Natigilan naman si Lapunaya sa rebelasyong ginawa ni Arius. Napatinigin naman ako kay Lapunaya. Bakit niya tinulungan si Mr. Gerard kung papatayin niya rin lamang ito? Naikuyom ni Lapunaya ang mga kamay niya. Mababakas sa mukha niya ang galit kaya naman pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.
“Ipinagtanggol ko lamang ang sarili ko! Kung hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko malamang ako naman ang mamamatay! Hindi ko ginustong patayin ang mortal na iyon!” ang sigaw ni Lapunaya.
Halos mangatal ang sarili kong katawan sa narinig ko. Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito.
“Oo! Alam kong mali! Pero mamamatay ako at ang gubat! Prinotektahan ko lamang ang puso ng kagubatang ito!” ang sigaw ni Lapunaya.
Oo. Maling-mali. Dahil sa padalos-dalos na desisyon, nalimutan niyang walang naniniwala sa kanya at walang nakakakita sa kanila. Miski ang kanilang
Pagkatapos ng nangyari sa gubat ay nakarating rin ako sa wakas sa ampunan. Nagpaalam na ako kay Arius at Gray. Hindi ko inakala na ang camping site na aming pinuntahan ay isang abandonadong gubat. Napabuntung-hininga naman ako dahil sa tindi ng pagod na inabot ko sa kasong nilutas namin. Sumalubong naman sa akin si Mother Superior at agad akong niyakap.“Salamat sa Diyos at ligtas kang nakabalik, Adamantine. Kumain ka na ba?” ang tanong ni Mother Superior.Tumungo naman ako dahil sa totoo lang ay wala akong ganang kumain. Sa mga nasilayan ko sa araw na ito, ay nagbago ang pananaw ko ng kaunti. Ang mundong ginagalawan natin ay maganda ngunit ang ibang bahagi nito ay masalimuot. Hindi lahat ng magagandang bagay ay pumapabor sa iyo at hindi lahat ng masasamang bagay ay dapat mo pang dalahin sa ating buhay.Pumasok na ako sa kwarto ko at naabutan ko si Calix na may kausap. Nagtago muna ako upang pakinggan ang kanilang usapan.“Na
Hindi na muna ako umuwi ng ampunan dahil naaalala ko na naman ang nangyari kanina. Pilit kong ikinalma ang aking sarili at umupo muna ako sa isang bench na matatagpuan sa loob ng palengke. kung tutuusin ay mukha nga itong park kaysa sa palengke, Nasa gitna naman nito ang fountain kung saan makikita ang patron ng bayan na ito, si St. Jude Thaddeus. Napabuntung-hininga na lamang ako habang iniisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin.“Ano po ba ang dapat konng gawin? Tatanggapin ko po ba sila sa buhay ko o patuloy ba akong lalayo? Alam ko naman na hinihintay ko sila buong buhay ko. Pero napagtanto ko na hindi madaling magpatawad ng taong nag-abandona sa akin,” ang sambit ko.Ginulo-gulo ko ang buhok ko dahil naguguluhan na ako sa sarili ko. Nagulat ako nang may yumakap sa braso ko na isang batang paslit. Nakaramdam naman ako ng pagkahabag sa bata dahil sa murang edad pa lamang ay naghahanap na ito ng kalinga ng pamilya.“Bata, nasaan ang m
Nakalipas na ang ilang araw pero hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari sa akin sa palengke. Hindi ko alam kung tunay ba talaga iyong nangyari dahil ang alam ko talaga ay bumaba ako ng palengke upang mag-isip. Kaya isang malaking palaisipan pa din sa akin kung paano ako napunta sa kotse ni Gray. At ang sabi pa nila ay hindi naman daw ako bumababa ng kotse dahil muntik na nga daw si Gray makabangga ng matandang pulubi. Napahiga ako sa kama ko dahil sa totoo lang ay nawiwindang na ako sa aking buhay. Halos magpagulong-gulong ako dahil hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang nangyayari sa buhay ko. Napabangon naman ako nang makaisip ako ng magandang ideya. Bakit nga ba hindi ko na lamang puntahan sa mismong palengke si Manay Bertha? Agad akong nagready papuntang palengke. Suot ko ang checkered na flannel na may combination ng pink at blue. Sa loob naman ay isang black na sando. Sa pang-ibaba naman ay ripped jeans na dark blue at suot ko ang isang puting sneakers.&nb
Napaturo naman ako sa painting nang makita ko ang mga pamilyar na mukha. Agad naman akong lumingon sa paligid upang itanong kung sino ang nasa painting ngunit biglang nawala si Manong Curtis. Napabuntung-hininga na lamang ako at dahil sa tindi ng kahihiyan at pagod na nadam ko kanina ay napaupo na lamang ako sa couch. Kahit na antigo na ang hitsura ng villa ay napanatili nila ang kagandahan nito. muling bumalik sa akin ang alaalang nilulutas namin ang kaso ng Villa Ilumina. Muli namang sumagi sa isipan ko ang kalagayan ni Magwayen. kamusta na kaya ang diyosang iyon? Ilang buwan ko na rin hindi naririnig ang nakakairitang boses ng diyosang iyon. “Kung ganun, nakakairita pala ang boses ko para sa iyo?” ang tanong ni Magwayen na biglang lumitaw sa tabi ko. Napalingon ako at nakita ko ang isang babae sa gilid niya. Bughaw ang kanyang kasuotan at napapalamutian siya ng mga perlas at kabibe. Napahalukipkip naman ako habang pinagmamasdan si Magwayen. “Hi
Iminulat ko ang aking mga mata. Napakapit naman ako sa aking ulo matapos kong kainin ang mainit na sabaw na niluto ni Rosalia. Bumabalik tuloy sa aking isipan ang maamong mukha ng Mahal na Prinsesa. Sa pangalawang pagakakataon ay muli kong natampal ang pagmumukha ko dahil naalala kong nahawakan ko ang dibdib niya. Pero iyon na yata ang pinakamalabot na nahawakan ko. Sinubukan kong bumangon sa aking kama ngunit muli akong bumagsak dahil sobrang masakit ang ulo ko.“Sa susunod talaga ay hindi ko na hahayaan si Rosalia na magluto,” ang sambit ko.Narinig ko na tumatawa si Cryon sa gilid. Dahan-dahan niya akong inalalayan na makabangon sa kama at inabutan niya ako ng isang baso ng malamig na tubig. Tinungga ko iyon at bahagya nitong nabawasan ang sakit ng ulo ko.“Kamusta ang pakiramdam mo?” ang tanong ni Cryon.Tinaasan ko naman siya ng kilay. Alam niya naman siguro ang sagot base sa aking reaksyon. Bigla naman siyang humaglapak
Para akong tanga na nakatitig sa kisame. Iniisip ko pa rin ang mga huli niyang sinabi bago siya umalis sa villa kanina.“Baka hindi na muna ako makabisita sa iyo. May activity ako sa club at nag-aaral ako sa Colegio De Santa Carmen. Kailangan kong magfocus sa aking pag-aaral,” ang sambit ng prinsesa.Kung ganun mawawalan ako nang pag-asang bantayan siya nang masinsinan. Nangako ako sa Ethereal Queen na babantayan ko ang anak niya. Alam kong hindi siya sang-ayon sa plano ng mga Astral Mages. Kaya sana wala silang ideya sa kinaroroonan ng prinsesa. Nagkaideya na ako na siya ang prinsesa dahil sa umilaw ang kwintas na suot ko noong araw na nakita ko siya sa palengke. Nagkataon lang na tumakas ako kay Curtis upang hanapin ang prinsesa. Ang kwintas na suot ko ay binigay ng Mahal na reyna upang hanapin ang kanyang anak.Lumabas ako sa kwarto at natagpuan ko sa sala si Cryo
Natameme naman ako sa ginawa ni Sebastian. Napuno ng sigawan ang classroom dahil paghalik niya sa kamay ko. Mahabaging diyos! Ano na naman ang pinakain ni Rosalia dito? Tumikhim naman si Arius at hinatak ako papalapit sa kanya.“Pare, ikalma mo ang iyong mga kamay at umupo ka sa iyong pwesto. Bawal ang PDA dito,” ang sambit ni Arius.Napalingon naman ako kay Arius. Kailan pa naging bad mood ang isang ito? Ngumiti naman si Sebastian at nagulat ako nang bigla niya din akong hinatak. Halos sumubsob ako sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng pagkakahila niya.“Sa pagkakaalala ko wala namang nakukuwento na may nobyo si Ada. Isa pa, sino ka ba?” ang tanong ni Sebastian.Nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan ni Arius at Sebastian ka
Napatawa naman nang malakas si Calix sa sinabi ni Sebastian. Inilabas ni Calix ang kanyang kopita at itinutok iyon kay Sebastian. Naguguluhan ako sa nangyayari at nagulat ako nang ilabas ni Sebastian ang isang wand.“Nakalimutan kong magpakilala. Ako si Sebastian Von Lunastella,” ang sambit ni Sebastian.Ibinaba naman ni Calix ang kanyang kopita at pinaglaho iyon. Humarap siya kay Arius at tinapik ang balikat niya.“Huwag kang mag-alala. Hindi siya kalaban. Nais lang nilang protektahan si Ada,” ang sambit ni Calix.Naglaho sa kanyang kinatatayuan si Calix at muli akong napatingin sa dalawang kaharap ko ngayon. Ano na naman ba itong araw na ito? Lumapit ako kay Sebastian at hinila ang kwelyo niya.“Sino ka ba talaga? Bakit mo kilala si Calix?” ang tanong ko sa kanila.Inawat naman ako ni Cryon kaya agad akong bumitaw. Tumikhim naman si Cryon kaya natigil sila kami sa pag-aaway.&ldq