Share

15.1: No Chance

Sa buong durasyon ng bakasyon ay laging nakasimangot, aburido at mainit ang ulo ni John Carl dahil matatapos na lang ang bakasyon ay hindi pa rin niya nakakausap ng sarilinan o naipapasyal sa labas si Bea. Dahil kung hindi ito masyado itong abala sa pag-aaral kung paano gamitin ang mga gamit nila sa bahay sa tulong ng mommy ay lagi itong kasama ni manang, ang nag-iisa nilang kasambahay, upang turuan kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.

Habang siya naman ay abala sa kanilang drama club kahit na bakasyon sa eskwela dahil regular pa rin ang kanilang practice sa pagsayaw at pagkanta, seminar at mga acting workshop. At dahil hindi niya magawang ipakita sa kanyang pamilya ang totoong nararamdaman kaya hindi niya maipigilang ibunton sa kaibigan at kasama sa club ang pagsusungit. Pero tila hindi apektado ang kaibigan sa mga ipinapakita nito at sa halip ay ginagamit pa nitong pang-asar ang masamang mood niya sa pamamagitan ng araw-araw na pang-uusisa sa dahilan ng iniaasta niya na lalo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status