Share

Chapter 3 Age Gap – “My Lover Is A Waiter”

Natapos ang pagpapalitan nila nang mensahe nang gabing iyon. Naging masaya ang buong araw ni Chelsea, kahit na stress siya kay Richard. Tuloy pa rin ang araw niya.

Kinabukasan sa opisina ngkita uli sila Chelsea at Richard. Di sila nagkibuan dahil sa nangyari. Tuloy-tuloy ang lakad niya nang bigla silang ngkasabay sa elevator.

      "Good morning, Ms. Lee!" bati ni Richard sa kanya..

      "Good morning!" matabang na sagot ni Chelsea.

     "Ms. Lee, sorry for what had happened last day. I didn't mean to do that stupid actions but I was drunk and I didn't control myself. I was jealous with Ferdie." ang paliwanag ni Richard.

     "Oh! C'mon Richard, Ferdie is nothing to me besides hindi ko siya bisita kundi bisita siya ng kapatid ko and you know na big day ni Emme, that time but you ruin it.

Good thing is patapos na ang party at nagsi uwian na ang mga bisita ni Papa kung hindi mas lalong magagalit sayo si Papa kasi nagskandalo na wala sa lugar." ang mahabang sagot ni Chelsea.

        "I'm so sorry Ms. Lee, hindi na po mauulit." ang nahihiyang sagot ni Richard.

        "Definitely! kasi next time hindi ka na namin iimbitahin kung may party sa bahay." ang taray na sagot ni Chelsea.

Iba si Chelsea, siya yong tipo ng tao na pag hindi ay hindi talaga at di siya natatakot sa ibang officemate's niya kahit mas matanda or senior na sa kanya hindi dahil siya ang anak ng may-ari nang kompanya kundi dahil siya ay independent na babae na kahit wala siyang posisyon o yaman pero alam niyang mabuhay sa pamamagitan ng diskarte niya.

Nagpatawag ng meeting si Chelsea, together with the board para e discuss ang about sa contract at ang pag file niya nang leave nang ilang days dahil gusto niya mag bakasyon para makapag isip ng maayos at makapag enjoy.

       "Hello everyone, siguro alam na ninyo kung bakit may board meeting tayo ngayon." ani ni Chelsea.

      "Yes Ms. Lee, we got the information from Ms. Amalia." sagot ng board of staff.

      "So we have two agenda, first I would like to inform you all that we successfully close the deal of Salvador Fashion Group and congrats to all the hard work everyone." ang masayang annunsyo ni Chelsea sa board.

Nasisipalakpakan ang lahat sa success ng team nila.

      "Ok thank you everyone." sabi ni Chelsea..

       "Wala bang treat diyan Ms. Lee." ang pahabol na tanong ni Amalia, at ng ibang staff na nag agree naman sa sinabi ni Amalia.

     "Ok, meron but e announce ko muna ang second agenda ko which is plano kung magleave muna sa work for fifteen days, and Ms. Sofia will take over my place for just fifteen days.

And my treat for you guys is after my vacation so be patience dahil tutuparin ko ang sinasabi ko sa inyo." ang explanation ni Chelsea.

       "Ok Ms. Lee, thank you! Enjoy your vacation." ang sabi ng mga staff niya  "Thank you! That's all for today and you can continue your work now." ang sagot ni Chelsea.

         "Amalia, follow me to the office may sasabihin lang ako sa iyo." ang sabi ni Chelsea kay Amalia.

        "So ano na Ms. Lee, anong plano mo sa bakasyon mo?" ang tanong ni Amalia.

       "Well plano ko ay mauuna akong magbakasyon for seven days sa Rio Grande Island at sumunod kayo nila Yaya Ana, Emee at Joey kayong apat, next time na lang tayo magbakasyon with Mama & Papa pati na parents mo." ang sabi ni Chelsea.

       "Oh talaga? Tama yong plano mo kasi kung isasama mo ako nang fifteen days di ka makapag isip nang maayos may kasama kang kalog na kaibigan eh! Haha." ang patawang sabi ni Amalia.

        "Baliw ka talaga, seryoso na ako dito pinapatawa mo naman ako, kaya gusto kitang kasama eh, nawawala stress ko." ang sagot ni Chelsea.

Kinabukasan naghanda nang gamit si Chelsea, para sa bakasyon niya sa Rio Grande Island for fifteen days. Flight niya papunta sa Isla nang hapon mag cutting trip siya since walang eroplano derekta sa Isla.

Ang Rio Grande Island ay isa sa gusto niyang puntahan dahil iyon ay subrang tahimik at nakakapagrelax talaga nang isip. May nag iisang resort lng doon na ang may-ari ay walang nakakaalam kahit ibang mga turista. First time niyang makapunta doon at excited siya na makarating doon. Napapalibutan ng dagat ang isla at subrang ganda nang lugar kung saan makikita ang white sand na parang gitara pag low tide at pwede silang pumunta doon para mag picture taking.

        "Good afternoon Ms. Lee, right?" ang bati na sabay tanong ng guard na may kasamang chamber maid. Dumeretso sila sa reception area.

       "Yes ako nga, ako yong tumawag sa inyo last day para mag check.in ako today dito until fifteen days. Pero mag additional ako ng one room na may extension siya after seven days of staying here kasi may mga kasama ako na susunod sa akin." ang paliwanag ni Chelsea.

        "Yes po Ms. Lee, noted po. Ito na po yong room key number ninyo. Room 143 po at tawagan nyo nalang po kami dito sa reception kung may kailangan kayo.

Please follow po kay kuya para maturuan po kayo saang banda ang room ninyo " ang sabi nang receptionist.

"Ok thanks!" sagot ni Chelsea.

      "Wait kuya, sino pong nagchecheck-in this room beside my room?" ang tanong ni Chelsea.

      "Sorry po Ma’am hindi ko po alam, at ayaw din po nila ipaalam sa amin dito" ang sagot nang chamber maid.

      "Oh really! That was weird, forget it kuya. Kuya wala namang multo dito sa resort ninyo?" ang tanong ni Chelsea.

       "Ay! wala po Ma'am, last year lng po ito itinayo at mga six months na po itong nag operate. Hindi po kasi agad na operate kasi po sabi namatay po yong Ama nang may-ari ng resort na ito kaya na delay po yong pag construct." ang paliwanag ng chamber maid.

        "Abay, alam na alam mo kuya ah ang detalye kaya thanks. Have a good day po." ang sagot ni Chelsea.

        "Have a good day din po Ma'am, tawag lang po kayo kung may kailangan kayo open naman po kami 24/7 para po sa customer namin na nagchecheck-in." ang paalala nang chamber maid.

     Masaya si Chelsea at finally nakarating na siya sa Rio Grande Island na dati pinapangarap lang niya. Naghapunan muna siya at napag isipan niyang maligo sa pool sa baba. Naka one piece lang si Chelsea covered with bathrob. Wala masyado tao sa pool dahil gabi na, iilan lang sila at hindi niya kilala ang ibang customers.

Nag enjoy siya at ng tinanggal na niya ang bathrob niya nakita ang magandang hubog na katawan ni Chelsea. May katam-taman siyang panghinaharap hindi naman masyado malaki yong sakto lang at ang beywang talagang sakto sa one piece na suot niya.

      Nagpalangoy.langoy siya sa pool at nang umahon siya pumunta muna siya sa isang bed chair, uminom nang juice at humiga saglit.

May napansin siyang isang tao sa itaas ng room na katabi ng kwarto niya isang lalaki na hindi niya kilala pero sa hugis ng mukha ng lalaki ay pamilyar ang mukha niya. Nakatingin sa kanya ang lalaki at bigla siyang kinabahan.

     Dali-dali siyang tumayo at umalis sa pool area para magpunta sa room niya at maligo na para makapagpahinga. Pero bago ‘yon dumaan muna siya sa receptionist at nagtanong.

      "Miss alam ba ninyo kung sinong nakatira sa kabilang room katabi ng kwarto ko. May nakita kasi akong isang lalaki na dumungaw sa bintana at pinagmasdan ako." ang tanong ni Chelsea.

       "Kahapon lang po siya dumating Ma'am nauna lang po siya nang isang araw at gabi sa inyo. Actually po ayaw po niya ipasabi sa mga customers ang pangalan niya." ang sagot nang receptionist.

       "Oh talaga subrang weird naman, pwede ko bang matingnan ang name sa files niya." ang insist ni Chelsea.

       "Sorry po Ma'am, may rules po kami na we keep our customers details and privacy unless po siya mismo ang magsabi na pwedeng ibigay ang details niya." ang sagot nang receptionist.

        "Ok sorry! I was just curious. I have to go in my room. Salamat uli." ang paalam ni Chelsea.

 Nagtataka si Chelsea kung sino yong nasa kabilang kwarto na nakacheck-in pakiramdam kasi niya, sinunsundan siya ng lalaki kaya ganun nalang ang pangamba niya.

Hindi siya makatulog kaya bumababa uli siya at nglalakad papunta sa pool at may nakita siyang isang lalaki na naliligo. Hindi niya masyadong nakilala ang mukha dahil may kadiliman ang area na kung saan nandun ang lalaki na naliligo.

Hindi na siya mapakali kaya bumalik uli siya sa room niya at doon nalang siya nagstay umiinom siya ng isang baso ng red wine para makatulog. At nakatulog din siya mga ala una nang madaling araw.

      "Good morning Sir, ano po gusto ninyong breakfast?" ang tanong ng waiter sa may bandang kanan ng table na inu-upuan niya.

Pagka tingin niya sa may bandang kanan nakita niya yong lalaki na nasa pool kagabi.

May itsura ang lalaki at halatang mayaman at napansin niyang inaasikaso siya ng husto ng waiter at feel niya VIP ang taong iyon. Na wewerduhan siya sa mga pangyayari, nang biglang may naghatid sa kanya ng breakfast na hindi pa naman siya ng order.

      "Good morning Ma’am, may pinabibigay po na breakfast para sa iyo." ang sabi ng waiter.

      "Thank you kuya, sino po ngbigay nito? Pakisabi salamat." ang sabi niya sa waiter na may kasamang smile.

       "Sorry po Ma'am pero ayaw po ipasabi nang ngbigay ang pangalan niya. Para sa inyo daw po yan." ang sagot naman ng waiter.

 

Natapos na magbreakfast si Chelsea at naguguluhan pa rin siya sa mga pangyayari. Yong plano niya na mgkapagrelax sa pag iisip dahil subrang stress siya sa work pero di pa rin niya maiwasan ang mag isip. 

Kinagabihan naligo uli siya sa pool, ang suot na naman niya ay two piece at talagang napakaganda ang hugis ng katawan ni Chelsea, makikita talagang alagang-alaga niya ang katawan niya.

Nang lumusob na siya sa tubig, nagulat siya nang biglang umahon ang isang lalaki sa harapan niya. At nakatitigan sila, hindi niya alam ang nararamdaman niya na parang may kuryente na dumaloy sa katawan niya. Subrang gwapo ng lalaki sa malapitan kaya hindi siya makapagsalita.

      "Hey! Miss, are you ok?" ang tanong ng lalaki na nagtataka na nakatitig lang sa kanya si Chelsea.

       "Ah! Yes, nagulat lang ako kasi di ko alam may tao pala dito na naliligo at bigla kang umahon sa harapan ko." ang nahihiyang sagot ni Chelsea.

       "Oh! I'm sorry di ko napansin kasi akala ko wala nang maliligo sa pool sa ganitong oras." sagot nang lalaki.

       "By the way I'm Carlos Gomez, nice to meet you." pakilala ng lalaki.

       "I'm Chelsea Lee, nice to meet you too.! Pasensya ka na nadisturbo ko yong pagliligo mo. Cge mauna na ako." ang sagot ni Chelsea.

        "Wait, dito ka muna mgkwentuhan muna tayo para makilala naman kita nang lubusan." ang sabi ni Carlos.

Hindi na umalis si Chelsea, at ng usap-usap sila sa mga bagay-bagay.

Hindi nila namalayan malalim na ang gabi, medyo nakainom ng kunti si Chelsea, dahil ng order ng wine si Carlos. Tumayo na si Chelsea, nang biglang hinawakan ni Carlos ang kamay ni Chelsea. Na out balance si Chelsea, at napakandong siya kay Carlos.

Tinitigan siya ni Carlos, at napahawak naman si Chelsea sa batok niya. Akmang hahalikan ni Carlos si Chelsea, nang biglang ng ring ang phone ni Chelsea. Nagulat silang dalawa at dali-daling tumayo si Chelsea, para sagutin ang tawag.

      "Hello, yes Emme, ano kailangan mo? ang tanong ni Chelsea sa kabilang linya. 

       "Hi! Ate, I just want to check if you are okey there. And Ate sabi ni Ate Amalia, susunod daw kami para makapag enjoy din kami. Totoo ba yon Ate." tanong ni Emme.

      "Yes, I will message your Ate Amalia, to book a ticket for your flight, she still have work and busy at the office kaya wait ka lang, isasama niya si Joey para may kabonding ka." ang sagot ni Chelsea.

      "Oh! Talaga gusto ko yan Ate. Excited na ako makapunta diyan, maganda ba ang lugar Ate?" ang kulit na tanong ni Emme.

       "Yes! subrang ganda. Kaya matulog ka na at hatinggabi nah. Pwede mo naman akong tawagan bukas para makipag usap ka sa akin. Bakit subrang late na nang gabi ka tumawag." ang sagot ni Chelsea.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status