Share

Alluring the Billionaire
Alluring the Billionaire
Author: Miss A.

Chap 1

Lily 

"Wala na tayong magagawa,pababa na din ng pababa ang mga investor ng kompanya kaya paano pa ma reresolba ang problema sa kompanya?"Nag aalalang tanong ni mama habang nasa hapagkainan kaming dalawa.

Malakas akong bumuntong hininga"naniniwala akong maayos pa Ang problema sa kompanya ma"sabi ko ngunit umiling lamang si mama at tumingin sa kaniyang Plato.

"Bakit Hindi mo subukang akitin ang anak ng mga Davis?si Sean Davis hindi bat siya ang pinakamayamang tao sa Bansa natin?Kapag naakit mo siya puwede kayong magpakasal at nang sa ganoon ay bumalik Ang mga investor natin sa kompanya,puwede nating maibalik Ang mga perang nasayang para sa kompanya"Aniya kaya napatigil ako sa pagsubo ng ulam.

Malakas akong napabuntong hininga ulit at binaba ang hawak na kutsara at tinidor.

"Ma hindi kona kailangang gawin iyon dahil alam kong kaya ni daddy na ibalik ang mga nasayang na pera para sa kompanya"aniko at pinunasan ng tissue Ang gilid ng labi.

"Mauuna na ako"paalam ko sa kaniya at tumayo upang umalis.

Habang nagmamaneho papunta sa kompanya ay naisip ko Ang sinabi ni mama.

Alam ko namang malaki Ang problema ng kompanya,halos kakaunti nalang Ang empleyado namin dahil nag reresign na Ang iba,pababa na din ng pababa ang investor.Pero alam kong maayos pa Ang problemang iyon,kahit na anong mangyari ay hinding hindi ko aakitin at papakasalan si Sean Davis kahit na siya pa ang pinakamayaman na tao sa Pilipinas.

Maghapon akong nasa kompanya para kausapin ang mga nag babackout na investors at mga empleyado na nag reresign,Ang rason nila ay kakaunti nalang daw kasi ang sweldo na nakukuha nila. 

Maghapon na ako lang ang nakiusap sa kanila habang si papa,hindi ko alam kung nasaan siya.

Nagising ako dahil sa isang malakas na sigaw, bumangon ako mula sa aking kama at kinusot ang aking mata. 

Isang malakas na sigaw muli ang narinig ko kaya tumayo ako at lumabas sa aking kwarto habang kunot ang nuo. 

"H-h-hindi ko sinasadya m-mahal,n-n-- "boses iyon ni papa kaya mas binilisan ko pa Ang lakad hanggang sa makarating ako sa hagdan.

"Anong hindi mo sinasadya,Fidel kompanya natin iyon,iyon nalang Ang natitira saatin.Paano mo nagawang ibenta ang nag iisa nating kompanya"malakas na sigaw ni mama na nagpatigil saakin.

Binenta ni papa ang kompanya? paanong?

"Kanino mo binenta Ang kompanya?" 

"K-kay Sean Davis,i-inalok niya ako ng malaking halaga at h-hindi ako nakatanggi"

Parang tumigil ang pag ikot ng Mundo ko sa narinig, patuloy lang akong nakatitig kay papa na pilit nagpapaliwanag kay mama.

"Laura"napatigil ako sa pag iisip ng biglang sumigaw ng malakas si papa.

Bumalik ang tingin ko kay mama at Nanlaki ang aking mata ng makitang nahulog sa sahig si mama at wala ng malay.

"Mama"tawag ko at nagmamadaling bumaba sa hagdan.

"Lilly tumawag ka ng doctor"ani ni papa.

Walang tigil ang pag agos ng luha ko habang nasa labas ng operating room,pabalik balik ang aking lakad.

Hindi ako makapaniwala na binenta niya talaga ang kompanya at ang Malala pa ay kay Sean Davis.

Ilang minuto pa ang hinintay namin hanggang sa tuluyan na lumabas Ang doctor.

"Doc how's my mom?" Mabilis na tanong ko sa doctor,nasa likod ko si papa.

Bumuntong hininga ang doctor kaya mas lalo akong kinabahan.

"Unfortunately,she have a serious heart condition,habang patagal ng patagal ay bumabagal ang tibok ng puso niya kaya kailangan mapalitan ang puso niya, kailangan namin ng heart donor upang mapalitan ang puso ng mommy mo o kung hindi ay mamamatay siya"ani ng doctor.

Para akong nawalan ng hininga sa narinig, nakatingin lamang ako sa kawalan habang kinakausap ni papa ang doctor.

Ng makaalis Ang doctor ay may naalala ako. 

"Hindi bat binenta ninyo Ang kompanya pa,puwede nating gamitin ang pera para makahanap ng heart donor para kay mommy"Sabi ko sa kaniya.

Biglang natigil si papa at tumingin sa sahig kaya napatigil ako.

"I- spend the money from gambling,m-may mga u-utang p-pa akong hindi nababayaran,I'm sorry anak"mahina niyang sabi at yinakap ako habang umiiyak. 

Nag unahan Ang mga luha kong bumagsak mula sa aking mata,para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa nararamdaman. 

Wala akong ibang maisip kung hindi ang kalagayan namin ngayon.

Gusto kong sigawan si papa dahil alam kong kasalanan niya ang lahat ng ito pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan,walang lumalabas na hikbi o salita sa aking labi. 

Paano namin mahahanapan ng heart donor si mama gayong wala na kaming pera,Ang perang naipon ko sa bangko ay kakaunti na lamang at sigurado akong hindi iyon magkakasiya para makahanap ng heart donor para kay mama. 

Yinakap ko pabalik si papa at tahimik na umiyak hanggang sa maalala ko ang sinabi ni mama saakin kahapon. 

Akitin at pakasalan si Sean Davis? 

Makakaya ko bang akitin ang pinakamayaman na tao sa Pilipinas? 

_______________

Aykafaye❤️❤️

*******

Vote

Follow 

Comment

   

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status