"Yolly, ano ba 'tong ginagawa mo?! Hindi ka ba nag-iisip?!" Pinagalitan agad siya ni Madam Angie nang makapasok sila sa pinaka-office nito sa Jewelry Shop.Nahihiyang napayuko ng kanyang ulo si Yolly."Sit down at mag-usap tayo," anang pa ng mayamang ginang na halatang disappointed sa gusto niyang mangyari.Umupo naman siya. Gayundin si Madam Angie. Magkaharap silang dalawa. Ngunit hindi siya makatingin ng diretso sa mabait na Madam."Yolly, huwag mong ibabalik 'yan kahit na ano’ng mangyari," sabi pa ng Madam sa madiin na boses.Nag-angat siya ng kanyang ulo. "Tita, wala naman na po 'yang halaga na kasi—""No. Don't say that dahil gagawin ko ang lahat magkabati lang kayo ng anak ko. Alam mo naman na mahalaga ka na sa 'kin, Yolly. Ikaw lang ang gusto kong makatuluyan ng aking anak."SI ANDY, PAAKYAT NA NG ESCALATOR NG MALL.Sobrang na-touch si Yolly sa sinabing iyon ni Madam Angie. Subalit, lalo lamang siyang nasasaktan."Please, Yolly, keep that ring. Hangga't hindi pa 'yan kinukuha n
Nanlilisik ang mga mata ni Andy na palipat-lipat ang tingin kina Madam Angie at sa hindi niya kilalang babae. Hindi naman mga ito makatingin sa kanya ng diretso.Nakikilala niya ang singsing na dinampot at ngayon ay hawak na niya. Kay Yolly ang singsing dahil iyon ang ibinigay niyang singsing noon sa dalaga. Pero bakit nandito?Naningkit pa ang mga mata niya. Ah, alam na niya.His gaze halted on the woman who was with his mom. Napansin niya agad na maganda ang babae kahit simple lang. But she doesn't care about her. At ang naisip niya, siguro ay inutusan ito ni Yolly na ibalik ang singsing dito sa jewelry shop."Where is she?" he asked the woman with a flat tone.Napamata sa kanya ang babae. Hindi ito sumagot bagkus ay parang nagtaka ito sa tanong niyang iyon."I said, where is Yolly? Bakit hindi siya ang magbalik sa 'kin nito? Nawala na ba ang kakapalan niya ng mukha? O wala siyang lakas loob na magpakita sa 'kin dahil guilty siya?"Napamaang sina Madam Angie at Yolly na nagkatingina
Hindi agad nakakilos si Andy. Natulala siya at napahawak ng mahigpit sa manibela. Pero noong madami na ang taong umusyoso ay mabilis na siyang lumabas ng kotse."Hala, kawawa naman!" narinig niya agad na bulungan ng mga tao."Tumawag kayo ng ambulansya! Daliiiii!" sabi naman ng iba.Napapikit si Andy nang makita na niya ang hitsura ni Yolly. Nakahandusay ito sa harap ng kotse niya at walang malay. However, he didn't feel pity; instead, he became even more annoyed with Yolly."Hoy! Wala ka kasing awa!" singhal sa kanya ng isang babae. Ito ang nakakita na nakikiusap kaninang si Yolly na pagbuksan siya ng kotse.Napangiwi at napasinghap siya sa hangin. So, kasalanan pa ba niya iyon?! Kasalanan ba niya kung tanga ang babaeng 'to?! Kung masunurin pala at nagpakamatay talaga?! F*ck!"Naku po! Parang hindi na humihinga!" naalarmang sabi ng isang lalaki.“Kapag siya namatay, isusumbong kita!” babala pa ng saksing babae sa kanya.Doon na siya hindi nakatiis. Nilapitan niya si Yolly at parang w
Kumurap-kurap si Yolly. Nagigising na siya. At bahagya siyang nasilaw sa puting kisame ng silid na kinaroroonan niya kaya napapikit din siya uli."Yolly, ‘Nak? Kumusta ang pakiramdam mo?" boses ng kanyang Nanay."Wake up na, iha. Sige na," malumanay na boses din ni Madam Angie."Doc! Doc! Nagigising na ang anak ko!" Narinig niya pang tawag ng Nanay niya ng doktor.Dahil doon ay napagtanto niyang nasa isang silid siya ng ospital. Naalala na niya ang nangyari na pagpapabangga niya sa kotse ni Andy, huwag lang umalis ang binata at makapag-usap sila. Kaya lang ay napuruhan siguro siya kaya naroon siya ngayon sa ospital.Nagmulat na siya ng mga mata. Naroon nga ang Nanay niya at si Madam Angie. Kapwa sila nakangiti sa kanya. Ngumiti rin siya sa mga ito. Wala naman siyang nararamdaman na masakit sa katawan niya, eh. Parang nanghihina lang siya."Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ng Nanay niya habang hawak nito ang isang kamay niya."Okay lang ako, 'Nay," mahinang sagot niya na may
"Tita, magsisinungaling ulit ako? Ayoko na po, Tita," protesta ni Yolly kay Madam Angie. Pinagpipilitan pa rin kasi ng mayamang ginang ang idea nitong magpanggap siyang napuruhan para sa bahay nila muna siya titira."Oo nga, balae. Saka kahit naman papalabasin natin na napuruhan si Yolly sa aksidente, eh, nandito naman ako na mag-aalaga. Hindi pa rin makatotohanan. Baka lalong magalit lang si Andy sa kanya," segunda ni Aling Yolanda sa sinabi niya. Hindi rin pabor ang nanay niya sa idea na iyon."Pero paano sila magkakabati kung magkalayo sila, balae?" namoblemang saad ng madam.Nagkatinginan sina Aling Yolanda at Yolly. Nata-touch sila sa ginagawang effort ni Madam Angie. Hindi nga sila makapaniwala dahil sino ba naman sila para pag-aksayahan ng panahon ng madam, na kung tutuusin ay mas may mga karapat-dapat nga itong maging balae at manugang na mayaman din tulad din nito.Nang bigla ay napapitik sa ere si Madam Angie. "Alam ko na. Palabasin natin na nasunog ang bahay niyo at wala ka
"Patrick, wait..." Pinapahinto ni Cindy ang mabagal pang pag-andar ng kotse ni Patrick paalis sa bahay nina Andy."Why?""Look, it's Tita Angie." Itinuro ni Cindy sa bumabang madam sa kotse. Kita nila ang pagbaba rin ng isang babae na maganda, na kasing edad din yata nila. Tapos ay may binaba silang wheelchair, saka umupo roon ang magandang babae."Kilala mo siya?" tanong ni Karen kay Cindy.Umiling si Cindy na hindi inaalis ang tingin kina Madam Angie. "No.""Who's she? Ngayon ko lang din siya nakita, eh," saad naman ni Patrick. "Baka ipapakilala ni Tita Angie kay Andy kasi wala na sina Yolly at Andy.""Shut your f*cking mouth up!" pagtataray rito ni Cindy. "Hindi pwedeng magreto ng iba si Tita Angie kay Andy! Andy is mine!"Natigil sa pag-uusap ang tatlo nang makapasok na sa loob ng bahay sina Madam Angie at ng babaeng hindi nila kilala."Aisst, tara na nga. Bumalik na lang tayo next time 'pag okay na si Andy." At pinaharurot na nga ni Patrick ang kotse nito kahit na umangal si Cind
Marahas na tinanggal ni Andy ang kanyang malaking headphone at hinayaan lang iyon na nakasabit sa leeg niya. Sinubukan niyang abalain ang sarili sa panonood ng mga movie at sa pagsa-sound trip, kaso nakaka-badtrip lang dahil naiisip pa rin niya si Yolly kahit ano’ng gawin niya.Pero hindi dahil sa kung anuman. Just to clarify, he was just wondering if Yolly has already left their house. He still doesn't care about that woman. Even if she starves to death or whatever.Pero paano kung totoong wala itong kasama sa bahay nila? Na umalis nga ang nanay nito? Paano kakain si Yolly? Paano iyon kikilos kung naka-wheelchair? Pangungunsensya pati ng konsensya niya."Come on, Andy! Huwag ka nga papadala sa konsensiya mo!" saway niya sa sarili saka padabog na tumayo sa couch at pabalibag na ibinato ang remote sa kama niya nang mapatay niya ang flat screen TV.Kusang lalabas na sana siya ng silid, pero nag-alangan siya. Hawak na niya ang doorknob, ngunit binitawan niya rin ito at naglabas ng malali
"What the—" Kulang na lang ay mapamura si Andy sa isa pang request ng mommy niya. Akala niya ay tapos na ang pangungulit sa kanya ng mga ito, pero may mas malalala pa pala silang gusto nilang gawin niya ngayon."Sige na, Son. May mahalaga kasi akong meeting ngayon. Kailangan kong dumalo ro'n para sa mga negosyo natin."Paano ay siya pa ang inuutusan ng mommy niya na sumundo kay Yolly. What the f*ck!"At bakit ako?!" Nanlisik na talaga ang mga mata niya. He can't believe this! Is his mother playing a joke on him?"Dahil wala ngang puwedeng sumundo sa kanya. Please understand that Yolly needs you right now, Son. Sige na, ha?" sumamo pa rin ni Madam Angie.Napasinghap siya sa hangin, pagkuwa'y napatingin siya kay Yaya Chadeng niya."Ay, Diyos ko! Nirarayuma na naman yata ako!" Kaya lang ay bigla na parang may sumakit sa balakang ng matanda.Hindi na mailarawan ang naging reaksyon ni Andy. Napatiim-bagang na talaga siya. Grabe sila, ha! Asan ang hustisya?! Siya ang bida rito, ‘di ba?! Per