Hindi naging madali ang mga araw na lumipas sa pagsasama namin ni Elaisa. Ginagawa ko ang lahat para maging masaya sya pero hindi pa rin lumalabas 'yung ngiti nya na natural.Pilit kong pinapakita sa kanya na ayos lang ako kahit na sa totoo lang ay para akong pinapatay sa sakit. Noong nakita ko sya na duguan sa sahig ay halos panawan ako ng ulirat, I don't fcking know what to do, nanigas ako."Sweety, good evening. Let's eat." Nakita ko sya na nakaupo lang sa kama at tulala. Nilingon nya ako. Inilapag ako sa lamesa ang pagkain."Ayoko, wala akong gana." Sagot nya bago umiwas ng tingin."You need to drink medicine." Naupo na ako sa tabi nya."Wala akong sakit, Jared." Pagmamatigas nya. I take a deep breath."Please naman, Elaisa. Tulungan mo naman ang sarili mo, because here I am, helping you!" Hindi ko na napigilang mapasigaw.Nanlisik ang mata nya. "Hindi ko kailangan tulungan ang sarili ko at lalo nang hindi mo kailangan na tulungan ako!" "What are you saying? I'm your husband! Dap
Palakad lakad lang ako sa sala, nakagat ko ang daliri ko. Ilang araw ng umuuwi ng late si Jared, hindi ko alam kung busy lang ba sya o ano. Tinignan ko 'yung cellphone ko, wala manlang text.Hindi na ako mapakali kaya tinawagan ko si Jewel. Unang ring pa lang ay sinagot na nya.[Ate! Bakit ka napatawag? Nasaan ka? Okay ka lang ba?] Sunod-sunod na tanong nya sa akin."Okay lang ako. A-Alam mo ba kung nasaan ang kuya mo?" Nakagat ko ang ibabang labi ko.[Si kuya? Ang alam ko may celebration sila dahil birthday daw noong bagong secretary nya. Hindi nya ba nasabi sayo? I think nasa Friday Night sila.] Ramdam ko ang alanganin sa boses ni Jewel."No... Wala syang nasabi sa akin." Hindi na talaga ako mapakali.[D-Do you want me to call him?]"No, wag na." Kaagad kong pinatay ang tawag.One pm na at wala pa rin si Jared, hindi ko magawang matulog dahil nag aalala talaga ako sa kanya, kakayanin nya kayang umuwi?Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan at alam ko na kay Jared 'y
Hindi pumasok ngayong araw si Jared, iniinda nya ang ulo nya na sobrang sakit daw, nagkibit balikat na lang ako. Maaga ring hinatid ng isa sa mga guard ng kumpanya ang sasakyan nya na ginamit ni Marielle.Nasa sa sala sya at may binabasa na kung ano, mas pinili ko na lang manuod ng TV."Elaisa." Nilingon ko sya. Parang may gusto syang sabihin na ewan."Ano?" Tinaasan ko sya ng kilay."K-Kagabi... may nasabi ba ako?" Napakamot pa sya sa ulo nya.Ngumiti ako. "Hindi mo lang naman ako nakilala kagabi. Tapos niyakap kita pero tumatanggi ka noong una." Naalala ko na naman kaya bigla akong natawa."A-Ako? Ginawa ko 'yun?" Nabitawan nya ang mga papel na hawak at humarap sa akin."Oo! Tapos sabi mo baka malaman ng asawa mo pero sabi ko--" Hindi nya na ako pinatapos dahil tinakpan nya ang bibig ko."Stop it! Naalala ko na!" Tinanggal nya ang kamay sa bibig ko."Meron pa!" Magsasalita sana ulit ako pero tinakpan nya na naman 'yung bibig ko."Okay na! Okay na! Nahihiya lang ako lalo sa sarili k
Kaagad akong bumangon ng maramdaman ko na wala na sa tabi ko si Jared. Napalingon ako sa bed side table at napangiti ng mapansin ko ang isang red rose na may note "Good morning, Sweetheart. Let's eat lunch at John's restaurant. I love you." Napangiti ako.Sinimulan ko ng mag ayos dahil 10:30am na ako natapos sa pag ligo at pagkain, parang tinatamad pa nga akong bumangon dahil nangalay ang balikat ko sa pagtulog. Wala naman akong magandang damit na pwedeng suotin. Kinabahan ako bigla, ano ang susuotin ko?Natigil ako sa pag-iisip na may nag doorbell. Laking tuwa ko ng makita ko si Jessabelle sa labas ng gate."Good morning Ate. Pinapunta ako ni Kuya para ibigay sayo 'to. I heard you two have a date. Tama ba?" Mapang asar na tumawa 'to."O-Oo, mag lulunch kami sa labas." Inaya ko sya papasok sa loob."Saang restaurant naman ate?"Napaisip ako. Anong restaurant nga ba 'yun? "A-Ano, nakalimutan ko. Naeexcite na kasi ako." Natawa kami pareho.Inabot kami ng halo isang oras sa pag-aayos ko
"Ano ang gusto mong panoorin?" Tanong sa akin ni Jared pagdating sa Cinema."Hmmn, me before you. Nabasa ko na maganda ang review ng mga viewers sa movie na 'yun." Sabi ko."Romance?" Kumunot ang noo nya."Ayaw mo ba?" "No, it's okay. Let's go." Inakbayan ako nito bago kami pumila.Pagpasok sa loob ay halos wala akong makita. May liwanag naman ang screen pero talagang nanlalabo ang mata ko. Napahawak ako sa kamay ni Jared."Wala akong makita, masyadong madilim." Sabi ko."Ganun talaga, Sweety. Sinadya 'yun para sa mga mag-asawa." Tumawa pa sya ng mahina. Inalalayan nya ako para makasabay sa kanya sa paglalakad.Napasinghap ako ng ipulupot nya ang braso nya sa bewang ko para alalayan ako. Hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin ni Jared, kayang-kaya nya akong pakiligin sa mga simpleng galaw nya.Pag-upo namin ay luminaw na ang paningin ko dahil sa screen sa harap. Mali ata ang ibinili sa akin ni Jared na damit dahil nakaramdam ako ng lamig. Mukhang napansin nya 'yun dahil hinubad ny
Kahit kabado ay nagawa kong buksan ang pinto."Good morning po.""Good morning Mrs. Montefalcon, sit down." Bati sa akin ng doctor. "Ako nga pala si Dr. Vince Antofina, naging classmate ko ang asawa mo noong high school." Napasapo ako sa ulo ko, mali ata ang napuntahan ko."Anong nararamdaman mo ngayon?" "A-Ano po... Minsan nanlalabo po ang pangin ko, tapos nung mga nakaraang araw po ay nagsusuka ako." "Are you sure you're not pregnant?" Nakangiting tanong nya."Hindi po. Galing na po ako sa OB kanina, negative po." Gusto ko na rin sana magkaroon ng baby."Ano pa?" "Nahihirapan din po akong matulog, nawawalan ng balanse minsan." Napapatango ang doctor."Then we need to run some test. I'll list down everything, a nurse will assist you. You can change your clothes now." Kinamayan ko ang doctor bago lumabas.Kung ano-ano ang test na ginawa sa akin. May time nga na parang ayoko na, gusto ko na lang umuwi, pero hindi ko pwedeng isawalang bahala 'to."Were done with the test, it will ta
Naalimpungatan ako ng bigla akong makaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Umupo ako at dahan-dahan na idinilat ang mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa kagigising ko lang at sobrang labo ng mata ko, parang may nakaharang at sumabay pa ang nangangalay ko na kaliwang braso. Pilit kong inaaninaw si Jared, napangiti ako ng maaninag ko sya na mahimbing na natutulog.Pumikit ako at nagbilang ng sampo bago dumilat, malabo pa rin ang paningin ko. Kinapa ko ang paligid at dahan-dahan na bumaba ng kama. Kinapa ko ang daanan hanggang makapunta ako sa banyo, ang labo pa rin ng paningin ko. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumayo lang ako ng matagal hanggang sa luminaw na ang paningin ko.Ngayon na ang araw para malaman ko ang resulta ng nangyayari sa akin ngayon. Kinakabahan ako pero kailangan kong tanggapin kung ano man yun."I'll be in the meeting till afternoon, so baka late na ako makauwi." Napalingon ako kay Jared habang kumakain."Hindi na kita hihintayin?" Tanong
"Saan ka nanggaling?" Nakakunot noong tanong ni Jared paglabas nya ng bahay. "Bakit ka nakataxi?""G-Galing ako sa shop, binisita ko. Hinahanap raw kasi ako ng mga suki namin." Mabuti na lang talaga at bago ako pumunta sa hospital ay dumaan ako sa shop."Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nasamahan sana kita." Inakbayan ako nito at inakay papasok sa loob."Diba sabi mo gagabihin ka? Bakit nga pala ang aga mo umuwi?""Na-cancel yung mga meeting namin. Yung head kasi nung isang hotel, nahospital yung asawa nya. So we decided to reschedule the meeting." Inalalayan nya ako na maupo sa dining area.Napanganga ako ng makita ko ang lamesa naming. Ang sasarap ng mga nakahanda, tapos may wine pa."Anong meron?" Hindi ko mapigilang mapangiti."Wala. Just a normal night." Kibit balikat na sagot nya."Normal ka dyan! Parang hindi natin mauubos tong pagkain ngayong gabi. Ang dami! Ikaw ba nagluto?""Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na oo. Syempre nag hired ako ng professional chef para lutuin to