Share

Chapter 5 Age Gap - "My Lover Is A Waiter"

Nang nasa hapag kainan na sila, naikwento ni Ferdie, na may bago siyang location sa trabaho niya. Na magtatrabaho siya sa isang isla na ka branch ng restaurant na pinagtatrabahoan niya. Naitindihan naman yon ng mga magulang niya kaya naging masaya si Ferdie.

 

Di inilihim ng mag-asawa kay Ferdie ang mga nangyari kung bakit nasa kamay nila ngayon si Ferdie, bata pa lang si Ferdie sinabi na ng mag-asawa na hindi sila ang tunay na mga magulang niya at naiintindihan naman niya iyon. Pero ang problema hindi niya maalala ang mga nangyari at nakaraan niya. Hindi na ngtanong-tanong si Ferdie sa mga magulang na kinikilala niya kung sino-sino ang Mama at Papa niya sapagkat hindi rin nila alam at wala silang maisagot sa kanya dahil napapad lang siya sa isla nila.

 

Kinabukasan...

 

      "Inay at Itay, aalis na po ako mag ingat po kayo dito. Tawagan niyo po ako palagi at balitaan nyo po ako sa maging kondisyon ninyo Inay. Bibisitahin ko po kayo dito every three months. Kahit dalawang araw po." ang paalam ni Ferdie sa mga magulang niya.

Mahal na mahal ni Ferdie, ang mga magulang niya kaya swerte siya dahil nakilala niya sila at swerte din ang mga magulang niya dahil naipalaki nila itong mabait.

 

Bumalik na ng Manila si Ferdie dahil the next day na ang alis nila sa Rio Grande Island.

 

 

      Sa ikalimang araw ni Chelsea, sa bakasyon niya. Naging magaan na ang pakiramdam niya. Palagi na silang nagkakausap ni Carlos. Araw-araw na nagkakasabay sila sa pagkain tuwing breakfast. Naging close na sila sa isa't isa..

 

     "So Carlos, bakit ka nga pala andito sa Rio Grande Resort?" ang tanong ni Chelsea.

     "Honestly Chelsea, ang step father ko ang may ari nang resort na ito. Simula noong nawala ang anak niya humito na siya sa pag manage ng kompanya na yong nag iisa niyang tagapag mana ay nawala kaya nawalan na siya nang gana. Kaya ako muna ang nag take in charge para tulungan si Papa   unfortunately kasi hindi na talaga namin nakita ang tunay niyang anak.

Kaya pansamantala ako muna ang ngpapatakbo ng resort na ito at iba pang company na pag mamay ari ng tunay na Ama ng half brother ko." ang kwento ni Carlos.

    "So isa palang bilyonaryo ang ng iisang anak ng step father mo? ang sagot ni Carlos.

     "Definitely right, at hanggang ngayon umaasa pa rin si Mama na makikita niya ang anak niya kay Papa Ricky." ang sagot ni Carlos.

    "Oh! Grabe naman pala ang story ng family ninyo." ang napamanghang sagot ni Chelsea.

    "But Papa Ricky, don't treat me as his own child kasi nga anak ako ng ibang lalaki ni Mama." ang malungkot na sagot ni Ferdie.

      "Oh sorry to hear that Carlos, naiintindihan ko rin ang pinagdadaanan mo." ang sympatiyang sagot ni Chelsea kay Carlos.

Nakarating na sa Rio Grande Island sila Ferdie at Michael, at ngduty sila kaagad kinagabihan dahil may isang malaking event sa Rio Grande Resort. Nag enjoy ang ibang customer at nasa bandang kaliwa ng table sila Carlos at Chelsea. At tinawag ni Carlos ang isang waiter.

 

    "Waiter, can we have some one order of margarita and one order of tequila please." ang sabi ni Carlos sa isang waiter.

    "Yes sir coming po." ang sagot ng waiter.

     "Here's your one order of  tequila Sir and one order of margarita Ma'am." ang maingat na pagbigay ng waiter.

     "Ferdie! napatulalang sambit ni Chelsea, what are you doing here?" ang tanong naman niya.

     "Ah Ma’am dito po kami naassign ni Michael na isa sa kasamahan ko, kami po ang napili ni Ms. Dy, na maassign dito kasi kulang daw po kasi ng dalawang waiter dahil po madami pong mga turista na dumarating." ang sagot naman ni Ferdie.

     "Oh really! That's good. Buti at nakapagduty ka na, ok na ba yong pasa mo sa mukha? ang alalang tanong ni Chelsea.

     "Sa awa po ng Diyos, magaling na naman po. Noong isang araw lang po ako ngstart magduty tapos kanina pa po kami dumating dito at duty po kaagad." ang sagot naman ni Ferdie.

 

Ehemm..ehemm..

 

     "Oh! Sorry Carlos, pakilala ko nga pala sayo. Siya si Ferdie Domingguez, friend namin siya. Nakilala namin siya sa isang seafood restaurant sa mall malapit sa office namin. At siya ‘yong kumanta sa debut party ng kapatid ko.

Nakuh ! subrang kulit kasi noon buti napapayag niya si Ferdie. By the way pinakilala ko nga pala sayo si Carlos Gomez, new friend ko na meet ko siya dito habang nagbabakasyon ako." ang patawang pakilala ni Chelsea.

     "Magandang gabi po Sir, ako nga po pala si Ferdie Domingguez. Nice to meet you po." ang pakilala ni Ferdie kay Carlos.

     "Magandang gabi rin, I'm Carlos Gomez." ang matabang na sagot ni Carlos.

Mukha siyang nagseselos kay Ferdie, dahil nakangiti si Chelsea, nang ipinakilala niya ito sa kanya na para bang matagal na silang magkakilala.

 

        Umalis na si Ferdie, para magserve sa iba pang customer. Subrang busy ang Rio Grande Resort dahil dumagsa ang mga customers. Mabilis naman ang serving nila, at maayos naman ang takbo nang resort.

Nag enjoy sila Carlos at Chelsea, pero nakainom na si Chelsea, kaya niyaya na niyang umakyat na sila Carlos, para ihatid siya dahil hindi na siya makalakad nang maayos. Inakbayan ni Carlos si Chelsea, at inakay papunta sa room niya. Nang nasa pinto na sila ni Chelsea..

 

     "Subrang ganda mo talaga Chelsea, sana maging girlfriend kita." ang pabulong na sambit ni Carlos.

     "Shut up Carlos, di pa ako naka fully move on sa ex boyfriend kung mas masahol pa sa hayop. Yong siya pa ang may ganang mambabae, f*ck him.

Sana mamatay na siya. Alam mo bang minahal ko siya nang husto tapos ano, gagantihan niya lang ako ng ganito.

Bakit Carlos pangit ba ako, hindi ba maganda ang katawan ko at kailangan pa niyang makipag one night stand sa isang pokpok na babae.

His an evil, I want to get rid of him, kaya lang ayaw kung ma skandalo ang pamilya ko dahil lang sa kahibangan ko sa isang lalaki. Enough Carlos." ang mangiyak-ngiyak na kwento ni Chelsea.

     "Naiintindihan kita Chelsea, kaya pasensya ka na sa akin nadala lang ako at nagagandahan sa iyo. Sana maging tayo pag ok na ang puso mo." ang sagot ni Carlos.

 Pero di na narinig ni Chelsea, ang sinabi ni Carlos dahil bigla itong nakatulog sa balikat niya. Ipapasok na sana niya si Chelsea, nang biglang dumating si Ferdie.

 

 

    "Sir ako na po magpapasok kay Ma'am kasi po trabaho din po namin na alagaan ang mga customer namin." ang sabi ni Carlos.

     "Ferdie ako na, wag kang makialam at isa pa waiter ka lang dito hindi ka chamber maid." ang mataas na tuno ni Carlos.

Hindi na nakipagtalo si Ferdie, at tumawag siya nang chamber maid..

     "Ok po, pero tatawag nalang po ako nang chamber maid. Hintayin nyo po muna ako." ang sabi ni Ferdie.

 

Pagbalik ni Ferdie galing sa pagtawag ng chamber maid. Nakita niya akmang halikan si Chelsea ni Carlos, nang bigla siyang sumigaw at natulalang napatingin si Carlos, at nagising naman si Chelsea.

 

     "Hey! anong nangyari bakit nandito tayo sa pintuan ng kwarto ko. Cge na at papasok na ako. Pumunta ka na sa room mo Carlos, at ikaw naman Ferdie bumalik ka na rin sa trabaho mo. Sige guys good night." ang sabi ni Chelsea at siya ay pumasok na sa kwarto.

 

Nagsibalikan na sila sa kanya-kanya nilang kwarto. Habang sila Ferdie ay di pa natapos sa pagliligpit dahil subrang tagal natapos ang event.

 

Pang anim na araw na ni Chelsea sa Resort. Medyo masakit ang ulo niya dahil sa nakainom siya kagabi nang ilang shot. Nang biglang may nagdoorbell sa room niya, ang pag kakaalam niya si Carlos na naman. Binuksan niya ang pinto na naka night dress lang siya, wala siyang bra na bakat na bakat ang dibdib niya. Maaninag talaga ang hubog nang katawan niya.

 

    "Yes, bakit Carlos?" nagulat si Chelsea, dahil hindi si Carlos ang nagdoor bell kundi si Ferdie.

     "Ay, sorry po Ma'am. Naabala ko po ba ang tulog ninyo? Pinapahatid nga po pala ni Sir Carlos para po breakfast ninyo. Di daw po siya makasabay sa inyo sa breakfast kasi daw po may urgent meeting sila sa kabilang conference room." ang paliwanag ni Ferdie.

     "Ah ganun ba! Salamat pakipasok mo nalang. Pakisabi kay Sir Carlos mo na salamat nag abala pa siya." ang sabi ni Chelsea.

 

Lumabas na si Ferdie. Napamangha siya sa katawan ni Chelsea na napakaganda na kahit hindi nakikita ang nasa loob pero bakat na bakat sa night dress na sinuot niya.@

 

     "Hay! ano ba ito nagpapantasya na naman ako. Masyadong malayo agwat namin kaya di ako pwedeng magkagusto kay Mam Chelsea." ang sabi niya sa kanyang sarili.

      "Hoy! nag day dreaming ka na naman. Tulungan mo kaya ako at nahihirapan na ako dito. Nagpapatansiya ka naman sa mga babae dito, mag asawa ka na kasi." ang pasigaw na sabi ni Michael, na kasama niya sa work.

 

Si Michael, ang malapit na katrabaho ni Ferdie, ngbibiruan sila kung minsan parang magbest friend na sila. May asawa na si Michael, at may isang anak na babae kaya ngtatrabaho siya ng mabuti para sa pamilya niya.

Inaayos na uli nila ang set up nang restaurant dahil natapos na ang event kahapon. Ini organize nila ang pag aayos nang tables and chairs.

Pang ikapitong araw na ni Chelsea, sa Resort at inaasahan niyang darating sa Rio Grande Island ang kapatid niyang si Emee, ang Yaya Ana nila, Joey at si Amalia.

Tumawag siya kay Amalia, para e inform na siya na ang susundo sa kanila sa bayan. Binigay na niya kay Amalia ang location para hindi sila maligaw. First time lang din kasi nakapunta si Amalia, sa Rio Grande kaya di niya kabisado ang lugar.

 

     "Amalia, saan na kayo banda? Lumapag na ba ang eroplano sinakyan ninyo? Paggaling ninyo sa airport sakay kayo ng barko papunta sa isla at dito na ako mag aantay sa inyo sa daungan nang barko." ang sabi ni Chelsea.

    "Yes! Chelsea, pasakay na kami ng barko. Baka after an hour nasa isla na kami. Wait mo lang kami diyan." ang sagot ni Amalia.

 

Habang nasa barko…

 

     "Ate, excited na akong makita ang isla lalo na si Ate namiss ko na siya kahit minsan nag aaway kami hmpp!" ang sabi ni Emme..

     "Ako nga din eh, excited na baka may makita akong Afam dun haha. Baka dun ko na makikita ang forever ko, malay natin!" ang patawang sagot ni Amalia.

    "Maganda kaya dun sa isla Ate? ang tanong naman ni Joey.

     "Oo naman yon ang sabi ng Ate Chelsea mo. Malalaman natin yan pagdating doon, malapit na pala tayong dadaong." ang sagot ni Amalia sa kapatid niyang si Joey.

 

          Dumaong na ang barko at super excited na silang makatungtong sa Rio Grande Island. Dali-dali silang bumaba at habang pababa sila, busy naman sa pagpipicture si Emme, sa lugar dahil subra talagang ganda na parang nasa paradise island.

 

     "Amalia! Andito ako banda punta kayo dito para sakay na tayo sa sasakyan na inarkila ko tapos deretso na tayo sa hotel ngpareserve na ako nang isang room pero may extend room siya para doon matulog si Joey, kasi lalaki siya hindi pwede isama sa isang room sa mga babae." ang sabi naman ni Chelsea.

     "Oo tama ka Chelsea, magandang idea yan. Saan ang venue natin bukas, pasyal kaagad tayo sa magagandang lugar dito ha!" ang excited na sabi ni Emme.

      "Eh, kaso di ko masyadong kabisado ang lugar seven days na ako dito pero di ko pa napasyalan ang mga magagandang lugar dito! Haha..patawang sagot ni Chelsea.

     "Ayy! Bakit ganun Ate. Di ka man lang ng enjoy nang todo dito sa loob nang seven days." ang pagtatakang sagot ni Emme.

      "Alam ko na kung bakit Emme, baka nakakita na yan nang boylet dito di lang niya sinasabi." ang pabirong sambat ni Amalia.

     "Hala! grabe naman kayo, eh sa kung ayaw kong mgbiyahe nang malayo mag isa nakakaboring kaya. Ngayong andito na kayo pwede na akong mamasyal para masaya di ba madami tayo."ang sabi ni Chelsea.

 

         Nakarating na sila sa Hotel at dumeretso agad sila sa kwarto kasunod nang kwarto ni Chelsea nasa room 144 sila. Pagkatapos nagtanghalian sila sa Rio Grande Seafood Restaurant. 

 

      "Wow! pati restaurant subrang ganda. Siguro mas maganda pa ang mga tanawin dito." ang sabi ni Joey.

Sumagot naman si Chelsea, "Oo naman Joey, wag kang mag alala sulitin natin ang seven days ninyo na bakasyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status