Share

Chapter 41- King Euthymius’ Rage

Bumalik sa kuta ng mga Astral Mages si Spigel dala ang isang masamang balita sa kanyang ama. Humarap kay Spigel si Haring Pleiades at nagbigay galang naman si Spigel sa pamamagitan ng pagluhod.

“Siguraduhin mong magandang balita ang ihahatid mo, Spigel. Ayaw kong kahihiyan ang dadalhin mo sa akin sa oras na ito,” ang sambit ni Haring Pleiades.

Hindi pa man naibubuka ni Spigel ang kanyang bibig ay mababakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Ganito na lamang niya ikahiya si Spigel sa lahi ng mga Astral Mages.

“Natagpuan ko na po ang prinsesa sa mundo ng mga mortal, ama,” ang sambit ni Spigel.

Mapakla itong tumawa at tinitigan nang matalim si Spigel sa mga mata nito. Alam niyang hindi nagtagumpay si Spigel sa pagkuha sa prinsesa. Lalo na't alam niyang hindi hahayaan ni Reyna Athaliah at Haring Euthymius ang makuha ng mga Astral Mages si Ada.

“At hindi mo siya nadala dito, tama ba? Wala ka talagang kwenta!” ang sigaw ni Haring Pleiades.

Mas lalo namang napatungo si Spigel sa sigaw ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status