Share

CHAPTER 30: Pathetic

NAGMULAT ng mga mata niya si Lily at natagpuan ang sarili sa isang silid. Mausok roon, madilim at may kainitan. Naniningkit na mata ni Jericho ang natagpuan niya habang naroon ito sa bintana. Panay ang buga nito ng usok mula sa vape.

Napaatras siya at saka niyakap ang kanyang binti sa pinakasulok. Suot pa rin niya ang gown kaya alam niyang wala itong ginawa sa kanya

“A-anong ginagawa ko rito?” usisa niya.

“You have a cunning and manipulative husband, Lily.” Nasabunot nito ang buhok. “Iniisa-isa niya kami, para saan? Para sa ‘yo?”

“Ano ang ginawa sa ‘yo ni Drew?”

“My wife is pregnant.” Inilapit nito ang e.cigarette sa bibig bago muling bumuga ng usok.

Hindi ba’t dapat ay masaya ito sa balitang iyon? Ngunit nabigla siya sa sumunod nitong sinabi.

“Hindi ako ang ama! Nagtrabaho ang asawa ko bilang sekretarya ni Drew Walton at alam ko na may nagaganap sa kanila!”

Umawang ang labi niya. Ngayon niya naikonekta ang relasyon ng naging babae ni Drew kay Jericho. “S-si Jenny?”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status