Napaluhod ako sa lupa at nawala ang barrier na nakapalibot sa amin. Mabilis kaming tumakas ni Ada patungo sa chapel. Naglaho din ang katawan ng Astral Mage na nakalaban ko kanina. Inihiga ko siya sa upuan ng chapel. Nagpatuloy sa pagdurugo ang kanyang braso kaya labis ang inis na naramdaman ko sa Astral Mage. Tumayo ako at lumayo ako ng kaunti. Itinapat ko ang palad ko sa ibabaw ng kopita at binanggit ang incantation.
“Tubig na nagmumula sa kopita,
Iyong ipagkaloob ang kagalingang dala
Tubig na siyang dito nagmumula gamutin ang pinsala ,
Nakikiusap, nagsusumamo, pakinggan
Ang lumalabang sugatan,” ang sambit ko.
Kung ang kopita ay kaya kang ipaglaban, kaya rin nitong gamutin ang sugat na natamo sa laban. Lumutang naman ang bawat patak ng tubig na siyang nagmumula sa kopita at naglakbay iyon patungo sa sugat ni Ada. Nagliliw
Nakatakas ang prinsesa sa mga kamay ko at kinailangan ko pang iwasan ang mga kadena ng Celestial Spirit na nasa katawan ng mortal na kaharap ko ngayon. Ang mas nakakatakot pa ay napalakas ng mortal ng sampung beses ang kanyang lakas. Halos mabalian na ako ng buto dahil sa pagbalibag na ginawa niya sa akin. Tumigil na rin sa pag-ilaw ang singsing. Nakalayo na ang prinsesa. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nasa harap ko ngayon dahil panira siya ng plano. “Huwag mong gagalawin ang prinsesa! Kung ayaw mong kalimutan kong minsan akong naging parte ng lahi ninyo!” ang sigaw nito. Rosas na mga mata. Ayon sa kasaysayan na inilathala ng mga Astral Mages, isang babae ang nagtaksil sa lahi ng mga Astral Mage dahil sa napagod ito sa ilang siglo ng digmaan. Kaya naman pinatay siya ng aming lolo. Humalakhak naman ako sa napagtanto ko. Ang babaeng kaharap ko ngayon. Hindi lang siya basta spirit o kaya naman ay Astral mage. Siya ang makasaysayang babae na unang tumaligsa sa sarili niyang lahi.
Bumalik sa kuta ng mga Astral Mages si Spigel dala ang isang masamang balita sa kanyang ama. Humarap kay Spigel si Haring Pleiades at nagbigay galang naman si Spigel sa pamamagitan ng pagluhod. “Siguraduhin mong magandang balita ang ihahatid mo, Spigel. Ayaw kong kahihiyan ang dadalhin mo sa akin sa oras na ito,” ang sambit ni Haring Pleiades. Hindi pa man naibubuka ni Spigel ang kanyang bibig ay mababakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Ganito na lamang niya ikahiya si Spigel sa lahi ng mga Astral Mages. “Natagpuan ko na po ang prinsesa sa mundo ng mga mortal, ama,” ang sambit ni Spigel. Mapakla itong tumawa at tinitigan nang matalim si Spigel sa mga mata nito. Alam niyang hindi nagtagumpay si Spigel sa pagkuha sa prinsesa. Lalo na't alam niyang hindi hahayaan ni Reyna Athaliah at Haring Euthymius ang makuha ng mga Astral Mages si Ada. “At hindi mo siya nadala dito, tama ba? Wala ka talagang kwenta!” ang sigaw ni Haring Pleiades. Mas lalo namang napatungo si Spigel sa sigaw ng
NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Napakapayapa ng lugar at tanging ulap at kalmadong tubig alat ang aking nakikita. Malinaw kong nakikita ang repleksyon ng aking sarili sa tubig. Nagtataka ako dahil ilang segundo lamang ay naging pula ang aking mata at lila ang aking buhok bago ito muling bumalik sa dati kong hitsura. Hinanap ko kung may iba pang tao sa paligid ngunit ni isa ay wala akong natatanaw. Niyakap ko ang aking sarili dahil nadadama ko ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Naalala ko na kasama ko kanina si Calix. “Calix? Nasaan ka?” ang tanong ko. Naghintay ako na marinig ang sagot ni Calix ngunit wala akong narinig na sagot. Patuloy akong naglakad walang buhay na paraiso ngunit wala pa rin akong nakikita ni isang tao. “Nasaang lupalop na ba ako ng mundo? Baka naman patay na ako?” ang saad ko. Wala na akong pake kahit na mabasa ang puti kong damit kaya umupo na lamang ako sa tubig. Napabuntung-hininga na lang ako niyakap ko ang aking mga binti. Tumul
Nakarating na ako sa kailaliman ng lawa. Naipikit ko ang aking mga mata dulot ng kakapusan ng hangin. Pakiramdam ko ay humila sa akin na galamay. Pinilit kong makawala ngunit wala akong lakas upang kumawala. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa pampang ng lawa. Basang-basa ang aking kasuotan dulot ng pagtalon ko sa lawa. Hinabol ko ang aking hininga at humiga ako pansamantala sa damuhan. “Bakit ako bumalik sa pampang? Nasaan si Traümerei? Nagsimula na ba ang pagsubok ko?” ang tanong ko. Nang nagkaroon na ako ng lakas ay naglakad-lakad ako sa paligid upang hanapin ang lugar kung saan magsisimula ng aking pagsubok. Ilang oras na ang lumipas, sa aking paglalakad ay nakaramdam ako ng pagod at pinili ko na lamang munang magpahinga. Sumilong ako sa ilalim ng isang puno at bagnas pawis akong naupo sa da “Ano’ng ginagawa mo rito?” ang tanong ng isang binata. Napatayo naman si Ada at laking gulat niya nang makita niyang kamukha ito ni Arius. Nilapitan niy
Pinilit kong bumangon ngunit pinigilan ako ni Amaranthine. Naririnig ko ang malakas na pagsabog mula sa labas at alam kong may kinalaman sina Arius sa kaguluhan sa labas.“Ano ba talaga ang nangyayari sa labas? Kailangan kong puntahan sina Arius!” ang sambit ko kay Amaranthine.Umiling naman si Amaranthine. Alam kong sandamakmak na sermon ang kanyang pakakawalan. Napakapit naman ako sa aking braso dulot ng tamaan ako ng atake ng isang misteryosong lalaki kanina. Ano bang kailangan niya?“Kung lalabas ka, may maitutulong ka ba? Wala naman ‘di ba? Kaya mas magandang manatili ka na lamang dito sa loob. Isa pa, ikaw ang puntirya ng kanilang kinakalaban sa labas. Kaya huwag mong sayangin ang sakripisyo nila sa pakikipaglaban nila upang protektahan ka,” ang sambit ni Amaranthine. Naikuyom ko ang aking kamao. Gustung-gusto kong tumulong. Napakahina ko talagang nilalang. Gusto kong maigalaw ito pero tanging pagkuyom lamang ang aking nagagawa. Naiinis ako dahil ultimong simpleng gawain katula
Nagising ako na sinasampal ako ng sinag ng araw. Halos hindi ko pa nababawi ang lakas dahil sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nag-marathon sa tindi ng pananakit ng aking katawan. Pero heto ang oras at umaga na agad? Bumangon ako at kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Pinagmasdan ko ang aking paligid at napansin ko na wala ako sa ampunan. Para akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa dahil sa kahihiyan. Napansin ko na nag-iba ang suot kong damit. Sino ang nagpalit ng damit ko? Napasigaw naman ako dahil pakiramdam ko ay minanyak ang aking katawan habang natutulog ako. Nakarinig ako ng mga yabag at bigla nilang binuksan ang pinto. Lahat sila ay nadapa at sumubsob sila sa isa't isa. “May kalaban ba?” ang sigaw ni Sebastian. Naka-sando at boxer shorts lamang si Sebastian. Nakasubo naman ng hotdog si Gray sa kanyang bibig samantalang si Arius ay nakayakap sa isang blue na bolster pillow. Mukhang nabulabog ko ang kanilang matiwasay na umaga. Nakataas naman ang kilay ni F
Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako ng kusina upang magluto ng umagahan na siyang inaabangan ni Arius. Sinuot ko ang pink na apron at itinali ko ang aking buhok gamit ang pamuyod na Kumuha ako ng apat na itlog sa may counter at binasag iyon sa isang transparent na bowl. Nilagyan ko iyon ng fresh milk, asin, paminta, chili powder, paminta at vetsin at binati iyon. Pinainit ko muna ang non-stick pan bago ako naglagay ng olive oil. Pinagmasdan naman ako ni Papa sa aking ginagawa. Napahalukipkip naman siya at naluluha siya sa aking ginagawa.“Ang bilis ng panahon! Parang dati, sinusungitan mo pa ako dahil hindi tayo close pero tingnan mo ata dalagang-dalaga kang tingnan,” ang sambit ni Papa.Napatawa naman ako kay Papa dahil ang babaw ng kanya‘ng kaligayahan. Hindi ko naman inakala na ang papa ko ay ang hari ng kabilang buhay. “Papa, kumalma ka. Hindi pa ako nag-aasawa. Baka mas malala ang abutin ko kung sakaling ikasal pala ako?” ang pabiro kong saad kay Papa. Napasimangot naman siya
Naningkit naman ang aking mga mata sa sinabi ng batang kaharap namin ngayon. Matindi yata ang pagkahimatay namin ni Arius dahil mukhang nagdedeliryo kami sa aming naririnig. “Nagbibiro ka ba? Kasi kung joke ito hindi ito nakakatuwa!” ang sigaw ko sa batang nagngangalang Esme. Napahalukipkip naman si Arius. Kinuha niya ang pink na unan at humiga siya sa isang pink na carpet na maihahambing sa balahibo ng oso. “Gisingin mo na lang ako kapag tapos na kayong magbangayan,” ang sambit ni Arius at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nanggagalaiti naman si Esme sa ginawa ni Arius at halos dumagundong ang buong lugar sa sigaw niya. “Ha? Sira ulo ka ba? Ang lakas naman ng apog mong tulugan ako sa sarili kong lugar? Ginagago mo ba ako, Mortal?” ang dumadagundong na sigaw ni Arius. Napatakip naman ako ng aking tainga. Gusto ko man magalit sa batang nasa harapan ko ay hindi ko magawa dahil isa ‘tong diyosa. Hindi naman nagpatinag si Arius at nagtakip pa ito ng isang unan. “Hindi kita