Share

CHAPTER 38

"Ano’ng tinitingin mo?" nakairap na tanong ni Yolly kay Andy. Paano'y kung makatingin kasi ang binata sa kanya ay wagas. Pababa at pataas pa kaya nainis siya ulit dito.

"Wala. Hinuhulaan ko lang kung 'yung red na undies ba ang isinuot mo o iba. Meron ka palang gano'n, ha? Savage," pang-aasar na nga ni Andy sa kanya.

"Tse!" naniningkit ang mga matang angil niya rito. Pero deep inside ay nahihiya pa rin siya talaga. Kainis naman kasi ang p*nty na iyon, epal! Grrr!

"Hahaha!" Ang lutong na naman ng naging tawa ni Andy.

Uupakan na sana niya ito. Ang lakas mang-asar, eh, pero biglang lumabas na kasi ang nanay niya.

"Mga anak, ito na ang baon niyo." Dala ni Aling Yolanda ang mga baunan nila na nakalagay sa paper bag.

"'Nay, hindi ka na dapat nag-abala," sabi ni Andy sabay kuha sa paper bag.

"Naku, lagi ko 'yang ginagawa kay Yolly. Para makatipid," sabi rin ni Aling Yolanda.

Seryoso ang mukhang napatingin si Andy kay Yolly. Kaya pala hindi niya madalas nakikita si Yolly sa school canteen o sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status