Share

Chapter 4 Age Gap – “My Lover Is A Waiter”

    "Di kasi ako makatulog Ate, namimiss kita. Kami lang dalawa ni Yaya Ana dito. Kasama din ba si Yaya Ana sa vacation?" ang makulit na tanong ni Emme.

      "Oo, apat kayo si Yaya, Ikaw, Ate Amalia mo at si Joey. Kaya matulog ka na!" ang naiiritang sagot ni Chelsea.

       "Paano sina Papa at Mama, darating na sila next week tapos wala tayo sa bahay." ang makulit na tanong uli ni Emme.

       "Hey Emme, you make me mad your so annoying of asking. Nakaplano na ang bakasyon na ito.

Sina Papa and Mama pati parents ni Ate Amalia mo ay kasama sila sa next trip natin for now tayo muna.

Huwag ka nang madaming tanong nilalamig na ako dito sa labas katatapos ko lang maligo sa pool at kailangan ko nang magbihis." ang pagalit na sagot ni Chelsea.

 

Tumahimik na si Emme, dahil alam niyang galit na ang Ate niya sa kakatanong niya. Natapos ang pag uusap nila at nakadama nang lamig si Amalia. Lumapit si Carlos at binigyan siya nang bathrob.

      "Wear this nilalamig ka na!" ang sabi ni Carlos.

      "Yeah thanks, my sister calling me and ganyan talaga ‘yon pag makipag usap sa akin madaming tanong kaya minsan naiirita ako." ang sagot ni Chelsea.

       "Oh really! Intindihin mo nalang ang sister mo kasi ganyan talaga ang mga kabataan." malalim na sagot ni Carlos.

       "Hey! what's wrong bakit namumula mata mo, umiiyak ka ba? ang tanong ni Chelsea.

       "Naalala ko lang ang stepbrother ko, nagkahiwalay kami noong ten years old siya at eight years naman naman. Siguro nasa thirty five years old na siya ngayon.

Ilang taon din namin siyang hinanap pero hanggang ngayon di pa namin siya nakikita. Pero si Mommy ko di pa rin nawawalan nang pag asa.

Sumakay kasi kami nang barko at nalunod ang barko buti nalang nakaligtas kami ako, si Mama at Papa kaso nahiwalay sa amin ang kapatid ko." ang kwento ni Carlos kay Chelsea.

Naantig ang puso ni Chelsea sa mga kwento ni Carlos sa kanya hindi pala madali ang pinagdadaanan niya. Nalungkot siya sa ikinukwento ni Carlos sa kanya kaya nakadama siya nang awa dito..

"So, ano mo siya older brother or younger brother? ang tanong ni Chelsea.

Sumagot si Carlos, "His my older brother, ako yong bunga nang pagtataksil ni Mama." 

Ang malakas loob na confession ni Carlos kay Chelsea.

Biglang tumahimik ang paligid at natahimik din silang dalawa.

Natapos din ang kwentuhan nilang dalawa, at umakyat na sila para pumasok sa kani-kanilang kwarto. Inihatid muna ni Carlos si Chelsea, sa pintuan nang room niya bago siya pumasok sa kwarto naman niya.

      "Good night Chelsea! Sabi ni Carlos kay Chelsea..

     "Good night Carlos, thank you for tonight nag enjoy ako." sagot naman ni Chelsea.

        Kinilig si Chelsea, nang pumasok siya sa kwarto niya, di niya alam kung ano ang nadarama niya. Talagang may itsura si Carlos, pero naalala pa rin niya ang nakaraan kung saan nasaktan siya ng husto dahil sa ex-boyfriend niyang si Mateo, na walang ibang ginawa kundi mambabae at saktan siya.

       

         

Flash back…

 

      Nagflashback sa kanya ang mga araw na masaya silang magkasama at ang matinding pag-aaway nila dahil sa isang babae.

     "Mahal na mahal kita Chelsea, alam mo naman na hinding-hindi kita ipagpaplit sa ibang babae, subrang swerte ko na ikaw ang naging girlfriend ko." ang matatamis na pangako ni Mateo.

     "Alam ko naman ‘yon Mateo, sana lang totoo lahat ang mga sinasabi mo para walang problema." sagot ni Chelsea sa kanya.

          Halos magka edad lang sila ni Chelsea at Mateo, mga twenty years old sila that time at nagsimula ang relasyon nila as puppy love noong fifteen years old sila pareho.

         Nang isang araw may isang concern na isa sa mga kaibigan nila na ngsend sa kanya ng malalaswang video na kitang-kita si Mateo at ang babae. Grabe ang reaction niya, subrang nanginig siya sa nakita niya.

Di siya nakapagpigil sinugod niya si Mateo sa working place niya.

"Mateo, what the hell are you doing?" ang nanggagalaiting tanong ni Chelsea.

"Chelsea, what? Ano ba problema mo at di ka talaga makapaghintay dito pa talaga sa working place ko ikaw mag skandalo." ang nahihiyang sagot ni Mateo, dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila.

 Nagtatrabaho si Mateo, sa isang restaurant as part time waiter dahil sa gabi may pasok siya. Dinumog sila ng mga tao sa pag aakalang may matinding nangyayari.

      "Lumabas muna tayo para makapag usap huwag dito kasi magagalit amo ko." ang kalmadong sabi ni Mateo. Hinila ni Mateo si Chelsea palabas.

     "Teka lang nasasaktan ako, at pwede ba bitiwan muna ako." ang nagpupumiglas na si Chelsea.

     "Cge sabihin muna gusto mong sabihin." ang galit na ding si Mateo.

     "What the hell Mateo, anong problema mo. Hindi ka marunong makontento at kailangan pa talaga ilihim mo sa akin na nakikipag kita ka sa isang babae at may video scandal pa kayo, halatang nag e enjoy ka sa ginagawa ninyo." ang galit na galit si Chelsea.

    "Wait, saan naman galing yang chismiss na yan. At sino may sabi sayo." ang nagtatakang sagot ni Mateo.

     "Ohhh! c'mon may proof ako dito, may ngsend sa akin ng video ninyong dalawa mga baboy kayo. Nasaan na yong sinabi mo na mahal mo ako at di mo ako ipagpapalit. Punyetang pangakong yan." ang subrang galit ni Chelsea kaya siya nakapagmura.

       "That was a mistake, hindi yan totoo or it's fabricated. It's not true Chelsea, believe me." ang explanation ni Mateo na may kasamang pagmamakaawa.

     "Go to hell Mateo!, anong fabricated pinagsasabi mo magsisinungaling ba ang video eh kita ang pamumukha mo, ito tingnan mo para mahimas-himasan ka." ang pagpapakita ni Chelsea sa ebidensiya.

Hindi nakaimik si Mateo, nanlumo siya at nahihiya siya kay Chelsea, dahil alam niya sa sarili niya na totoo lahat ang sinabi ni Chelsea at 'yong proof na video. Natahimik si Mateo at biglang iniyuko niya ang ulo niya.

     "I'm sorry Chelsea, I was wrong at pumatol ako sa isang babae. Yan yong time na hindi mo ako sinipot sa date natin dahil sa marami kang dahilan. Kaya naisipan kung mag one night stand." ang sabi ni Mateo.

     "Hayop ka talaga Mateo! ang babaw nang dahilan mo para makipag one night stand ka. Talagang pinairal mo ang kalibugan mo. Magsama kayo ng babae mo, huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin." ang galit na sabi ni Chelsea.

     "I'm sorry! akmang yayakapin ni Mateo si Chelsea pero sinampal nang malakas ni Chelsea si Mateo..

pakkk! malakas ang pagkasampal niya na parang nabingi si Mateo.

             

 

End of Flash back..

Nagising si Chelsea, sa iyak niya at namalayan niyang tumutulo na ang luha niya. Di niya alam nakatulog pala siya sa kakaisip at naalimpungatan siya. Tumayo siya para uminom ng tubig. Bumalik uli siya sa kama niya at agad siyang nakatulog. Nagising siya kinabukasan na may kumakatok sa pinto niya.

It was Chelsea third day of staying sa Rio Grande Island. Naging masaya naman si Chelsea lalo na noong makilala niya si Carlos.

Dingdong!dingdong!dingdong! may nagdoor bell sa kwarto niya. Pagbukas niya nang pinto ay si Carlos pala.

     "Oh! Carlos ikaw pala, ang aga mo naman. Good morning sayo! ang gulat na sagot ni Chelsea.

      "Hello Good morning, ah oo kasi pumunta ako sa baba para mag gym papawis ba. By the way sabay nga pala tayo magbreakfast kung ok lang sa iyo.!" ang sagot ni Carlos.

      "Oh talaga! Cge walang problema sa akin, magprepare lang ako." ani ni Chelsea.

 

   

         

At Gumaling na si Ferdie, at ngsimula na siyang pumasok sa trabaho niya. Naging maayos naman ang recovery niya at tuloy-tuloy na naman ang trabaho niya.

    "Hello pogi, buti naman nakabalik ka na sa work mo. Kumusta ka na?" ang tanong ni Amalia.

    "Hello po Ma'am Amalia, ok na po ako naka fully recovered na po. Salamat po." ang sagot ni Ferdie.

    "Oh that's good, oorder nga pala ako ng food take out kasi dadalhin ko kay Emme, gusto kasi niya luto ninyo. Salamat" ang pahapyaw na sagot ni Amalia.

     "Ok po Ma'am, ah Ma'am maitanong ko lang po nasaan po si Ma'am Chelsea, di ko po kasi nakikita na magkasama kayo." ang tanong ni Ferdie.

     "Bakit pogi namimiss mo siya ano.! Haha, joke lang pinapatawa lang kita.

     "Nasa bakasyon ang friend ko, nagbakasyon siya for fifteen days gusto daw niya makapagrelax. Di pa nga nagparamdam eh baka nagkajowa na yon doon sa isla haha.." ang tawang sagot ni Amalia.

     "Ah ganun po ba, mabuti po at makapagrelax siya. Ah wala pa pala boyfriend si Ma'am Chelsea eh maganda naman siya at matalino." ang pagtatakang sagot ni Ferdie.

      "Masyadong pihikan ang friend ko simula nung ngkahiwalay sila ng jowa niyang walang kwenta, biruin ba naman nakapag one night stand sa isang babae kasi daw ang dahilan niya wala sila time dahil palaging busy si Chelsea, which is napakababaw na rason." ang may pagkakagigil na sagot ni Amalia.

     "Oh talaga po, kawawa naman pala si Ma'am Chelsea. Sana mahanap na niya ang one true love niya soon." sagot Ferdie.

     "Sinabi mo pa pogi, sarap nga sampalin at tadyakan kaya lang ayaw na ni Chelsea nang gulo, alam ko kasi yong ugali ni Chelsea, may pagka strikta pero may pusong mamon naman yon, problema nga lang pag na inlove talagang todo kung magmahal na parang wala nang bukas.

Ay ano ba yan ang chismosa ko talaga, cge na at alis na ako! sabi ni Amalia.

 

Nagpatawag nang meeting ang boss nila Ferdie para e inform sa kanila ang bagong assignment nang bawat isa sa kanila.

 

     "Good morning everyone, gusto kung ipaalam sa inyo na ang isa sa branch ng seafood restaurant na nasa Rio Grande Island ay nangangailangan ng dalawang tao at napag isipan kung si Ferdie, at Michael ang e assign ko doon RIO SEAFOOD Restaurant, so hopefully pagbutihan ninyo ang inyong trabaho.

May sarili kayong accommodation doon kaya wag kayo mag alala at ang step son ng may ari ng Resort ang nagrequest dahil medyo madami ang turista na dumadayo doon." ang sabi nang manager nila.

     "Ok po Ma’am, pagbubutihan po namin ang pagtatrabaho doon." sabi ni Ferdie.

     "Mabuti naman Ferdie, aasahan ko iyan. E maintain ninyo ang magandang feed back nang mga customers at ng anak ng may-ari ng kompanya." ang sagot ng manager nila.

 

Nakauwi nang bahay si Ferdie, at pagod na pagod siya. Siya ay nangungupahan lang sa Manila at napag isipan niya bisitahin ang kanyang mga magulang bago siya magtrabaho sa  isla na ina sign sa kanya nang manager niya.

 

Pinalaki ng mag asawang Alvin Domingguez at Maria Domingguez si Ferdie ng isang mabait na anak.

Walang anak ang mag asawa, pangingisda ang hanapbuhay ni Mang Alvin at dressmaking naman si Aling Maria, naninirahan sila sa isang maliit na isla na kunti lang ang mga residente. May sakit si Aling Maria sa kanyang kidney, kaya huminto muna siya sa pagtatrabaho niya at nung ngsimula nang magtrabaho si Ferdie, ay ayaw na niya na mahirapan ang mga magulang niya. Siya na ang nagsusustento sa mga kinikilala niyang mga magulang.

 

Kinabukasan bumayahe si Ferdie sa lugar nila sa probinsya.

 

      "Itay, Inay kumusta po kayo? Bulalas ni Ferdie at niyakap ni Ferdie, ang kanyang mga magulang niya.

Mga dalawang taon na din ang nakalipas noong hindi siya nakauwi sa kanila. At miss na miss na niya ang kanyang mga kinikilalang mga magulang.

      "Ferdie, kumusta? Ok naman kami. Mabuti nakapasyal ka sa amin ilang taon na din ang nakalipas namimiss ka na namin nang Itay mo." naiiyak na sabi ni Aling Maria.

      "Oo nga anak, kumusta naman ang naging buhay mo sa Manila, ok ka lang ba doon?" ang tanong naman ni Mang Alvin.

     "Huwag po kayong mag alala sa akin Inay at Itay, ok po ako dun at safe naman po doon at sa tinitirhan ko. Yong gamot po ninyo Inay, madami pa po ba? Kain po kayo nang mabuti para po mas lalo pa kayong lumakas." ang pag alalang sabi ni Ferdie.

     "Huwag kang mag alala sa akin Anak, sinunsunod ko ang mga payo mo sa tuwing nag uusap tayo sa telepono." ang sagot ni Aling Maria.

     "Kayo Itay, pumupunta pa rin po ba kayo sa laot?" ang tanong ni Ferdie sa kanyang Ama.

     "Pasensya ka na anak nakasanayan ko na talaga ang lumaot pero di na gaya nang dati na araw araw ngayon paminsan minsan nalang." ang sagot naman nang kanyang Ama.

      "Ok lang yon Itay para di naman kayo mainip  sa bahay at may mapag abalahan kayo minsan." ang sagot naman ni Ferdie.

     "Oh! siya sige tama na yan, at maghanda na ako nang tanghalian natin para makakain na tayo" ang sabi ni Aling Maria.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status