Share

Chapter 60 Finale Age Gap - "My Lover Is a Waiter"

Nakangiti ang lahat habang wini welcome nila si Ferdie. Natuwa naman ang mga magulang ni Ferdie sa achievements na mayroon siya ngayon. Nagkaroon din ng magandang buhay ang kanyang stepfather si Mang Alvin. Pinapangako niya sa kanyang sarili na kung ano man ang tagumpay na meron siya ngayon ay kasama ang kanyang mga magulang umapon sa kanya  hindi man sila kompleto pero naniniwala siyang masaya ang kanyang Inay ngayon dahil nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon.

     “Kumusta sa bago mong trabaho anak?” Tanong ng kanyang ama.

    “Naninibago po ako Pa, hindi ko po akalain na makakaupo ako sa magarang upuan at magkaroon ng sariling opisina na dati ay nakikita ko lang sa mga palabas. Pakiramdam ko po nanaginip lamang ako, at sana hindi na ako magising, haha!” Nakangiting sabi ni Ferdie.

    “Deserve mo iyan anak, matagal din ang nakalipas na panahon na hindi ka namin nakasama ng iyong Mama, miss na miss ka namin anak.”

Nakangiti naman si Ricky sa kanyang anak, at nagsalita uli si Ferdie.

    “Pa, kumusta po si Carlos? Bisitahin po natin siya sa kulungan. Kahit marami siyang nagawang kasalanan sa atin ay parti pa rin siya ng pamilya natin.” Malungkot na sabi niya.

   “Oo nga anak, tama ka! Dalawin natin bukas, isama natin ang iyong Ina.” 

Pagkatapos lumabas ang warrant of arrest kay Carlos, ay nakulong din siya sa patong-patong na kaso na isinampa sa kanya. Hindi na rin niya na e deny kasi maraming inilabas na ebidensiya si Divina laban sa kanya. Siyempre nasaktan din si Divina sa ginawa niya dahil naging ex-husband din niya ito, kahit papaano ay may pinagsamahan din sila. Si Divina ang naging susi sa pagkabalik ng ninaw na kompanya ni Carlos kung saan inilipat niya ang kompanya sa pangalan niya ngunit nabawi nila ito dahil sa matibay na ebidensya na pinakita nila sa korte. Na annulled na din ang kasal nila Chelsea at Carlos kaya naman malaya na rin siya.

Kinabukasan ay binisita na nila si Carlos sa kulungan.

   “Carlos, kumusta ka na?” bati ni Ferdie.

   “Bakit pa kayo nandito? Hindi na naman ako parti ng pamilya ninyo di ba!

   “Huwag ka naman ganyan anak, hindi naman namin iyan iniisip dahil parti ka pa naman ng pamilya namin,” sagot ng kanyang Ina.

    “Hanggang ngayon ba Carlos, mapagmataas ka pa din hindi ka ba marunong humingi ng tawad sa amin na ginawan mo na mga kasalanan?

   “Para sa saan pa Ferdie, hindi na naman maibabalik kung hihingi ako ng tawad sa inyo. Patay na ang anak at ama ko, nawala na sa akin ang lahat at wala na akong kakampi tanging sarili ko nalamang.” Malungkot na sabi ni Carlos.

    “Bakit ka ba ganyan Carlos, magpakumbaba ka naman. Wala nang ibang kakampi sa iyo kundi kami nalang. Patawarin mo na ang sarili mo, para mapatawad mo rin kami.” Payo ni Ferdie.

Natahimik si Carlos ng ilang minuto, napag isip-isip niya na may punto naman si Ferdie sa sinabi niya.

     “Patawarin ninyo ako, alam kung walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo. Pinagsisihan ko ang lahat ng ginawa ko sa inyo lalo na sa anak ko. Hindi ko man lang siya nakasama ng matagal dahil sa nagpakabusy ako sa ibang bagay lalo na sa kagustuhan kung maghiganti kay Papa.” 

Pa, sorry po! Kasi hindi ko man lang nagawang e appreciate ang mga ginawa ninyo ni Mama sa akin. Alam kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo. Sana mapatawad ninyo ako,” sabi ni Carlos.

    Anak, okay lang iyon! Ako nga ang dapat humingi ng tawad sa iyo, dahil alam kung marami din akong pagkukulang sa iyo at hindi ko man lang pinadama sa iyo na mahalaga ka sa akin dahil nabalot ako ng galit sa iyong ama. Kahit wala ka naman kasalanan ay dinamay pa kita. Pinapatawad na kita anak, sana mapatawad mo rin ako.” Humingi din ng tawad ang kanyang ama sa kanya.

  “ Maraming salamat Pa. Oo pinapatawad na rin kita.” Nagyakapan sialng mag ama.

   “Kuya Ferdie, patawad po sa lahat ng ginawa ko sa iyo, patawad po sa pagiging gahaman ko na gusto kong agawin sa iyo ang lahat nang dapat ay sa iyo. Dahil sa kasakiman ko , madami ang nadamay sa mga kamaliang nagawa ko sa inyo. Sana mapatawad mo ako,”

   “Okay lang iyon Carlos, kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa iyo. Pinapatawad na kita, kung nakulong ka man dahil sa akin, iyon ay para marealize mo ang pagkakamali mong nagawa. Kapatid kita Carlos, kaya masakit din para sa akin ang ginawa ko sa iyo pero alam kung ito ang nararapat gawin para na rin mapatawad mo ang sarili mo. Alam kung naguguilty ka sa kamaliang nagawa mo sa anak mo, kaya naman leksyon mo na iyon na dapat mong matutunan.” Sagot ni Ferdie.

   “Maraming salamat kuya, salamat at pinatawad mo na ako. Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin dahil deserve ko naman ang lahat ng nangyari sa akin,” 

Nagyakapan na silang lahat na at nagkapatawaran na rin. Payapa na ang pakiramdam ni Carlos, ngayon napatawad na siya nina Ferdie at kanyanb Papa Ricky.

Makalipas ang isang buwan, busy na sa paghahanda ng kasal sila Amalia at Michael. Ito na ang araw na pinakahihintay nila, abala ang lahat sa paghahanda at masaya rin ang mga magulang nila pati na ang mga kaibigan nila.

    “Friend, kinakabahan ako! Ito na talaga ang araw na pinakahihintay namin ni Michael.” 

    “Amalia, relax ka lang! Ganyan talaga pag first time mong makaexperience na ikasal, lalo na kung ikakasal ka sa taong mahal mo, ang sarap sa feeling Amalia.” Nakangiti si Chelsea habang sinasabi niya iyon kay Amalia.

   “Hay naku! Nag imagine ka na naman, ano ka ba darating iyan sa iyo. Darating din ang araw na ikakasal ka sa taong mahal mo at mahal ka,” nagtatawanan na lamang sila dalawa.

    “Pare, congratulations! Grabe inunahan mo pa talaga ako ah! Good luck sa new journey ninyo ni Amalia, alam kung magiging masaya din kayo! Alam mo na, ako ang magiging ninong ng anak ninyo,” bati ni Ferdie.

   “Salamat Pare, hayaan mo na ikaw na din ang sunod na ikakasal. At saka ako nga ang unang maging ninong ng anak ninyo ni Chelsea, haha!” natawa na lamang silang dalawa.

   “Oh tama na iyang chikahan! Maghanda na kayo ha! Magsisimula na ang seremonyas.” Sabi ng wedding coordinator.

Chelsea: Hindi natin akalain na sa buhay natin may makikila talaga tayong magpapatibok ng ating puso. Hindi man naging madali ang relasyon nila Amalia at Michael pero naging matatag pa rin sila sa huli.

Ferdie: Akala ko, wala nang pag asa na umibig muli. Gaya nila Amalia at Michael, iba-iba man ang naging karanasan nilang dalawa ngunit totoo talaga ang kasabihan na “Pilit man kayong pinaglagyo ng pagkakataon ngunit pilit ka rin paglalapitin ng tadhana.”

Iyon ang nasa isip nila Chelsea at Ferdie, habang pinagmasdan sila Amalia at Michael. Masaya sila para sa kanilang mga kaibigan.

Natapos na ang seremonyas, ang lahat ay patungo na sa receiption kung saan sa restaurant ni Ferdie ginanap ang reception. 

Naghandog naman ng isang kanta si Ferdie para sa mga kaibigan niyang si Amalia at Michael.

“Tadhana” by Up Dharma Down

 Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong

Damang-dama na ang ugong nito

'Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo

Ibinubunyag ka ng iyong mata

Sumisigaw ng pagsinta

Ba't 'di pa patulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayo'y umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sa'ýo

Saan nga ba patungo?

Nakayapak at nahihiwagaan

Ang bagyo ng tadhana ay

Dinadala ako sa init ng bisig mo

Ba't 'di pa sabihin

Ang hindi mo maamin?

Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?

Huwag mong ikatakot

Ang bulong ng damdamin mo

Naririto ako't nakikinig sa’ýo

Habang kinakanta iyon ni Ferdie ay nakatingin naman siya kay Chelsea. Makikita sa mga mata ni Ferdie na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya kay Chelsea..

Makalipas ang tatlong buwan, kabuwanan na ni Chelsea. Napahiyaw siya sa subrang sakit ng kanyang tiyan. Sa pagkakatong iyon ay nagsama na sila Chelsea at Ferdie bilang pamilya, kasal nalang ang kulang sa kanila ngunit hinintay muna nila na manganak si Chelsea bago sila magpakasal.

   “Ferdie!! Nasaan ka? Ang sakit na nang tiyan ko!

   “Ano? Halika,..kinarga naman ni Ferdie si Chelsea papunta sa sasakyan para dalhin sa hospital. Pigilan mo muna ha! Kasi malapit na tayo sa hospital.”

   “Sige, arayyy! Pakibilisan mo naman Ferdie, lalabas na sila baby!” 

   “Oo, tatlong minuto nalang makakarating na tayo sa hospital”

Pagdating nila sa hospital, inasikaso kaagad ng mga nurse si Chelsea. Dinala kaagad nila sa operating room para doon na manganak. Excited naman si Ferdie dahil magiging ama na siya ilang oras na lamang. 

Dumating ang mga magulang ni Chelsea pati na kay Ferdie. Andoon din sila Emme, Richard, Amalia at Michael. Kompleto ang mga mahal sa buhay nila Chelsea at Ferdie.

Lumabas na ang doctor na nagpaanak kay Chelsea.

   “Doc, kumusta ang asawa ko?” tanong niya.

   “She’s fine now, puwede nyo na siyang puntahan maya-maya ihahatid na ng mga nurse ang dalawang bata. Congratulations Mr. Grande.” Nakangiting sagot ng doctor.

   “Maraming salamat doc,” excited na si Ferdie na makita si Chelsea at mga anak niya.

   “Ano pa hinihintay natin? Tara na puntahan na natin si Ate Chelsea,” sabi ni Emme.

   “Chelsea, anak! Okay lang ba ang panganganak mo? Tanong ng kanyang Ina.

   “Yes Ma, sa awa ng Diyos okay lang naman po,” 

   “Wala namang masakit sa iyo Babe? Tanong ni Ferdie.

   “Ok lang naman Babe,” nakangiting sagot ni Chelsea.

Inihatid na nang mga nurse ang dalawang cute na bata. Tuwang-tuwa silang lahat nung makita nila ang malulusog na chikiting na lalaki at babae.

   “Wow, ang cute naman ng mga anak mo Chelsea. Nainggit tuloy ako sa iyo, manang-mana sa mga magulang eh! Kagwapo at maganda! Haha,” sabi ni Amalia.

  “Bakit ka naman mainggit hon, gagawa din tayo ng ganyan soon haha!” asar naman ni Michael.

   “Hay naku! Nakakagigil ang mga pamagkin ko, kamukha talaga ni Tita,” ang sabi ni Emme.

   “Anak, ano naman ang ipapangalan niyo dalawang bata?” tanong ni Mrs. Grande.

   “Ah! Mayroon na po Ma, napag usapan na po namin iyan ni Ferdie, ang ipapngalan po namin ay Charmaine at Fabian.”

   “Wow, ang ganda naman ng pangalan Ate! I like it, “ sambat ni Emme.

   “Oo nga! Good choice Chelsea at Ferdie.” Sagot ng Papa nila. Nagtawanan silang lahat.

Nakauwi na si Chelsea galing sa hospital. Masaya sila Ferdie at Chelsea habang pinagmamasdan nila ang kanilang mga anak. Nagpapasalamat sila sa Diyos dahil binigyan sila ng napakagandang mga chikiting.

Makalipas  naman ang isang taon, mag year old na ang  kanilang mga anak. Napag isipan na nilang ituloy na ang kanilang planong pagpapakasal. Abala na naman ang lahat para sa napaka special ng araw nila Chelsea at Ferdie. Parang kailan lang na ikinasal sila Amalia at Michael. Ngyon naman ay sila naman ang ikakasal.

   “Hello Chelse! Excited ka na bang maglakad sa isle? Hmmp! Ito na iyon girl, iyong dating sinasabi mo sa akin na napakasarap isipin na ikakasal ka sa taong mahal mo,” 

   “Oo nga Amalia, subrang sarap sa pakiramdam na ikakasala na kami ni Ferdie.”

   “Pare, ako naman ngayon ang mag congratulate sa iyo! Finally pare, natupad na rin ang dating pangarap mo lamang, sabi ko sa iyo walang impossible pag magtiwala ka lang. Tingnan mo ngayon ang babaeng dati ay pinagmamasdan mo lang sa malayo ngayon ay magigiing asawa mo na.” nakangiting sabi ni Michael.

   “Oo nga Michael eh! Dream come true talaga!” 

Alright! Tama na ang chikahan diyan maghanda na ang lahat. Ang sabi ng wedding coordinator. Nasa simbahan na sila, naglakad na si Chelsea sa gitna, nakatingin siya kay Ferdie habang naghihintay sa kanya. Para sa kanya iyon na ang pinakamagandang araw sa buhay niya na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya.

Exchanging of vows..

Chelsea: I promise to be everything I know you can be, to never be trapped in despair to always see in yourself what I see in you, an amazing man, my husband, for whom I will always feel the greatest pride and admiration.

Ferdie: My commitment to you is one if give willingly, absolutely, and without hesitation. I am yours utterly and have been since the moment we met. We were married before this day and will always be.

Nasipalakpakan ang mga umattend sa kasal nila. Tuwang-tuwa ang lahat sa kasal nila Ferdie at Chelsea. Habang nasa reception sila, naghandog naman ng kanta si Ferdie kay Chelsea.

“Ikaw at Ako” by Moira Dela Torre

Sabi nila, balang araw, darating

Ang iyong tanging hinihiling

At noong dumating ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata

At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala

At ngayon, nandiyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin, 'di ka sasaktan

Mula noon hanggang ngayon

Ikaw at ako

At sa wakas ay nahanap ko na rin

Ang aking tanging hinihiling

Pangako sa 'yo na ika'y uunahin

At hindi naitatanggi

Ang tadhanang nahanap ko sa 'yong pagmamahal

Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal

At ngayon, nandiyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin, 'di ka sasaktan

Mula noon hanggang ngayon

Ikaw at ako

At ngayon, nandito na

Palaging hahawakan iyong mga kamay

'Di ka na mag-iisa

Sa hirap at ginhawa ay iibigin ka

Mula noon hanggang ngayon

Mula ngayon hanggang dulo

Ikaw at ako

Nakita naman nila si Carlos sa reception. Nakalaya si Carlos dahil binigyan siya ng pardon, iniatras na rin ni Divina ang mabibigat na kaso na ipinataw sa kanya. Nagkabalikan din sila Divina at Carlos.

Nagpropose naman si Richard kay Emme. Masaya na silang lahat..

The End…

  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status