[Tyler pov]
Kumunot ang aking noo ng makita ang pagsiko ng matanda sa dalagang katabi, maging ang kaliwang pisngi ng babae ay napansin ko agad ang pamumula."Mr. Montemayor, ito ang aming apo. Siya si Maya Gustin." Bumaling ng nakangiti si Mrs. Gustin sa dalaga. "Siya si Tyler Montemayor, kilalang businessman sa buong mundo. Batiin mo siya, Maya." Utos ng matanda sa dalaga.Hindi nakaligtas sa aking mata ang may paninindak na tingin nito sa babaeng katabi."A-Ako po si Maya G-Gustin." Panay ang takip ng kamay ng dalaga sa tapat ng dibdib. Halatang hindi ito kumportable sa suot.Kaharap ko ngayon si Maya, ang pekeng apo ng mga Gustin. Ayon sa nabasa kong report tungkol sa mga Gustin ay mayro'n lamang itong isang apo na ang pangalan ay Hannah. Nakita ko rin ang litrato nito kanina at hindi ito ang babaeng kaharap ko ngayon.Sumasagot ako sa mga tanong ng mag-asawa subalit ang aking mata ay nakapako sa dalagang kaharap ko. Ayaw ko ng niloloko ako, pero ngayon ay walang kaso sa akin yon. Gusto ko ang babaeng kaharap ko, o mas tamang sabihin na tinamaan agad ako sa kanya.Napailing na lamang ako habang hindi namamalayan na napapangiti na pala. Pero nawala ang ngiti sa labi ko ng mapansin ang namumulang pisngi ng dalaga. Hindi ko gusto ang nasa isip ko ngunit may duda akong sinaktan ito. Maging ang kamay nito na may hawak na kubyertos ay nanginginig din. Gusto kong makita ang kanyang mukha subalit yumuko ito bigla ng magsalubong ang aming tingin."Gusto kong maikasal agad kami ng apo mo, Mr. Gustin." May ngiti sa labi na wika ko. Napangiti ako ng mag-angat ng mukha ang dalagang kaharap ko. Halata ang pagkagulat sa reaksyon nito."K-Kasal?" Namimilog ang magandang mata na tanong nito bago bumaling sa katabing si Mrs. Gustin. "S-Sandali lang, Senyora———"Nagsalubong ang aking kilay ng hawakan ng matandang babae sa braso si Maya at tinayo. "Sandali lang, Mr. Montemayor, mag- uusap lamang kami ni Maya."Napatiim-bagang ako ng makita ang madiin na paghawak nito sa dalaga. Nang mapatingin ako sa paa ni Maya ay saka ko lamang napansin na naka-paa lamang ito.Tinabig ko ang wine glass para matapon ang laman nito sa aking suot."Would you mind If I use the restroom?" Tanong ko pa habang pinapunasan ang aking suot kunwari."Sandali lamang at pasasamahan kita——""No need, Mr. Gustin, I can manage." Pigil ko rito. Agad na tumayo ako para kunwari ay magtungo sa restroom, subalit ang totoo ay gusto ko lamang makita si Maya at kumpirmahin ang hinala ko. Nakatayo na ako ngayon sa gilid ng pinto kung nasaan nasa loob sina Mrs. Gustin at Maya."S-Senyora, maawa po kayo sa akin. A-Ayoko pong makasal sa lalaking hindi ko mahal. H-Hindi po ako papayag sa gusto niyong mangyari." Umiiyak na pakiusap ni Maya sa matanda.Napapikit ako at kumuyom ang kamao ko ng makarinig ng tunog ng isang malutong na sampal. Tama ang hinala ko, ang pula sa pisngi ni Maya ay bakas ng pananakit."Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala kang karapatan na suwayin ko? Punyèta ka! Ang tagal mo pang lumabas kanina! Pinahiya mo kami!"Nang sumilip ako ay nakita kong nakaluhod na si Maya sa harapan ng matanda."S-Senyora, hindi ako pwedeng magpakasal dahil hihintayin ko pa ang pagbabalik ni nanay.""Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kailanman ay hindi na babalik ang nanay mo! Iniwan ka na niya dahil pabigat ka lamang sa kanya!"Tila pinunit ang dibdib ko ng marinig ang mahinang paghagulhol ng iyak ni Maya. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Naghahalo ang aking awa at simpatya para sa kanya."H-Hindi yan totoo, babalik po si nanay.""Sige ganito nalang. Magpakasal ka kay Mr. Montemayor para sa pagbalik ng nanay mo ay hindi namin siya ipakukulong dahil sa ginawa n'yang pagnanakaw sa amin. Hindi lamang iyon, Maya, baka nakakalimutan mo na pinalamon ka namin sa kabila ng ginawa ng iyong ina!!!"'Tusong matanda' Ani ng utak ko."S-Senyoya...""Ano? Sumagot! Gusto mong makulong ang nanay mo sa pagbalik niya rito? O magpapakasal ka bilang kabayaran sa ginawa ng ina mong walang silbi?!"Tumingin ako sa relo ko. Kailangan ko ng bumalik dahil baka magtaka na si Mr. Gustin at hanapin pa ako.Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Maya. Alam ko na ang magiging pasya niya. Saka kung sakali man na hindi pa rin siya papayag ay gagawa din naman ako ng paraan para maging asawa ko siya.Inabala ko kunwari ang aking sarili na makausap si Mr. Gustin kahit ang totoo ay hinihintay kong lumabas muli si Maya para makapagpaalam na akong umuwi. Gusto kong isama si Maya sa aking pag-uwi pero hindi pa pwede.Nang lumabas si Maya kasama si Mrs. Gustin ay agad na napatingin ako sa kanya. Katulad kanina ay nakayuko lang si Maya sa harapan ko. Ni hindi ito kumain."Tungkol sa kasal na binaggit ko kanina, I want it to happen in just one month. Hindi naman siguro kayo tututol?" Walang paligoy- ligoy na sabi ko sa dalawang matanda. Hindi nakaligtas sa aking mata ang pagtitinginan ng mag- asawa na mayro'ng ngiting tagumpay sa labi."Kung ano ang napagpasyahan mo, Mr. Montemayor, wala kaming tutol. Yon din naman ang nais ng aming apo na si Maya." Hinawakan ni Mrs. Gustin ang kamay ni Maya at madiin na pinisil. "Hindi ba, Maya?""O-Opo." Maikli lamang na sagot ng dalaga.Tumayo ako at lumapit kay Maya. Nagulat hindi lamang si Maya, maging ang matandang mag-asawa ng hawakan ko ang kamay ni Maya na medyo magaspang.Hinalikan ko yon ng walang pag-aalinlangan. "Nice to meet you, Maya. Soon to be my wife... Magkikita pa tayong muli." Wika bago ngumiti sa kanya.Nang gabing yon ay umuwi ako ng hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko akalain sa mansion ng mga Gustin ko lamang pala matatagpuan ang babaeng magpapatibok ng puso ko ng ganito.Hindi na ako makapaghintay na maging asawa si Maya...(Maya pov)MABILIS na sumapit ang isang buwan. At katulad ng gusto ni Mr. Montemayor ay pinakasalan niya ako sa pagkasapit ng isang buwan. Hindi ko inaasahan na magiging engrande ang aming kasal. Maraming bisita na hindi ko kilala pero tiyak ako na katulad ng pinakasalan ko ay kilala din ang mga ito sa lipunan, maging ang kaibigan ng napangasawa ko ay nakilala ko rin na sina Grant, Dimitri, Brix, at Kier.Nang iwan ako saglit ni Mr. Montemayor ay lumapit sa akin si Senyora, nakapaskil sa kanyang mukha ang tuwa at ang pang- aalipusta para sa akin."Nagkasilbi ka rin sa pamilya namin. Sa wakas ay tuluyan ka ng naalis sa poder namin at hindi na namin kailangan pang makita ang iyong nakakasuklam na mukha." Lumapit pa sa akin si Senyora at bumulong pa ng nakapagbigay ng takot sa aking sistema. "Salamat dahil sinalo mo ang posisyon na dapat ay para sa aking apo na si Hannah. Hindi naman ako ganoon kasama kaya naman ipagdarasal ko na sana ay hindi ka makaranas ng sobrang pagmamalupit mula sa
[Maya pov]Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Nagsayaw na kami kanina pero naiilang pa rin ako ng ipatong niya ang dalawa n'yang kamay sa bewang ko. Hindi pamilyar sa akin ang musika na tugtog, pero nadadala ang katawan ko, siguro ay dahil na rin sa pag alalay niya sa akin."Bakit ba palagi ka nalang nakayuko, Maya? Hindi ba ako gwapo para sa'yo?" May himig na biro na sabi niya. Agaran akong nag- angat ng tingin."N-Naku hindi naman sa gano'n, Mr. Montemayor. I-Ito ang unang araw ng ating kasal kaya nakakaramdam ako ng hiya. S-Saka hindi dapat nakikipag- usap ang katulad ko sa 'yo... dahil isa lang naman akong..."Dahil isa lamang akong kasambahay. Gusto kong sabihin iyon pero pininid ko ang aking labi. Ang bilin ni Senyora ay huwag kong hahayaan na mabuking na isa lamang akong kasambahay, kundi ay malilintikan ako sa kanila.Hinawakan niya ang ilalim ng aking baba at inangat ang aking mukha. Pinakatitigan ako ng kanyang kulay abo na mata. Tama, kulay abo ang kulay ng kanyang ma
(Maya pov)Isang buwan na ang nakakalipas ng ikasal kami ni Tyler. Aaminin ko na kinikilig ako sa mga pinapakita niya. May parte sa aking puso na nagsasabi na huwag akong mahuhulog ng mas malalim pa dahil baka masaktan lamang ako. Pero ang puso ko ay hindi ko makontrol.Narito kami ngayon sa Paris. Sobrang tuwa ko dahil dinala niya ako dito at talaga namang napakaganda dito. Panay ang kuha niya sa akin ng pictures. Nahihiya pa nga ako dahil pakiramdam ko ay isa akong sikat na celebrity dahil sa ginagawa niya. Napapatingin tuloy ang ilang tao sa amin.Pagbalik namin sa Pilipinas ay nadatnan namin ang dalawang kapatid ni Tyler sa mansion. Nakilala ko sila ng aming kasal. Sina Susy at Delvin. Mabait naman silang dalawa at magaan ang approach nila sa akin noong magkakilala kami. Wala ng magulang si Tyler. Parehong namayapa na ang ama at ina niya kaya naman ng aming kasal ay ang dalawang kapatid lang niya ang nakilala ko, at iilang malayong kamag- anak."Welcome back, kuya Tyler at Maya!" L
[Suzy pov]"AAAHHHHH!" Galit kong hiyaw.NARITO AKO NGAYON sa kwarto ko at halos magwala sa sobrang selos na nararamdaman ko ngayon. Hindi kayang makita ng mga mata ko na may ibang babaeng nilalambing sa harapan ko ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin lang dapat si Tyler at hindi kay Maya, o sa ibang babae. Noong unang masilayan ko si Tyler ng ipakilala ni mommy sa akin ito bilang bago kong kuya ay pinangako ko sa sarili ko na akin lang siya! Hindi ko ito itinuturing na kapatid kahit kailan dahil higit pa sa pagiging kapatid ang pagmamahal ko sa kanya.Nagpupuyos din ako sa galit sa kaibigan kong si Hannah. Alam ko ang plano ni Hannah na ang ipapakasal nito ay ang kasambahay ng pamilya nila, pero hindi ko naman inakala na si Tyler pala ang lalaking tinutukoy ni Hannah. Nag- away kami, o mas tamang sabihin na inaway ko siya. Pagkatapos ng kasal ni Tyler ay pinuntahan ko siya at kinumpronta. Pero ang sabi ni Hannah sa akin ay wala itong alam na si Tyler ang lalaking dapat na pakakasa
(Maya pov)ANG init ng aking pakiramdam at tila sinisilaban ng apoy ang aking katawan. Naramdaman ko ang mga boses na tila nagtatalo, maging ang pag- angat ng aking katawan sa ere.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng taong bumuhat sa akin... basta naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig na rumaragasa at bumubuhos sa aking nag- iinit na katawan."Maya." Boses iyon ni Tyler, hindi ako maaaring magkamali."T-T-Tyler... so-sorry ha..." Pagdilat ko ay nakita ko ang kalituhan sa kanyang mukha. Ang hinihingi ko ng sorry ay ang sunod kong ginawa. Niyakap ko siya ng mahigpit, naghahanap kasi ng init ang aking katawan at si Tyler ang magbibigay nito sa akin. "M-Maya, stop it. Lasing ka lang..." Tila nahihirapan ang boses ni Tyler at nagpipigil.Akala ko ay sapat na ang mainit na yakap ni Tyler... pero hindi pala dahil may hinahanap ang aking katawan na hindi ko maipaliwag, basta ang nais ko lamang ay mawala ang nakakapasong init na lumulukob sa akin. Hinawakan ni Tyler ang aking mukha a
(Tyler pov)Pinagmamasdan ko si Maya sa tabi ko ng hindi nawawala ang ngiti ko sa aking labi. Hindi ako manyakis na lalaki, pero ngayon ay pinagsasawa ko ang aking mata sa perpektong katawan ng aking asawa.Labis ang tuwa ko dahil ako ang lalaking nakauna sa buhay niya. Tama ang hula ko sa kanya kahit noong unang beses ko pa lamang siyang nakita. Malinis siyang babae hindi katulad ng mga babaeng nagdaan sa buhay ko.Gusto ko man na makipagtalik pa sa kanya ng paulit- ulit ay pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong abusuhin ang kanyang katawan. Malalamog lamang siya sa akin at baka magkasakit pa dahil bukod sa ito ang una ni Maya na karanasan ay malaki din ang pagkalalaķi ko dahil siguro sa foreigner ang aking ina.Kumuyom ang aking kamao sa galit ng maalala ang lagay ni Maya kanina sa bar. Mabuti nalang at tinawagan ako ni Dimitri para sabihin na nakita nito si Suzy kasama si Maya sa bar. Paano nalang kung hindi ako dumating? Sa lagay kanina ni Maya ay sigurado ako na matinding sex dr
(Maya pov)Sa mga lumipas na buwan ay tuluyan akong nahulog kay Tyler dahil sa mga kabutihan na ipinakita niya sa akin. Walang araw na hindi nito sinasabi kung gaaano niya ako kamahal. Sa bawat araw, oras, minuto, at segundo na kasama ko siya ay naging makulay.Ang swerte ko dahil binigay sa akin ng Diyos ang lalaking katulad niya.Sa susunod na buwan ay papasok na ako para mag aral. Inayos lahat ni Tyler ang lahat ng aking mga kailangan para makapag- aral ako. Kaya naman sobrang saya ng aking nararamdaman at labis din akong nagpapasalamat sa kanya.Kahapon ay umalis si Tyler para magpunta sa Japan para dumalo sa isang business meeting. Gusto niya akong isama subalit tumanggi ako. Ayokong maka- abala sa kanya roon. Saka tuwing hapon kasi ay may tutor na nagtuturo sa akin para makahabol ako sa mga lessons na kailangan kong matutunan. Kaya pinili ko din ang magpaiwan. Gusto ko kasing paghandaan ang aking pagpasok sa eskwela. Oo, inaamin ko na kinakabahan at natatakot ako. Lalo na at maya
[Maya pov]Simula ng araw na iyon ay natatakot na ako kay Delvin. Hindi ko matanggap ang kanyang ginawang paghalik sa aking leeg. Mali iyon kahit sabihin pa na lasing ito. Hindi iyon dahilan para bastusin niya ako. Palagi akong nagpapahuli sa pagkain para iwasan lang siya. Paglipas ng apat na araw ay dumating si Tyler. Nais ko man na sabihin sa kanya ang ginawa ni Delvin ay natatakot ako. Baka hindi niya ako paniwalaan at ako pa ang mapasama."Maya, hindi mo ba nagustuhan? Dapat pala ay tinanong kita kung anong design ang gusto mo. Na- excite kasi ako kaya agad na kitang binilhan." Pukaw sa akin ni Tyler habang hawak ang aking kamay na may nakasuot na isang mamahaling singsing na binili pa niya sa Japan. Mukhang nalungkot ito dahil akala niya ay hindi ko nagustuhan ang kanyang mga regalo."Nagustuhan ko, Tyler. Maganda lahat ng binili mo sa akin. Pero kasi... hindi ko kailangan ng mga ganito. Sampo lang naman ang daliri ko, pero dose itong binili mong singsing. Ano ang gagawin ko sa i