Share

CHAPTER 28: Trust

Mabilis na sumunod ang bodyguard. Wala man lang naging tugon si Lily dahil hinila na siya nito. Nilingon niya si Drew na halatang galit. Panay ang mura nito kahit sa hallway.

Galit ba ang asawa niya dahil nawawala ang anak nito sa babaeng iyon? May anak nga ba si Drew?

“Huwag mong seryosohin ang narinig mo. Manloloko ang babaeng ‘yon,” komento ni Orion matapos siyang ihatid sa pribadong longue.

“Sino siya?” tanong niya sa kanyang bodyguard.

“Ex-fiancee ni boss.”

“May pakakasalan dapat si Drew?”

Dahil sa paglipas ng ilang buwan na nakasama niya si Orion, nasanay na siya sa presensiya ng lalaki, at itinuring na niyang kapatid ito, marahil iyon ang dahilan kaya hindi nito magawang maglihim. “Yeah… sa palagay ko, apat na taon na rin ang nakaraan.”

Maraming tanong si Lily. Hindi niya alam na may pakakasalan dapat na iba ang asawa niya. Kung nasa ganoong punto na ang lalaki, ibig sabihin ay minahal ito ni Drew.

Ano ang nangyari sa mga ito? At saka nagkaroon ba ito ng anak sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status