Share

15.2: No Chance

BEATRISE

Excited na nagbihis si Bea nang sabihin ng kanyang tiya na aalis sila upang mamili ng mga gamit na para sa eskwela idagdag pa na iyon din ang araw na makakalabas at makakapasyal siya kahit papaano bago pa man magsimula ang pasukan. Dsahil simula ng dumating siya sa bahay na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang pag-aralan ang lahat ng mga kailangan niyang gawin para makapagtrabaho siya ng maayos.

Matapos niyang isuot ang isang kulay pink na bestidang ibinigay sa kanya ng tiya niya para sa araw na iyon at ang sandals na bigay rin sa kanya ay halos takbuhin na niya ang pagbaba ng hagdan dahilan para mapagalitan siya ni manang Rita, ang nag-iisang kasambahay nila JC na may katandaan na rin. Isang mabilis na paghingi ng paumanhin na lang ang nagawa niya bago mabilis na lumabas ng bahay at tinakbo ang sasakyang nakaparada na sa labas ng gate.

“Sakay na, ate Bea!” sigaw ng pinsan niyang halatang excited din habang nakadungaw sa nakabukas na bintana at nang makalapit siya ay is
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status