Share

CHAPTER THIRTY NINE : LUMINOUS BALLOON

MABILIS ang naging biyahe naming tatlo pabalik ng beach. Wala pa nga yatang bente minuto ang pagmamaneho ni Torn kanina dahil nagmamadali raw ito at gusto nang tawagan si Khloe.

"Nandito na tayo, tawag muna ako sa baby loves ko sandali..."

Paalam nito sa amin ni Xence kaya naman natatawa kaming tumango sa kaniya. Tumakbo na agad ito sa kung saan habang may dina-dial na number sa phone niya dahil medyo mahirap sumagap ng signal dito sa tabing dagat.

Naiwan kaming dalawa ni Xence kaya naman nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa. Walang nagsasalita sa amin pero pareho lang kaming mabagal ang lakad sa kung saan.

Hindi ako naiilang sa kaniya o natataranta na gumawa ng pag-uusapan naming dalawa dahil para bang pareho naming gustong maglakad lang habang pinagmamasdan ang magandang tanawin namin dito sa pinong buhangin at sa maalong dagat.

"Upo muna kaya tayo banda roon? Gusto mo bang manood ng sunset?"

Tanong ko kay Xence habang itinuturo ang magandang puwesto kung saan namin masisilay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Manuela Mae Callejo
aw.update please ...
goodnovel comment avatar
Jenie C Mangrubang
magbalikan na kayo taji Ang xence
goodnovel comment avatar
Inamay Garcia
update po pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status