Share

Kabanata 66

MARAHAN kong idinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang maliwanag na paligid, ang mga nagsasayawang dahon sa ilalim ng puno kung nasaan ako. Naramdaman kong nakahiga ako sa madamong lupa. Mukhang nasa gitna ako ng kagubatan, sakto ang lugar na ito kung nais mong magpahinga. At sa itsura ng kalangitan ay nalaman kong hapon na.

Ngunit agad akong napabangon nang maalala ang huling nangyari bago ako napunta sa lugar na ito. Dinala ako ng mga sanga ng puno rito, at dalawang lahi lamang ang kilalang may ganoong kapangyarihan. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagdala sa akin dito, maging ang intensyon niya kung bakit niya ito ginawa.

Marahil ay para iligtas ako? Ilayo sa kapahamakang nais kong gawin? Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit.

Mabilis akong tumayo at pinagmasdan ang paligid. Walang kahit na isang nilalang akong nakikita, ako lamang mag-isa rito. Sa masaganang puno at mga buhay na buhay na halamang nakikita ko

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status