“YOU were lying!” sigaw ni Drew sa daddy niya. Kung iyon ang isa sa mga rason kung bakit sila nagpakasal ni Lily. Paano iyon tatanggapin ng asawa niya? “Bakit naman ako magsisinungaling?” “Para saktan ako! Wala kang ginawa kung hindi sirain ako.” His dad chuckled. “Drew, sa ‘min ng lolo mo, siya ang talagang gustong manakit sa ‘yo. He doesn’t like Cristina’s daughter. Mas mahalaga sa lolo mo ang reputasyon ng kumpanya. Tandaan mo na anak kita. And don't act miserably because I know you don't love Lily. You've made up your mind to end your relationship with her." Natahimik siya sa sinabi nito. Natatakot si Drew na matulad sa kanyang ama. Everyone knows he’s a fvcker. Ayaw niyang saktan si Lily at manatili ito sa kanya kung sakaling matuloy ang pagbuo nila ng pamilya dahil natatakot siya. Ayaw niyang magkaroon ng ibang babae tulad ni Mr. Walton kaya mas gugustuhin na lang niyang mag-isa habang buhay. His chest clenched. Had he done the right thing? “I love Lily! Hindi ko gagaw
“NO, I don’t love her…” narinig ni Lily na sagot ni Drew kay Orion. Alam ni Lily na siya ang humiling na tapusin na ang kontrata nila ni Drew. Malaking desisyon ang ginawa niya. Masakit para kay Drew na alagaan siya habang may malaking kasalanan na nakapondo sa kanilang pagsasama. Inilahad ni Orion sa kanya ang kamay habang naroon siya sa sulok at umiiyak. Iginiya siya nito na maupo sa makulay na couch. The colors are bright. Tapos na iyon at tumeterno sa makulay na bulaklak sa pader. Ang isipin na pinintahan iyon ng kanyang asawa para takpan ang kanyang pangit na karaan ay lalong nagpalungkot sa kanya. Umupo si Orion sa kanyang tabi at hinayaan na sumandal siya sa malaking braso nito habang umiiyak. Kung tutuusin, kay Orion niya nakita ang pagmamahal ng isang kapatid na hinahanap niya. Natatakot siya rito noon dahil mukha itong bloke ng yelo sa lamig. Sino bang hindi? Mayroon siyang pangit na nakaraan at malaking red flag sa kanya ang lalaki. Ngunit nang makilala niya si
[This chapter may disturb some readers. A trigger warning is advised.] [Fourteen years ago] Alas onse na ng gabi, karamihan sa mga ilaw sa 12-palapag na gusali na pag-aari ng Walton Group ay nakapatay; ang mga empleyado ay walang alinlangan na mahimbing na natutulog sa kani-kanilang mga bahay. Gayunpaman, sa isang silid sa itaas na palapag ng gusali, humihikbi ang isang napakagandang babae na may balingkinitan na katawan. Sa opisina ng bise presidente, kung saan nagpunta ang babae, ay sinadya ang kahinaan ng sindi ng ilaw sa silid dahil nais nitong itago ang mga sugat mula sa matagal ng kaibigan. The man, with his expressionless face, stood next to the open glass sliding window in the far corner of the room, smoking a cigar. The architect had designed it specifically for him, taking into account his smoking habit. Sa lahat ng ayaw ni Andrew ay ang mga babaeng umiiyak lalo na't kagagaling lang nito sa nakakaupos na pakikipagtalo sa misis nito. He continued to blow smoke
NAGDAAN ang malulungkot na araw. May kailangan asikasuhin si Orion na may kinalaman sa pamilya at siya na mismo ang humiling sa lalaki na iwan na muna siya nito. Walang mangyayari kung matatakot siya kay Kenneth o sa iba pa. Kailangan niyang labanan ang takot ngayon na mag-isa na lang siya.Tauhan ni Drew si Orion at ayaw niyang masanay sa buhay na alam niyang hindi kanya.
SINUNDO sila ng isang shuttle service sa isla para sila ihatid sa resort area. Hindi pa rin makabawi si Lily sa tunay na pagkatao ni Danica. “Ma’am Danica!” nabigla ang taong nakatoka sa pagdating nila sa isla. “Hi!” Nakalimutan nito ang pangalan ng binatilyo. “Nagsabi ako kay Daddy na uuwi ako ngayon.” “Yes po. Hindi ko lang inaasahan na magkakilala kayo ni Sir Kael.” Hindi iyon ang unang beses na nagpunta roon si Kael kaya pamilyar na rito ang lalaki. Pinasakay sila ng shuttle mula sa resort. “Augh!” usal ni Danica, at pagkatapos ay kinagat ang kuko. Ramdam ni Lily na kinakabahan ito na hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi niya pa nausisa ang babae kung ano ang estado nito sa pamilya. Ang alam lang niya ay malaya ang kaibigan sa gusto nitong gawin. Well, at least, on her knowledge Danica is a carefree young woman. “Hindi ba alam sa inyo na interior designer ka?” usisa ni Kael na nawala ang pagkapormal sa babae. Hindi na nito napigilan na magtanong dahil kanina pa
“‘Tapos sasabihin mo sa ‘kin na magtatrabaho ka kay Kael. Niloloko mo ba ako? Pasusuwelduhin ko si Kael at pagkatapos ay ang kumpanya niya ang magbabayad sa ‘yo?” Kinakabahan si Lily sa galit na inaakto ng ama ni Danica. Kumapit siya sa braso ni Kael habang takot na takot. The man’s action triggered her. Naaalala niya kung paano magalit si Mr. Martin. Kasunod ang paghampas nito sa kanya ng dala-dala nitong tungkod o kaya naman ay kahit na anong bagay na makuha nito. “Please… stop…” Napayuko siya para tapusin ang panonood sa mag-ama. “Are you alright, Lily?” tanong ni Kael. Napapikit siya nang mariin. Dumiin ang kapit niya sa braso ni Kael. “Daddy naman, eh. Nakita mo na nand’yan ‘yong magiging boss ko. Nand’yan din ‘yong kaibigan ko. Bigyan mo naman ako ng kaunting hiya,” nakalabing sabi ni Danica. Naiiling na lang ang may-edad na lalaki. “Talagang ikaw na bata ka! Mag-uusap tayo mamaya,” wika nito bago sila hinarap. “Pagpasensiyahan n’yo na. Masyado kasing matigas ang
“I WANT these 2 autograph chairs for the pool area,” mungkahi ni Danica. Ipinakita nito ang magandang silya sa tablet na hawak kay Kael. Nagsisimula na silang maghanap ng mga kagamitan. Inilipat ni Kael ang tingin sa pool area at saka sa silya na nais nitong ilagay doon. “Hmmm… Gusto ko rin sana ng mga ‘yan, kaya lang ay hindi ba sila spacious sa pool area? Masyadong makipot ang gilid kaya ang nasa isip ko sana ay ‘yong tipong pillow lang if ever na gusto ng guest na mag-unwind dito sa lugar,” tugon ni Kael. “No! I want that in my pool! Ako ang magiging manager dito ‘pagdating ng araw kaya ‘yan ang gusto ko!” Ilan lang iyon sa palitan ng usapan ni Kael at Danica tungkol sa trabaho. Madalas na mapagbigyan niya ang tantrums nito dahil sa huli ay inaaprubahan ni Mr. Arvesso ang kagustuhan ng dalaga. Malapit na siyang maasar dahil sinisira nito ang trabaho niya. Nababago ang orihinal na plano kahit pa nga mayroon na silang napag-usapan. “You know what, Danica, how about do
‘DAN, please… talk to me, please. I didn’t do anything to that woman! Please trust me. Let’s talk!’ Iyon ang mensahe ni Brian, ang huling nobyo ni Danica. Matapos malaman na nadawit ito sa problema ni Lily ilang taon ang nakaraan, nakipaghiwalay siya sa lalaki. Their one-year relationship has been great until it was not. Siraulo ang barkada ng mga ito. Nakilala niya ang mga iyon noong minsan sa birthday ng lalaki, ngunit hindi niya akalain na may itinatagong baho ang grupo ng kanyang nobyo. Akala niya ay simple lang na ayaw nito kay Lily noong nagplano sila ng dalaga na bumuo ng partnership. Hindi niya akalain na may madilim na nakaraan pala ang dalawa sa isa’t isa. Nang kumalat sa school ang naganap noon kay Lily, nalaman niya na si Brian ang isa sa mga lalaking nagbigay ng mental abuse sa kaibigan niya. Wala siyang pagdadalawang-isip na nakipaghiwalay sa lalaki dahil tila ito lalaking nagtatago sa makapal na balat ng demonyo. Ngunit nitong mga nakaraan ay hindi niya nagug