'yan sa anak ko! Ang sabihin mo ay g*go 'yang anak mo! Kung ayaw niyang panagutan ang anak ko! Dapat ay hindi niya ginalaw ang anak ko!" malakas na boses din ng kanyang nanay.Sa pagkakataong iyon ay kinabahan na si Yolly. Bumalikwas siya nang bangon. Agad isinuot ang salamin niya at dumadagundong ang puso niya sa matinding kaba na lumabas sa kanyang silid. Doon ay nakita niyang tama nga ang naisip niya. Para siyang naparalisa sa kanyang nakita.Ang nanay
"Umupo ka r’yan." Itinuro ni Yolly sa isang upuan sa kanilang kusina."Ano’ng gagawin mo?" nagtatakang tanong sa kanya ni Andy dahil hinila na lang niya ito basta-basta."Basta umupo ka."Alanganin man ay umupo na nga si Andy. Hawak-hawak pa rin nito ang pisnging nasampal.Pigil na pigil naman ni Yolly ang tawa. Nakakatawa talaga ang hitsura ni Andy. Para itong binugbog gayong nasampal lang naman."Subukan mong tumawa," banta sa kanya ng napapahiyang binata."Huwag ka ngang OA. Parang hindi ka lalaki, eh.""Eh, sa masakit nga. Ikaw kaya ang masampal nang ganoong kalutong? Nabingi pa nga yata ako.""Oo na. Kaya nga gagamutin natin para hindi mamaga." Kumuha na siya ng tube ice sa ref nang talikuran niya ito tapos ay isang face towel. Ibinalot niya roon ang mga yelo. "Bitawan mo na nga 'yan. Paano ko magagamot kung nandiyan 'yang kamay mo?"Dahan-dahan namang inalis ni Andy ang kamay nito sa pisngi. Kaso ay napabulanghit siya ng tawa nang makita niya ang namumulang pisngi ng binata. Kul
Medyo nanibago si Andy sa kuwarto na namulatan niya pagkagising niya kinaumagahan. Naroon kasi siya sa simpleng silid at pambabae pa kaya bahagya siyang napangiwi. Buti na lang at naisip niya agad na nandoon nga pala siya sa silid ni Yolly, dahil kung hindi, ay baka naghestirikal na siya sa kaisipang baka kung saang silid ng babae na naman siya nakatulog.Napangiti na siya at nag-inat. What a beautiful morning. Walang nag-aaway na ang aga-aga na Mommy at Daddy niya.Babangon na dapat siya, pero dahil nabalingan niya ng tingin si Yolly na tulog sa may sahig, ay hindi niya itinuloy. Natatawa siyang balik-higa patagilid at ginawang unan ang kanyang mga kamay. Pinagmasdan muna ang dalaga. Natatawa rin siya sa ginawa niya rito kagabi.Hanggang sa sumeryoso siya. Napansin na naman kasi niya ang nakatagong ganda ni Yolly. Wala ang salaming malaki ngayon nito kaya kita na naman niya ang simpleng ganda ng dalaga. Tingin niya konting ayos lang dito ay magiging mas maganda ito.Kumilos si Yolly