Share

Chapter 40- Spigel Von Nova

Nakatakas ang prinsesa sa mga kamay ko at kinailangan ko pang iwasan ang mga kadena ng Celestial Spirit na nasa katawan ng mortal na kaharap ko ngayon. Ang mas nakakatakot pa ay napalakas ng mortal ng sampung beses ang kanyang lakas. Halos mabalian na ako ng buto dahil sa pagbalibag na ginawa niya sa akin. Tumigil na rin sa pag-ilaw ang singsing. Nakalayo na ang prinsesa. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nasa harap ko ngayon dahil panira siya ng plano.

“Huwag mong gagalawin ang prinsesa! Kung ayaw mong kalimutan kong minsan akong naging parte ng lahi ninyo!” ang sigaw nito.

Rosas na mga mata. Ayon sa kasaysayan na inilathala ng mga Astral Mages, isang babae ang nagtaksil sa lahi ng mga Astral Mage dahil sa napagod ito sa ilang siglo ng digmaan. Kaya naman pinatay siya ng aming lolo.

Humalakhak naman ako sa napagtanto ko. Ang babaeng kaharap ko ngayon. Hindi lang siya basta spirit o kaya naman ay Astral mage. Siya ang makasaysayang babae na unang tumaligsa sa sarili niyang lahi.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status