Share

Chapter 30

YÑIGO

"AMIRA!"

Agad ko syang nilapitan at kinalong. Tiningnan ko ang bandang balikat nya na may umaagos na dugo. Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinapik tapik ang pisngi.

"Baby wake up!" Gumagaralgal ang boses na tawag ko sa kanya. Parang may nakabara sa lalamunan ko at malakas ang kalabog ng dibdib ko na masakit na sa loob.

Pero hindi sya natitinag at nakapikit lang. Hinawakan ko naman ang pulsuhan nya. Pumipintig pa. Mabilis kong hinugot ang cellphone sa bulsa at tinawagan si ninong. Sinagot naman nya ito agad.

"Ninong may tama ang asawa ko. Kailangan ko syang dalhin sa hospital."

Nagmura ang nasa kabilang linya. ["Sige lumabas kayo, ico-cover kayo ng mga pulis para makalabas."] Aniya.

Pinatay ko na ang cellphone at agad kong binuhat ang duguang asawa ko. "Hold on baby! Dadalhin kita sa hospital."

Pagkalabas ko ng silid ay sumalubong sa akin sila itay at inay. Nagaalang tiningnan nila si Amira na duguan sa bisig ko.

"Diyos ko ang anak ko!" Bulalas ni inay at lumapit sila ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status