Share

Chapter 2 Age Gap - "My Lover Is A Waiter"

     "Hi! Chelsea, can we have some drinks in our table?" ang anyaya ni Richard. Siya ang staff nila na matagal na may gusto sa kanya di lang niya masabi dahil boss niya ito.

 

       "No, why should I? Dito lang ako kina Amalia, go with your friends there." sagot ni Chelsea.

 

 Pinuwersa siyang hawakan ni Richard, para dalhin doon sa table nila. At ngpupumiglas si Chelsea, sapagkat ayaw niya. Nasasaktan ang kamay ni Chelsea, dahil sa higpitan na pagkakahawak ni Richard.

 

      "Pare, wag munang pilitin kung ayaw sumama sa iyo, nasasaktan na yong kamay niya. Masyado atang mahigpit ang pagkakahawak mo." sambat ni Ferdie sa may likuran ni Chelsea..

 

        "Sino ka ba bakit ka nakikialam dito ha? sagot ni Richard.

 

At biglang sinuntok ni Richard si Ferdie, natamaan ang panga ni Ferdie, dahil hindi iyon nakailag pati ang ilong nito na nagdurugo na.

Nakakagulo na at lumabas ang Papa ni Chelsea, para patigilin sila. Nagsi uwian na ang ibang mga bisita nila pati na si Richard at mga kasamahan nito pero hindi pina uwi nila Chelsea at Amalia si Ferdie, para gamutin muna ang sugat nito.

 

      "Oh! Did you hurt? Sorry Ferdie, nang dahil sa akin nasuntok ka ni Richard. Those bastard Richard, humanda siya sa akin sa office bukas." ang galit na sabi ni Chelsea.

 

     "Ok lang po yon Ma'am Chelsea nakainom na po kasi siya kaya ganun. Nasaktan po ba kayo sa pagkahawak nang mahigpit sa kamay ninyo?" pag alalang tanong ni Ferdie.

 

     "No worries Ferdie, I'm fine. Halika pumasok muna tayo sa loob at kukunin ko lang ang first aid kit para magamot na yang sugat mo.

May trabaho ka pa naman bukas. Baka magalit yong Manager ninyo pagmakita ka na may pasa ang mukha mo." ang sagot ni Chelsea na may pag-alala.

 

      "Ok lang po yon Ma'am gagamitin ko nlng po muna ‘yong three days sick leave ko para makapagpahinga ako at di na masyadong halata ang pasa ko sa mukha. Salamat po sa pag alala." ang sagot ni Ferdie, na nakatingin kay Chelsea.

 

Nagtitigan sila at papalapit ang mukha ni Chelsea, sa mukha ni Ferdie. Nang biglang pumasok si Amalia.

 

 

       "Uy, ano yan ha! Dali-daling tumalikod si Chelsea, nang marinig niya ang boses ni Amalia na ngsasalita..

 

      "Ah ehh wala, may dumi lang sa mukha ni Ferdie, tatanggalin ko sana." nahihiyang sagot ni Chelsea..

 

      "Oh talaga, ok! 'yon ang sabi mo eh!. Baka naman may something sa inyo na hindi ko alam." ang matalas na tingin sagot ni Amalia ky Chelsea.

Natapos ang party na masaya kahit sa huling part ay may kaguluhan. Masaya si Emme, dahil kompleto ang family niya at dumalo ang kakilala niyang si Ferdie, na kinantahan pa siya at hindi siya pinabayad  dahil gift niya daw iyon para sa kanya. Natuwa ang mga bisita sa galing nang boses ni Ferdie, at mahusay na pag guitara nito halos lahat napamangha at nagpalakpakan. Naging memorable ang debut party ni Emme.

       "Ouch ng sakit nang ulo ko napadami ata ako ng inom nang alak, habang hawak ni Chelsea, ang kanyang ulo dahil sa hangover! At tinawag niya si Yaya Ana.

      "Yaya Ana, paki dala nga ako ng tubig dito yong medyo mainit para mainitan yong sikmura ko. Si Amalia, nasa kabilang kwarto ba? tanong niya kay Yaya Ana.

       "Opo Ma'am, nasa guest room po. Sabi nga po pala ng Mama at Papa ninyo kumain po muna kayo nila Emee at Amalia, before po kayo umalis papunta office kasi po ako na po maghahatid kay Emme sa school. Umalis kasi sila maaga Ma'am may business trip sila." sabi ni Yaya Ana.

       "Ah ganun ba, cge gisingin muna si Amalia at Emme, maliligo lang ako. Ako na nga pala ang maghahatid kay Emme sa school, dito ka nalang sa bahay. E drop ko nalang siya sa school bago kami deretso sa office." ang kalmadong sagot ni Chelsea.

Pagkatapos nilang kumain umalis kaagad sila at hinatid nila si Emee, bago sila dumeretso sa opisina. Sa lobby ngkasalubong sila Richard at Chelsea..

     "Richard, I want you to go to my office, we have something to talk to." Ang di maipintang mukha ni Chelsea dahil sa pagkadismaya..

      "Ok Ma'am Chelsea, I will be there in two minutes." ang sagot ni Richard.

     "Huwag mo akong pag-antayin ng matagal dahil may meeting pa ako after ng pag-uusap natin." Chelsea replied.

Kumatok si Richard, sa pintuan ng office ni Chelsea, at pakabukas pa lang niya bumungad na kaagad ang sermon ni Chelsea sa kanya.

     "So explain to me why you acting very harsh last night? Hinihila mo pa ako para sumama sa iyo at mag join sa group ninyo. Kahit wala tayo sa office you should give respect to me.

I'm still your boss. Your lucky because I don't want to fire you. But for now on you will be change other department. Since our purchasing head was on leave for two months, I will assign you there as an in charge of the team in  Purchasing department, don't disappoint me Richard.

I will give you one more chance. Then do your best, show your guts!" ang parusa ni Chelsea kay Richard.

       "Ok, if that's what you want! Look I'm sorry for what I have done last night, I was drunk and I didn't control myself. I force you to come with me though you don't want, again I'm sorry Ma'am Chelsea." ang paghingi nang apology ni Richard ky Chelsea.

        "Enough! Go back to your work and go directly to Purchasing Department." ang naiiritang sagot ni Chelsea.

Pagka alis ni Richard pumasok si Amalia, para bigyan nang coffee si Chelsea. Dahil alam niyang wala sa mood ang kaibigan niya.

     "Hello Ms. Lee, anong nangyari parang gumuho ang mundo mo ah! At gusto ka nang mangagat sa subrang galit." ang sabi ni Amalia.

     "I was so stress with Richard, Amalia. I change him in a different department from Marketing to Purchasing kasi ayaw kung palaging nakikita ang pagmumukha niya.

That's the best way at pasalamat siya mabait pa rin ako na hindi ko siya tinanggal sa trabaho binigyan ko pa siya nang another chance to work here in our company." ang di maipaliwanag na sagot ni Chelsea.

        "Ok, relax. I understand what you feel. Ano kaya kung pumunta tayo sa mall during lunch break tapos punta tayo dun sa Seafood Restaurant baka nandun si Pogi, para naman guminhawa ang pakiramdam mo.

Sus, akala mo di ko nahahalata ang mga tinginan ninyo kagabi. Huwag ako girl haha." patawang sabi ni Amalia.

     "Tumahimik ka nga, ginugulo mo isip ko eh. Pag isipan ko pa, wala kasi ako sa mood maggala or pumunta sa mall.

I want some fresh air, punta nalang tayo sa beach near sa bahay ninyo. Uwi tayo nang maaga ako na bahala sayo sabihin ko nalang may appointment ako at isasama kita para di halata." ang ngiting sagot ni Chelsea.

     "Ok, cool ako diyan para maiba naman at makalanghap uli tayo nang fresh air." Amalia replied.

Natahimik sila nang saglit at muling nagmungkahi si Amalia..

Hmmpp, ano kaya kung magbakasyon muna tayo for three days para makapag isip.isip ka nang maayos, marefresh ka!" ang mungkahi ni Amalia.

      "Pwede rin, plano ko nga yan. Isama nalang natin sila Emme at Yaya Ana, kasi wala naman sila Mama at Papa nasa business trip din.

Pero gawin natin yan pagkatapos nang signing of contract ng client natin sayang din kung di tayo makapag close nang deal." ang sagot ni Chelsea.

     "Abay! cool ako diyan. Planuhin natin nang mabuti." ang patawang sagot ni Amalia.

Natuloy nga ang plano nila na umuwi nang maaga para pumunta sa isang magandang beach malapit sa bahay nila Amalia.

Mga dalawang oras din ang pamamasyal nila Chelsea at Amalia, subrang ng enjoy sila. Bago umuwi si Chelsea, sa kanilang bahay ay dumaan muna siya sa bahay nila Amalia, para maghapunan.

 

       "Magandang gabi po Aling Cora." sabay mano kay Aling Cora si Chelsea.

 

       "Magandang gabi naman Chelsea, buti napasyal ka dito sa bahay. Ilang buwan na rin di ka nadaan dito ah!" ang sabi ni Aling Cora.

 

      "Oo nga po, busy po kasi sa trabaho at may inaasikaso po kami na deal sa company kaya ganun, baka next week maluwag na po schedule ko at makapag unwind naman " natatawang sagot ni Chelsea.

 

      "Abay tama yan, para makapag relax ka naman at wag kang puro trabaho. Hindi ka talaga mgkakaasawa niyan." sagot naman ni Aling Cora.

 

       "Kaya nga po Ma, sabi ko din yan kay Chelsea, workaholic po kasi kaya ganyan. Buti nga minsan napapasama ko yan mamasyal sa mall.

At may nakita nga po pala kaming pogi na waiter dun sa seafood restaurant, talagang bagay sila ni Chelsea, haha" ang tawang sambit ni Amalia.

 

       "Hoy! grabe ka naman Amalia, ikaw nga may crush dun ako talaga chinichismiss mo sa Mama mo pa talaga.

Huwag po kayong maniwala kay Amalia, masyado lang po siyang napogian sa lalaking yon kaya ngpapantasya." ang depensa ni Chelsea.

 

      "Wala namang masama Chelsea, kung mainlove ka pwede mo naman bigyan nang happiness ang sarili mo wag puro trabaho, successful ka na sa buhay at may kaya ang mga magulang mo, kaya wala ka nang alalahanin pagdating sa mapapangasawa mo." ang sagot nang ina ni Amalia.

Isang masayang pamilya sila Amalia, ang ama niyang si Mang Arnaldo, ay nagmamaneho nang jeep, namamasada siya mula umaga hanggang gabi. Ang Ina naman ni Amalia si Aling Cora, ay nag o online business nang mga kakanin. May isang kapatid na lalaki si Amalia si Joey na graduating na nang grade twelve at magkokolehiyo na sa susunod na pasukan.

Simple lang ang buhay nila ni Amalia di sila mayaman pero buo at masaya ang pamilya nila. Naging magklasmit sila Amalia at Chelsea, sa College at sila na ang palaging ngkakasama hanggang sa nakapagtapos sila nang pag.aaral. Iba ang katayuan nila ni Amalia kina Chelsea pero tanggap siya ni Chelsea..

At biglang dumating ang Ama ni Amalia si Mang Arnaldo.

       "Arnaldo, nandito ka na pala. Tamang.tama maghahapunan tayo, may bisita pala tayo si Chelsea." ang sabi ni Aling Cora..

      "Abay, buti napasyal ka Chelsea. Pagpasensyahan muna ulam kung dala ito lang eh matumal ang biyahe. Sa susunod pagkapasyal mo dito sabihan mo kami at makapaghanda naman nang masarap na pagkain." ang sagot ni Mang Arnaldo.

        "Maganda gabi po Mang Arnaldo. Ok lang po ‘yon Mang Arnaldo, wag nyo po ako alalahanin sanay po ako kumain nang kahit anong pagkain. Wala po problema sa akin." patawang sagot ni Chelsea.

      "Oh cge na punta na tayo sa hapag kainan, nasaan na ba si Joey pakitawag mo nga Amalia. Nglalaro na namn yon ng Mobile Legend niya. Itong batang to pasaway talaga." ang inis na sabi ni Aling Amalia. 

      "Joey, bumababa ka na at kakain na tayo, wag mo pag antayin ang pagkain." ang malakas na tawag ni Amalia sa kapatid niya.

     "Oo na, baba na ako. Ang kulit naman ni Ate." ang pabalang na sagot ni Joey.

     "Ito na ba si Joey, malaki na pala ang batang to. Dati rati kasa kasama ko pa siya sa pamamasyal kami nila Amalia ngayon binatilyo nah." ang sabi ni Chelsea.

       "Hello po Ate Chelsea, kumusta po? Buti naman po napasyal kayo sa bahay. Medyo matagal na rin po kasi di kayo nakapasyal dito." sagot ni Joey.

        "Ok lang naman ako Joey, medyo nabusy lang sa office madami paper works at may client kasi kami na dapat ma close ang deal." ang sagot naman ni Chelsea.

Matagal din ang kwentuhan nila Chelsea, at ang pamilya nila Amalia. Nakauwi na si Chelsea sa bahay nila, at pagod na pagod siya sa byahe nang biglang tumunog ang phone niya.

       "Hello po Ma'm Chelsea, kumusta po ang araw ninyo." ang mensahe ni Ferdie.

Napangiti siya nang mabasa niya ang mensahe ni Ferdie. Kaagad naman niya iyon nireplyan.

      "Ok naman ako salamat sa pangumusta, ikaw ba kumusta naman araw mo, ok na ba yong pasa sa mukha mo?" reply ni Chelsea, sa mensahe ni Ferdie para sa kanya.

      "Medyo ok na po, nghilom na po yong sugat at baka po sa Wednesday papasok na po ako sa work." ang sagot ni Ferdie.

      "Abay magandang balita yan Ferdie, cge salamat uli sa mensahe mo matutulog na ako kasi kararating ko lang galing kina Amalia." ang sagot ni Chelsea.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status