Share

CHAPTER 23: Toxic

AFTER the visit to the Walton Mansion, Lily stayed at home. Doon siya nag-aral at gumawa ng plano para sa proyekto nila ni Danica habang nagpapahinga.

"Are you okay?" tanong ni Danica sa kanya habang kausap ito sa telepono. Naroon siya sa tabi ng pool at sabay na pinagmamasdan ang orange na nahahaluan ng papadilim na kalangitan.

“I got sick, but I think I'll be better by tomorrow. Pwede na nating pag-usapan ang proyekto. Hahanap ako ng pwedeng maging kliyente para hindi nakakahiya sa ‘yo.”

Bumuntonghininga ang babae sa kabilang linya. “I’m sorry. Hindi ko alam kung bakit ayaw akong pakaibiganin ni Brian sa ‘yo. Papayag lang daw siya na ako ang mag-ayos ng bago niyang apartment kung hindi ikaw ang partner ko. I don’t understand why he doesn’t like you.”

‘Because your boyfriend is a scumbag,’ nais niyang sabihin.

“Hayaan mo na lang siya.”

“Sigurado ka ba na hindi ka naging ex ni Brian?”

“Of course, not!” Nabigla siya sa hinala nito, kinilabutan siya sa bagay na iyon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status