Share

CHAPTER 34

"Umupo ka r’yan." Itinuro ni Yolly sa isang upuan sa kanilang kusina.

"Ano’ng gagawin mo?" nagtatakang tanong sa kanya ni Andy dahil hinila na lang niya ito basta-basta.

"Basta umupo ka."

Alanganin man ay umupo na nga si Andy. Hawak-hawak pa rin nito ang pisnging nasampal.

Pigil na pigil naman ni Yolly ang tawa. Nakakatawa talaga ang hitsura ni Andy. Para itong binugbog gayong nasampal lang naman.

"Subukan mong tumawa," banta sa kanya ng napapahiyang binata.

"Huwag ka ngang OA. Parang hindi ka lalaki, eh."

"Eh, sa masakit nga. Ikaw kaya ang masampal nang ganoong kalutong? Nabingi pa nga yata ako."

"Oo na. Kaya nga gagamutin natin para hindi mamaga." Kumuha na siya ng tube ice sa ref nang talikuran niya ito tapos ay isang face towel. Ibinalot niya roon ang mga yelo. "Bitawan mo na nga 'yan. Paano ko magagamot kung nandiyan 'yang kamay mo?"

Dahan-dahan namang inalis ni Andy ang kamay nito sa pisngi. Kaso ay napabulanghit siya ng tawa nang makita niya ang namumulang pisngi ng binata. Kul
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status