Share

CHAPTER 52 : LET BYGONES BE BYGONES

Pinag-iisipan ni Senyor Gaspar ang dahilan ng kamatayan ni Donya Cory Samonte. Ang dahilan kung bakit ang driver na si Maxwell lamang ang kasama nito sa sasakyang sumabog na naging dahilan ng pagkasunog nito at ng lumaon nga ay naging sanhi ng kamatayan ng babae.

“Ano naman ang nakapagtataka ‘don,” tanong ni Gener sa Senyor, “driver namin si Maxwell at may kailangang asikasuhin ang asawa ko, sa mga properties na binili niya sa Laguna, so, ano ang nakapagtatakang magkasama sila sa kotse ng maaksidente? Hindi ba natural lang na si Maxwell ang mag-drive ng kotse para ihatid si Cory sa pupuntahan niyang lugar sa Laguna?”

Tumango-tango ang Senyor, habang nag-iisip.

“Ang nakapagtataka lang kasi, bakit dis-oras ng gabi naganap ang aksidente? At ayon sa imbestigasyon ay nakainom sila ng inyong driver at may mga bote pa ng alak sa sasakyan.”

Idinaan ni Gener sa pagtawa ang nararamdamang pagkapah

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status