Mabigat ang damdaming nag-impake ng mga damit at gamit niya si Amanda. Hindi niya nais na dumating ang sandaling si Senyor Gaspar pa mismo ang magpaalis sa kanya, na iniisip niyang posibleng mangyari kung may iba ng napupusuan ang kanyang asawa.
“Sa hitsura ng pustura niya kanina at sa saya ng expression ng mukha niya, ay hindi malayo na napalitan na nga niya agad ako.”
Pakiramdam niya’y pinalo ng maso ang kanyang puso. Durog. At pakiwari niya’y hindi na ito mapagkakabit-kabit pa. Walang ano mang uri ng glue o pandikit ang makapagbubuong muli ng nagka-piraso niyang puso.
“Hi, Ma!”
Napalingon si Amanda sa pintuan ng silid na kanyang kinaroroonan.
“Victor!”
Patakbong niyakap niya ang anak. Hindi niya napigil ang maiyak.
“Sus, ang mama ko,” wika ni Victor, “akala mo naman kay tagal naming hindi nagkita. “
Sa pakiramdam n
Halos hindi makahinga si Nadine. Nararamdaman niya ang galit na nasa mga mata ng babaing kanyang kaharap. Gusto niyang itago ang takot na kanyang nararamdaman, ngunit lantad na lantad iyion sa panginginig ng kanyang mga kamay.Pinagmamasdan ni Amanda ang mukha ng babaing kaharap. May pitik ng awa siyang naramdaman sa puso, sa nakitang malaking peklat na nakaalsa sa mukha nito. Kinilabutan nang maglaro sa kanyang isip ang hitsura nito sa pagpasok sa bahay na nagliliyab upang iligtas ang kanyang anak. Waring naramdaman niya ang init ng apoy na sumasalab sa mukha nito habang pinapasok ang nag-aapoy na bahay.“Ikaw si Nadine?” Tanong niya sa tinitingnan.“Yes po.” Sagot nito.“Kilala mo ‘ko?”“Kayo po si Amanda Madrid na nagpakasal kay Senyor Gaspar Sandoval, ina ni Victor Madrid.”Sarcastic ang ngiting naglaro sa mga sulok ng bibig ni Amanda.
Hindi magkamayaw sa pagkukuwentuhan ang magkaibigang Ella and Sophie. Pareho excited na halos nagkakasabay sa pagsasalita at pagbabalita ng mga nagaganap sa kani-kanilang mga buhay.“Teka muna,” pagpigil ni Ella sa kanilang magulong pag-uusap, “may wedding planner ka na ba? Wedding coordinator? Mga bridesmaid?”“Kumpleto na lahat, Maliban sa isa,” tugon ni Sophie, “wala pa akong maid of honor.”“Hindi na ako puwedeng maid of honor,” pagbibigay alam agad ni Ella, “may asawa na ako.”“E, di matron of honor!”Nagtawa si Ella.“I’ll be very honored to be your matron of honor, Sophie,“ pahayag niya, “pero gusto ko naka-high heels ako kung magme-matron of honor ako, para maganda ang butt ko kapag naglalakad na ako palapit sa altar.”“Ano’ng problema ‘don? ‘Di mag-high heels ka.
Halos guhit na lang ang pagitan nila ng sasakyang muntik na niyang nakabanggaan, kung hindi sila kapwa nakapagpreno ng driver ng sasakyang muntik ng makasalpukan ng minamaneho niyang van.Nayanig, ngunit nasa isip pa rin ang anak na nasa bar at walang ulirat dahil sa labis na kalasingan.“Kailangang mapuntahan ko agad si Victor.” Ang nasa isip niya.Kinatatakutan niya ang masasamang loob na baka gawing “katuwaan” ang kanyang anak. Ganoon din, inaalala niya ang mga tinatawag na scalawag na mga pulis, baka “taniman” ng mga ito ng bawal na gamot ang anak niya ay mag-imbento ng kung anu-anong kaso para “mapagkakitaan” silaMaraming nakababahalang isipin ang nagsusumiksik sa utak niya.Kailangan niyang magmadali!Hindi niya inalintana ang driver ng sasakyang muntik na niyang makabangga, kahit nakita niyang bumaba ito ng sasakyan.Mabilis niyang ik
Nananaginip siya. At sa kanyang panaginip ay nakikita niya ang sariling nakasuot ng magandang wedding gown. Puno ng paghangang tinitingnan siya ng lahat ng naroon. Parang sasabog na ang kanyang puso dahil sa labis na kaligayahang kanyang nadarama. Magkakaroon na rin ng katuparan ang pangarap nyang makasal kay Victor. Magkakaroon na rin siya ng pinakapapangarap niyang sariling pamilya.Nagsimula siyang maglakad sa aisle, papunta sa harapan ng altar. Nakita niyang naghihintay si Victor na sa harapan ng altar. Nakangiti ito. Nasa kislap ng mga nito ang labis na kaligayahang hindi mailalarawan.Umaapaw rin ang kaligayahang kanyang nadarama. Napakurap siya nang maramdaman ang luhang umaalpas sa kanyang mga mata.Ngunit sa kanyang pagdilat ay wala ng tao sa kanyang paligid. Pilit na hinagilap ng kanyang tingin si Victor.Wala ang lalaking kanyang pakakasalan!Sinalakay ng walang pangalang takot ang kanyang damdamin. Natatarant
Tumindig si Victor, matapos pagbigyan si Moira, ang dati niyang karelasyon na nang-blackmail sa kanya.."Hindi ka pa rin kumukupas,” pahayag ni Moira, “ikaw pa rin ang dating ikaw. Hot but gentle. Para kang bulkang Mayon kapag pumuputok, napakainit,” ngumiti ang babaing nanatili sa kama, “napakagandang pagmasdan subalit may takot na mararamdaman ang sino man na madadarang. You’re one of a kind. Ibang klase ka!”“Talagang dapat kang matakot,” saad ni Victor, “dahil kapag nilapitan mo si Sophie at hindi ka tumupad sa usapan nating isasara mo ‘yang bunganga mo at hindi mo ibubulgar ang sikreto ko…”Nagpatuloy siya sa pagbibihis, na hindi tinapos ang sinasabi.“Ano’ng mangyayari?” Tanong ni Moira sa tonong naghahamon.May talim sa mga mata at pagbabantang tiningnan ni Victor ang babae, “kaya kong pagbayaran sa bilangguan ang kama
Hindi mapakali si Victor.KRIIIIINNG…KRIIIIINNGG…Paulit-ulit niyang tinatawagan si Sophie, ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.KRIINNGGG…KRIINNGGG…“Pick up, Sophie… pick up!”Nag-aalala siya kay Sophie. Ibig niyang matiyak na nasa ayos itong kalagayan at hindi nalalagay sa ano mang uri ng kapahamakan.“Nasaan ka ba, Sophie? Bakit hindi mo sinasagot ang iyong phone.”Bigla ay nakadama siya ng takot.“Baka kinausap siya ni Moira, ah,” naisip niya, “baka nalaman na niya ang totoo at gusto na niyang layuan ako.”Muli niyang idinayal ang numero ng cellphone ni Sophie. Paulit-ulit.…….Naririnig, ngunit hindi pinapansin ni Sophie ang pag-iingay ng kanyang telepono. Hindi siya interesadong makipag-usap kanino man, higit at lalo kay Victor. Ang nais niya ay mapag-isa. Hanapin at
Dala ang tray ng pagkain, marahang kinatok ni Gener ang pintuan ng silid tulugan ni Sophie. Halos maghapon nang nakakulong sa silid tulugan nito ang kanyang anak, at ang mag-alala’y hindi na niya maiwasan.“Sophie, anak,” pagtawag niya, “may dala akong pananghalian mo,“ pagbibigay alam niya, “hindi ka nag-almusal kaninang umaga, baka kung mapaano ka na kung hindi ka pa manananghali.”Walang sagot. Wala ring nagbubukas ng pintuan.“Pagbuksan mo si papa, anak,” pakiusap na ng ama, “nangangawit na ang kamay ko sa pagbuhat nitong tray ng pagkain mo.”Narinig niya ang mahihinang yabag na papalapit sa pintuan, na nabuksan, makaraan ang ilang sandali.“Hindi na sana kayo nag-abala sa paghahanda ng pagkain ko, Papa,” saad ng anak, “hindi naman ako nagugutom, e.”“Ano bang hindi nagugutom ang sinasabi mo, e, kaninang umaga ka pa
Pakiramdam ni Victor ay masisiraan na siya ng bait. Lahat ng paraan ay ginawa na niya upang makausap si Sophie. Ngunit pinanatili nito ang invisible na pader, na inilagay nito sa pagitan nila.Matigas ang loob ng kanyang kasintahan. Nakipag-break na ito sa kanya, sa pamamagitan ng text, bagay na hindi niya matanggap.“Pag-usapan natin ito, Sophie. Ilang araw na lamang ay ikakasal na tayo.” Sagot niya sa text ng pakikipagkalas ng babae sa kanya.KRRIIINNNNGGGG…Hindi na niya tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag, agad na sinagot ni Victor ang kanyang phone.“Babe, thanks at tumawag ka rin sa wakas!”“Victor, tulungan mo ako!” ang sabi agad ng tumawag sa kanya, “patung-patong na demanda ang inihain ni Ella at ng mga kaibigan niya sa korte laban sa akin. ‘Yong simpleng trespassing ay dinagdagan ng robbery, pagbabasag ng mga gamit at naglagay daw ako ng drug