Share

CHAPTER 105 : TO HAVE LOVED AND LOST

Halos hindi makahinga si Nadine. Nararamdaman niya ang galit na nasa mga mata ng babaing kanyang kaharap. Gusto niyang itago ang takot na kanyang nararamdaman, ngunit lantad na lantad iyion sa panginginig ng kanyang mga kamay.

Pinagmamasdan ni Amanda ang mukha ng babaing kaharap. May pitik ng awa siyang naramdaman sa puso, sa nakitang malaking peklat na nakaalsa sa mukha nito. Kinilabutan nang maglaro sa kanyang isip ang hitsura nito sa pagpasok sa bahay na nagliliyab upang iligtas ang kanyang anak. Waring naramdaman niya ang init ng apoy na sumasalab sa mukha nito habang pinapasok ang nag-aapoy na bahay.

“Ikaw si Nadine?” Tanong niya sa tinitingnan.

“Yes po.” Sagot nito.

“Kilala mo ‘ko?”

“Kayo po si Amanda Madrid na nagpakasal kay Senyor Gaspar Sandoval, ina ni Victor Madrid.”

Sarcastic ang ngiting naglaro sa mga sulok ng bibig ni Amanda. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status