Share

CHAPTER 37: Need

SINUNDO sila ng isang shuttle service sa isla para sila ihatid sa resort area. Hindi pa rin makabawi si Lily sa tunay na pagkatao ni Danica.

“Ma’am Danica!” nabigla ang taong nakatoka sa pagdating nila sa isla.

“Hi!” Nakalimutan nito ang pangalan ng binatilyo. “Nagsabi ako kay Daddy na uuwi ako ngayon.”

“Yes po. Hindi ko lang inaasahan na magkakilala kayo ni Sir Kael.”

Hindi iyon ang unang beses na nagpunta roon si Kael kaya pamilyar na rito ang lalaki. Pinasakay sila ng shuttle mula sa resort.

“Augh!” usal ni Danica, at pagkatapos ay kinagat ang kuko.

Ramdam ni Lily na kinakabahan ito na hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi niya pa nausisa ang babae kung ano ang estado nito sa pamilya. Ang alam lang niya ay malaya ang kaibigan sa gusto nitong gawin. Well, at least, on her knowledge Danica is a carefree young woman.

“Hindi ba alam sa inyo na interior designer ka?” usisa ni Kael na nawala ang pagkapormal sa babae. Hindi na nito napigilan na magtanong dahil kanina pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status