Naghahatid nang hindi masusukat na kaligayahan sa puso ni Ella ang mga naririnig niyang sinasabi ni Tony. Mga salita ng pag-ibig na may pangako ng magandang bukas.
Subalit mas gusto niyang huwag paniwalaan ang mga pangakong iyon. Mas magiging madali ang lahat para sa kanya kung susundin niya ang idinidikta ng kanyang utak.
Subalit paano ba pipigilin ang nag-iingay, nagwawalang puso?
“Magsimula tayong muli, Ella.”
Humugot nang malalim na paghinga si Ella bago nagsalita. Puno ng pait at hinanakit ang bawat pangungusap na kanyang binitiwan.
“Saan tayo magsisimula? Sa paghahanap kay Sophie para pakasalan ka? At pagkatapos ay saan mo ako ilalagay? Sa pagiging kabit?”
“Ipapa-annul ko ang kasal namin ni Sophie, pagkatapos kong makapaghiganti sa kanya!”
“At pagkatapos?”
Magpapakasal tayo!”
Mapait ang mahinang pagtawang lumabas sa bibig ni Ell
“Ano’ng babalik sa Mindoro ang pinagsasasabi mo? Hindi pa naman tayo umaalis ng Mindoro, ah! Nandito pa tayo sa Puerto Galera and Puerto Galera is still a town of Oriental Mindoro, hindi pa naililipat,” pang-aasar ni Victor sa nurse, “wala pala ang babaing ito, e. Naturingan pa namang summa cum laude daw, bobo naman sa Philippine geography.” Dagdag pang pang-iinis.Natataranta na si Sophie. Katarantahang kumakain sa katinuan ng kanyang isip.“I mean sa Palawan. Nandito sa Puerto Galera si Tony Sandoval, meaning, wala siya sa Palawan. Kung wala siya sa Palawan, bumalik na tayo ng Palawan, para hindi tayo makita ni Tony dito sa Mindoro, o kaya itong Mindoro ang ilipat natin sa Palawan.”Nagtawa si Victor.“Grabe, may pagka mali-mali pala itong babaing ito. Hoy,ano ka ba? Timang ka na ba?”“Natatakot ako!” Biglang sigaw ni Sophie.“Akala ko ba ma
Dumating na ang almusal na inorder ni Tony sa Customer service nang magising si Senyor Gaspar.“Nasaan si Sophie?” Ang agad na tanong nito sa anak.“Hindi ko siya inabutan sa Puerto Galera,” sagot ni Tony bago humigop ng kape, “pero alam ko na kung saan siya nakatira.”“Ha? Saan?”“Sa bahay ni Amanda Madrid.”Hindi mapaniwalaan ni Senyor Gaspar ang narinig.“Boyfriend pala ng magaling na babaing ‘yon ang anak ni Amanda na si Victor Madrid.” pagbibigay impormasyon ng anak sa ama, “at ang lalaking ‘yon daw ang dahilan kung bakit tinakasan ni Sophie ang kasal namin.”“Sino’ng nagbigay sa iyo ng mga impormasyong ‘yan?”“Yong Best friend niya, na ngayon ay kaaway na n’ya.”Nag-iisip na kinuha ng senyor ang puswelong may umuusok, mainit na kape.&ldqu
Ang malaki, naka-frame sa kulay gintong kuwadro na wedding photo ni Amanda at Byron, sa sala ng mga Madrid, ang unang napansin ni Senyor Gaspar nang patuluyin siya ni Amanda sa tahanan nito. Ito ang aksesoryang pina-focal point sa tanggapan ng bisita.Ngumisi ang Senyor. “Nakakapangit sa ganda ng bahay mo ang larawang ‘yan,” komento niya, na itinuro ang wedding picture, “classy ang dating ng iyong tirahan, pero dinikorasyonan mo ng larawan mo na may kasama kang buwaya,” isang nakakainsultong pagtawa ang lumabas sa bibig, bago nagpatuloy, “Napakaganda mo, pero ang sama ng dating ng lalaking kasama mo. Ano ba ang nakita mo sa lalaking ‘yan at pinakisamahan mo?”Taas noong hinarap ni Amanda ang umiinsulto ka Byron.“Pinapasok ko kayo sa bahay ko, Senyor Gaspar bilang pagmamagandang loob. Pero hindi tiket ang pagpapatuloy ko sa inyo para pati na an
Walang pakialam si Maxwell sa pinapahintulutang speed limit sa South Luzon Expressway. Inarangkada niya ang sportscar na minamaneho. Nasa one hundred twenty kilometer per hour na ang takbo ng kotse.Galing sila ni Donya Cory sa isang bar at nag-inuman, nang masumpungan ng donya na yayain ang kasama sa binili niyang bahay sa Laguna. Walang alam ang kanyang asawa tungkol sa property na ‘yon, na tinawag niyang paraiso nila, ng family driver nilang si Maxwell.Malakas ang kanilang pagtatawanan. Malakas din ang tugtog sa loob ng sasakyan.Nagdiriwang sila. Ipinagdiriwang ang inaakalang magiging panalo ng inihaing kaso ng donya laban sa asawa na salang frustrated murder.“Wala na siyang lulusutan pa!” Sigaw ng donya, na pinilit ipinaiibabaw ang kanyang boses sa sa lakas ng tugtog na pinakikinggan ni Maxwell.“Sa kalaboso ang bagsak niya, “ pahayag naman ng tsuper, “tiyak na reclusion p
Kakatok na sana si Ella sa pinto ng hotel room ni Victor nang makita niya ito na nagmamadaling papalapit sa kanya.“Mukhang hindi ka agad nakatakas sa iyong future ex-girlfriend.” Pagbibiro niya nang malapit na ito sa kanya.“FYI hindi totoong girlfriend ko si Nurse Sophie Samonte.”“Oww?”Binuksan ng lalake ang pintuan. Pumasok si Ella, una kay Victor at walang pangiming naupo sa kama.Matapos isara ang pinto, hinatak ni Victor ang silya na para sa dresser, at doon naupo, nang nakaharap sa nakaupo sa kama.Napangiti si Ella. Nasiyahan dahil wala naman talaga siyang balak akitin ang inakala niyang karelasyon ng dating kaibigan. Ibig lang niyang saktan ang damdamin ni Sophie, at sa ganoon ding pagkakataon ay nais niyang kumuha ng impormasyon tungkol sa mga ginagawa at pinupuntahan ng dalawa.“Ano mo si Sophie, kung hindi mo siya girlfriend?” Pagsisimula n
Nataranta ang mag-asawang Jose at Denang nang biglang dumating si Victor at Sophie.“Bakit biglang sumulpot dito ang dalawang ‘yan, “tanong ni Denang, “grabe! Hayahay na ang buhay ko, e…”“Salubungin mo na’t kunin mo ang mga dala nila.” Utos ni Jose sa asawa.Takbo si Denang pasalubong sa dalawa, at kinuha ang mga backpack na dala ng mga ito.“Hindi ka uuwi ng Maynila,” narinig niyang sigaw ni Victor, hindi ako papayag!”“Wala kang karapatang pigilan ako.” Angil ni Sophie.Naiwang nakatunganga sa likuran ng dalawang nagsasagutan si Denang, habang ang mga ito ay nagmamadali, waring nag-uunahang makapasok sa loob ng bahay.“Nag-aaway sila, Jose.” Sabi ni Denang kay Jose nang madaanan niya ito.“Huwag kang makialam. Hayaan mo sila.” Bilin ni Jose sa asawa.Sumunod si Denang sa dalawa
Ang gusto lang ni Amanda ay matiyak na hindi mapapahamak ang kanyang anak. Hindi niya nais na mapahamak si Sophie. At lalong hindi siya kumakampi sa mga Sandoval.“Naging unfair nga siguro si Nurse Sophie sa kanila, naging makasarili at lahat-lahat na. Pero hindi ko pa rin sisisihing ganap si Nurse Sophie sa pagtakas na ginawa niya, dahil ang talagang dapat sisihin ay ang mga magulang niya. Sila ang makasarili na hindi inisip na may sariling isip at damdamin ang nag-iisang anak nila.”Sumila't sapul nang unang makilala niya ang nurse ay nakagaanan na niya ng loob ito. Naging malapit sila sa isa't isa, tulad ng pagkakalapit ng loob ng isang ina sa kanyang anak.“Pumirma ako sa dokumentong pinapirmahan sa akin ng parents ko, nang hindi ko na tiningnan man lang kung ano o para saan ‘yon, na nang lumaon ay natuklasan kong marriage license pala.”Natatandaan niyang kuwento ni Nurse Sophie Samonte.
Walang maipakitang ID sa Transportation Security Administration (TSA) si Sophie. Paulit-ulit niyang hinanap ang kanyang mga ID. Nahugot na niya ang lahat ng nga nakaipit na papel sa kanyang wallet, ngunit pa hindi pa rin niya makita ‘yon. Makailang ulit na rin niyang kinalkal ang lahat ng laman ng kanyang backpack, ngunit hindi pa rin niya makita ang kahit isa man lang sa kanyang identification card.“Nandito lang sa wallet ko ‘yon, e. Bakit nawala? Saan napunta ‘yon?” Nagkakandaiyak na pakikipag-usap niya sa sarili, habang patuloy ang paghahalungkat sa backpack.Nagsimula nang dumami ang tao sa airport checkpoint.Hindi pa rin makita ni Sophie ang kanyang mga ID. “Miss, kanina ka pa hanap ng hanap d’yan wala ka naman yatang hinahanap,” saad ng babaing nasa kanyang likuran, “baka naman puwedeng paunahin mo muna kami habang nagkakalikot ka sa bag mo. Sayang ang o