Share

CHAPTER 37

Sa pangalawang araw, sa kanyang paggising ay hindi na nanibago si Andy sa bahay na kinaroroonan. Kaya lang ay napakunot-noo pa rin siya dahil nagtaka siya bakit wala na si Yolly sa higaan nitong sahig.

Napabalikwas siya ng bangon.

"Maliligo na ako, 'Nay." Pero nang narinig niya ang boses ni Yolly na iyon ay napanatag din ang loob niya.

"Hindi mo pa ba gigisingin ang asawa mo?"

"'Nay, naman hindi ko po siya asawa."

"Gano'n na rin 'yon. Doon din naman ang bagsak niyo, eh. Heto nga't kasama na natin siya rito sa bahay."

"Ay naku, 'Nay. Huwag ka masyadong umasa. Maligo na ako. Maaga pa naman. Mamaya na natin siya gisingin."

Hindi namalayan ni Andy na napangiti siya sa usapang iyon ng mag-ina. Balik ulit siya sa higa. Kinikilig na nayakap niya ang unan.

This is a home he wants to live in, simple but filled with happiness. Walang nag-aaway. Hindi katulad sa bahay nila, malaki nga pero paggising niya naman sa umaga ay pag-aaway ng mommy at daddy niya ang lagi na lang maririnig. Mabuti na lan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status