Share

CHAPTER 32

"Sa tingin mo babalik pa ‘yon?” tanong na naman ni Aling Yolanda kay Yolly. Kung bibilangin mula kanina pang umalis si Andy para kumuha raw ng gamit sa bahay nila ay siguro mga pang-bente na ‘yun na tanong ng ginang. Panay rin ang silip nito sa bintana at labas ng bahay para i-check kung dumating na ang binata.

Tumirik lang ang mga mata ni Yolly. Kampante lang siya na nanonood ng TV. Wala siyang pakialam kung babalik pa si Andy o hindi. Sana nga ay hindi na, eh, dahil kawawa lang talaga ang taong iyon kapag papatali ito sa gaya niyang panget.

"Matino naman iyon na kausap, 'di ba? 'Di ba, 'Nak?"

"Huwag na kasi kayong umasa dahil malamang nasa airport na 'yon, ‘Nay. Tatakas na ‘yon. If I know baka kunwari lang niya na pananagutan niya ako pero ang totoo ay tactic niya lang iyon para makatakas. Kung hindi naman, siguro habang nagda-drive siya pauwi, eh, nauntog kaya natauhan na.”

Biglang batok sa anak si Aling Yolanda. "Ikaw, hindi ko alam kung nag-aral ka ba sa school niyo o natulog ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status