Share

Chapter 31

HINDI ko alam kung ano ang mga ginawa ni André. Pinaupo niya lamang ako sa sofa doon sa opisina ni Lance at may inutusan siyang mga bodyguards. Nakapangalumbaba lamang si Rage habang pinagmamasdan kaming dalawa. Palipat lipat ang kanyang tingin sa akin at kay André.

"So you'll just wait till that Prieto goes home?" ani Vince sabay hilig sa kanyang swivel chair.

Umiling si André.

"Nasa baba parin si Clyde?" tanong ko, isang oras na ang lumipas simula nang umalis ako sa opisina.

"We'll go now," ani André sabay lahad ng kamay sa akin.

Tinanggap ko ang kamay niya. Hindi ko maiwasang magalala. I know I shouldn't be worried though. Wala nang karapatan si Clyde sa akin. Ang tanging ikinatatakot ko lamang ay ang malaman ni dad,

"Paano si Clyde?" tanong ko. "Baka makita niya tayo?"

Tumagilid ang ulo ni André. "Hindi. Ang bodyguards na ang bahala."

True enough, nang nakapasok na kami sa sasakyan ni André ay hindi ko nakita si Clyde kahit saan. Halos wala nga kaming taong nakasalamuha. Sa ibang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status